Chapter 18
Her real condition
After that night, I went to the hospital to see my doctor. I just wanna know kung bakit kumirot ng ganung kasakit ang puso ko kagabi. It was physically painful, hindi ako nakatulog nang dahil do'n.
Maybe too much happiness can kill me.
Sobrang saya ko kagabi kaya siguro nag-malfunction na naman 'tong puso ko. Hindi man lang marunong maki-cooperate. Sana pinagbigyan man lang ako, lagi na lang ganito.
"You're not improving, Asia. I think I need to change your meds, mukhang hindi na sila tumatalab sa'yo." Dr. Martinez said after he showed me the results of my test. Ganun pa din daw, hindi pa rin nagbabago ang taning ng buhay ko.
"We really need to find you a donor as soon as possible. My team is trying their best to find you one, you just have to believe & be positive." he smiled at me. Alam ko naman na ginagawa nila ang lahat para mabuhay ako pero kung oras ko naman na talaga, I will gladly accept it. Wala naman akong magagawa kung gusto na ng Diyos na kunin ang buhay ko. Ipinahiram lang naman n'ya 'to sakin kaya ibabalik ko din naman kung gusto na n'yang bawiin.
I went out to the hospital with a pain in my heart. Hindi na ito physically pain kundi emotionally na. Sobrang bigat sa pakiramdam na kaunting oras na lang ang meron ako. Last year pa sinabi sakin 'to pero bakit parang ngayon lang nagsisink-in ang lahat?
Gusto ko pa sanang mabuhay, gusto ko pa sanang matupad ang mga pangarap ko, makilala ang tao na talagang mamahalin ako...kaya lang pakiramdam ko hindi na ako aabot. Sa kalagayan ko ngayon? Sobrang imposible na makahanap sila ng donor para sa akin, kahit na gaanong karaming pera pa ang ilabas ng mga magulang ko, wala naman yatang gustong mag-donate para sa akin.
Naupo na lang ako sa may bench dito sa park na nadaanan ko malapit sa hospital. I need to vent this out. I feel the need to cry again, parang buong buhay ko wala na akong ginawa kundi malungkot at umiyak. Maybe I don't deserve a life, mas mabuti na nga siguro na mamatay na lang ako.
"Ate?"
I was busy pitying myself and crying like an idiot when a little girl sat beside me. Pinunasan ko ang mga luha ko para kausapin s'ya. It seems that she was talking to me kasi eh.
"Yes?"
"Bakit po kayo umiiyak? Sino po nagpaiyak sa inyo?" she innocently asked. Natawa na lang ako dahil sa kainosentehan n'ya. I was about to say something when she suddenly wiped my tears.
"Kung ano man po ang dahilan ng pag-iyak n'yo naniniwala po ako na malalagpasan n'yo yan. Ang ganda-ganda n'yo po, mukha po kayong anghel. Di ba dapat ang mga anghel laging masaya? Hindi dapat sila umiiyak. Tahan na po." mahinahon n'yang sabi. Sa sobrang tuwa hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin s'ya. Gusto ko agad humingi ng tawad sa Diyos dahil hindi pa man nagsisimula ang laban eh sumusuko na ako.
Pasensya na po.
"Thank you baby girl. Hindi mo alam kung gaano mo napasaya si ate ngayon. Dahil d'yan itetreat kita ng ice cream!" tuwang-tuwa s'ya nung sinabi ko 'yon. Nilapitan agad namin si manong sorbetero saka bumili ng ice cream, cheese flavor lang yung sa kanya tapos yung akin naman eh cookies & cream at avocado. Mas gusto n'ya daw na nakapalaman sa tinapay, ako naman yung sweet cone ang pinili ko. Naupo ulit kami sa bench at nagkuwento s'ya ng kung ano-ano sa akin. Para lang kaming bata dito na magkalaro, pinagtatawanan namin yung mga ka-clumsyhan namin sa buhay.
We were busy laughing when I saw a big hole at the back of her hand.
"Anong nangyari d'yan sa kamay mo? Bakit may butas?"
BINABASA MO ANG
Unrequited
RomanceNobody wants to be caged. Nobody wants to be controlled. Pero ano bang magagawa ko? Hindi naman ako ang may gusto nito, hindi naman ako ang nagdesisyon na ituloy ang kasalan na 'to. I was forced to marry the guy that I love. But the sad thing is h...