XXXVI

2.7K 124 23
                                    

Chapter 36

Little by little

"Done packing?" Ate Cass asked me when she entered my room.

"Yes, ate. Hinahanap ko lang po yung stuff toy ko, hindi ko po kasi makita eh." sagot ko habang binubuklat ang mga unan. Nasaan na ba kasi 'yon?

"May sentimental value sa'yo 'yon, no? Sino ba nagbigay?" 

Napatigil ako. Actually hindi naman n'ya binigay kasi sa amin talagang dalawa 'yon. Napanalunan kasi namin si Dada sa EK dati eh kaya napagdesisyonan namin na conjugal property namin ang stuff toy na 'yon. 

"Ohps. Kilala ko na." natawa na lang ako kay ate. 

Tinulungan n'ya na akong hanapin si Dada. And finally, nakita namin s'ya sa ilalim ng lababo ng cr ko. 

Bakit s'ya napunta dito?

After kong mag-pack ng mga gamit ay bumaba na ako dala-dala ang malaking maleta. Medyo mabigat nga s'ya kasi minake sure ko na wala akong makakalimutan. Gaya nga ng sabi ni Ate Cess, malayo ang mga tindahan do'n kaya dapat kumpleto ang mga gamit na dadalhin ko.

I was struggling sa pagbaba when a man get my suitcase for me.

There you go! Ang gentleman naman.

"Dapat hindi ka nagbubuhat ng mabigat." sabi n'ya pagkatapos agawin ang suitcase ko. 

Nang makababa ay nakita ko ang mga dala-dalang gamit nila. As expected kay Ate Cess, marami talaga pero yung kay Nix? Isang bag pack lang yung nando'n.

"Isang bag lang dala mo?" I asked him, he just nodded.

"Yes. Nand'yan na lahat. Five days lang naman tayo do'n eh, kaya yan." 

Ipinasok na namin sa kotse ni Ate Cass yung mga gamit. Si Mang Hayme yung maghahatid sa amin papunta sa Lopez, Quezon; s'ya yung driver ni Ate Cass. Tapos babalikan n'ya daw kami pag uuwi na. 

Four-seater yung sasakyan. Sa shotgun seat nakaupo si Ate Cass, at syempre sa likod kami ni Nix. Wala namang choice eh. Sa may left side ko pinili na maupo dahil doon ang usual spot ko lalo na kapag may nakaupo sa harap. 

"Mang Hayme, ilang oras po yung biyahe?" tanong ko sa driver namin ngayon. 

"Nako Ma'am pag di po traffic, siguro 5 hours? Pero pag traffic po eh umaabot po ng 7 hours eh." 

Mukhang matagal-tagal nga ang biyahe. Ano kayang gagawin ko sa loob ng 5-7 hours? Ang bilis ko pa namang mabagot tapos itong katabi ko pa pinoproblema ko. Dapat pala sinabi ko na lang kay daddy na yung van ang gamitin para may choice ako ng uupuan.

Hindi naman sa ayaw kong katabi si Nix ah. Hindi ko lang kasi talaga kaya pa na makasama s'ya nang ganun katagal. Masakit pa rin  sa akin lahat nung nangyari kahit na alam ko sa sarili ko na miss ko na s'ya. I just need some time and space to think and to reflect na rin.

I put my headphones on at nag-play ng isang solemn music pero nakatodo ang volume. 

Sana maging tahimik at payapa ang biyahe na 'to.

[3rd Person's POV]

Nix was hesitant. 

Kanina pa n'ya gustong ilagay ang ulo ni Asia sa kanyang balikat kaya lang ay nag-aalala s'ya dahil baka magising n'ya ito.

She's sleeping soundly with her earphones on. Halatang ayaw magpaabala dahil nakatodo ang volume ng kanta at rinig na rinig 'yon ni Phoenix at ni Cass. 

"Sige na pahigain mo na. Mangangawit 'yan, ikaw rin." utos sa kanya ng kapatid na may kasamang pag-uudyok.

"Baka kasi magalit. Baka lalong di ako pansinin." 

UnrequitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon