Chapter 23
Tyrone POV
Pagtripan ko kaya tong si Deyna? nababagot ako eh. Di na ko inaaway. Di na rin naninigaw. Aish! Bahala siya jan. pagtitripan ko siya.
"Deyna tara" tumingin lang siya sakin. Nakaupo kami sa kama at magkaharap siya nagtetetris ako pinatulog si ken.
"saan naman?"
"sa helicopter" tapos nginitian ko ng nakakaloko. Tumaas tuloy ung kilay.
"ayaw nga." Tapos naglaro nanaman.
"pag ikaw di sumama."
"ano gagawen mo?" habang naglalaro pa rin
"kukuha ako ng ipis at daga saka ko ilalagay sa bag mo" winagayway ko ung bag niya. Nasa paanan lang naman ng kama kaya abot ko agad eh.
"wag mo nga ko pagtripan!" ayan sumigaw na
"tss. Eh ba't ang init ng ulo mo?" sabay ngiti ko ulit
"shut up!" magising si ken eh. Tumayo ako at tinago ung bag niya. Di naman ako papansinin nun eh. Pano mamamansin? Eh nagtetetris! Ung tetris na yan ang nakakasura eh! Nabubwiset ako! Imbis na may nangungulit sakin! Bumalik ako sa kama. May nakapasak naman na earphone. Ano bang problema nito at ayaw ako pansinin???
"hoy!" di tumingin "isa! Tumingin ka nga dito Deyna!" aynako. Ang tigas ng ulo mo! "sinabing tumingin ka dito eh." Bahal nga siya jan. di na ko papansinin niyan. Makahiga na lng, sa may paanan tuloy ako humiga. "tsk. Ba't ba ang manhid mo De Leon? Nakakainis ka alam mo yon? Sarap mong paltukan!" tapos kinuha ko cp ko saka ako nagpatugtog.
PLAYING: DEDMA – rocksteddy
ano kaya nangyayari sakin ngayon kung hindi ako agent? Ung normal na highschooler lang. ung may normal na pag-iisip. Normal na kaibigan. Normal na Gawain. Normal na girlfriend. Ano kaya mangyari sakin nun?
**Imagination
"tj tara, GL daw! Naghihintay sayo si cyclone mo!" juno.
nabuhayan ako dun. Ang boring kasi sa classroom na toh eh.
Habang naglalakad sa hallway ng school.
"awww. They're so hot!"
"omo! Girls sakin na si tj hah!"
"hah?? Basta akin si jiro!!"
"tse! Akin un oh! Si fafa juno!"
"why??? Samin si Alvin and miko"
Ano ba yan? Ang ingay naman
*GL
"Hi babe" lapit sakin ni Deyna sabay kiss sa cheeks ko "bakit parang badmood ka?" nakakapit sa braso ko. papunta kami dun sa kwarto. Ung parang headquarters.
"wala lang to babe, don't mind me" saka ako umupo sa blue chair ko. siya naman sa red chair niya.
"you're lying. May problema ka eh" sabay sandal ng ulo niya sa balikat ko
"namiss kasi kita eh. Di ka pumapasok" ba't nga kaya?
"tinatamad akong pumasok eh"
"ayaw mo ko makita?"
"gusto, kaso tinatamad talaga ako" haaayyy. Ang tamad ng girlfriend ko "babe"
"yes?"
"ano gusto mong gawin? Uhm, I mean after we graduate sa college" ano nga ba?
"makakuha ng trabaho"
"yun lang?" yun lang ba??
"oo. Pagkatapos makaipon then pag may naipon na, bibili ako ng bahay"
"ehh?? Ba't ka bibili ng bahay?"
"eh kasi pagkatapos ko bumili ng bahay papakasalan na kita. Tapos magkakaanak tayo."
"ilan ba gusto mo?"ilan?
"na anak?"
"yeah" mga isang dosena plus 1 para may muse
"madami" tumingin siya sakin. Ang ganda ng mga mata niya. Ang tangos ng ilong. Ang pink ng pisngi. Ang pula ng labi.
Palapit na kami ng palapit. We're about to kiss
"JAIRUS!"
*BLAG*
"araaay."
"bakit ka ngumingiti ngiti? May kalibugan kang iniisip noh??" tinignan ko siya.
Psh! Kalibugan daw eh. Malibog ba ang kiss?? But... pink nga ung pisngi niya. Pula ung labi. Napakagat tuloy ako sa lower lip ko.
"hoy. Jan ka lang" paatras siya ng paatras sa kama habang papalapit ako. Nakatitig lang ako sa lips niya.
"h-hey! Ano bang ginagawa mo!!" malambot kaya un?
"stop na kasi! Tinatakot mo ko eh!" masarap??
"JAIRUS!" ba't naman naninigaw toh?
"ano?!"
"ayyy. Ikaw pa galit!? Ako na nga ung natatakot sa gagawin mo eh!" gagawin ko? aah!! Sayang. Oo nga nuh? Ang lapit na eh. face-to-face na nga eh.
"galaw ka nga" dali para ikaw sisisihin ko pag nag-kiss tayo ng 'di sadya ^__^ damoves yan boi!
"ayoko! Loko ka. Pinagnanasahan mo labi ko!"
"eh ano naman? Patikim kasi!"
"ayoko ngaaaa!"
"wala pang nakakahalik sayo noh?"
"eh ano?"
"tara halikan kita para ikaw rin first kiss ko!" bakit parang nagulat siya?? Eh ano kung wala pa kong 1st kiss? Gusto ko kasi sa babaeng mahal ko. kaso I just like her, kahit siya pa si cyclone I just LIKE her, pigilan mo feelings mo. Pero .... Her lips, those lips, they're tempting me, I wanna kiss it so freaking bad!
"hoy. Joke lang. hahahah. Feeling mo naman hahalikan kita. Asa deyna! A-S-A" saka ako pumunta CR.
Deyna POV
"tara halikan kita para ikaw rin first kiss ko!"
"hoy. Joke lang. hahahah. Feeling mo naman hahalikan kita. Asa deyna! A-S-A"
Wait.
Tama ba Narinig ko?
wala pa siyang first kiss?
oh my god yung lalaking yun?!
Srsly?
Halikan ko kaya??