Book 2 Chapter 8

379 11 0
                                    

Chapter 8


Tyrone POV

Sa nakalipas na tatlong araw pag tapos nung pasko puro away na lang naririnig ko. Sigaw dito, batuhan doon, away sa kaliwa, sermon sa kanan. Anong klasing buhay ba to? Hindi naman kasi ako ang magmamana dapat ng kompanyang yan eh. May trabaho na ko! di ba niya naiintindihan un!?

"aray!" tinamaan ako ng vase na binato ni linta

"ayy. Sorry tyrone. I didn't mean to! Yang Leslie na yan kasi biglang lumapit sayo!" sigaw niya

"ikaw nga Leslie umalis ka dito! Bumalik ka na sa maynila!" tanda

"ayoko nga! Hindi ako aalis dito ng hindi ko kasama si kuya!"

"hindi mo pwede isama si tyrone!" linta

"ano karapatan mo ha!?" aaaaaaahhh. Natutulili na ko

"tumigil nga kayong tatlo! Nabibingi na ko eh!"

"iakw tyrone ha! Kinakampihan mo pa yan!? Wala kang mapapala kay Leslie!" lola

"ano ba?!"

"lola oh sinisigawan tayo ni tyrone" Kelsey

"hoy ikaw babaeng linta! Lumayas ka nga sa mansion namin!" leslie

"hindi! Hindi aalis si Kelsey dito hanggat hindi pumipirma si tyrone sa kontrata!"

"ano ba kasi tanda! Mas sariling isip pinsan ko! wag mo siyang utusan sa mga gagawin niya!"

"kayong dalawa ka! Kanino ba kayo natutong sumagot sagot sakin ha!?"

"lola kay Jaireen po natuto yan!"

"at sinong Jaireen naman un?"

"ung babaeng umaagaw kay Tyrone sakin!"

"HOY!" sigaw namin ni leslie

"hindi niya ko inagaw sayo linta!"

"oo nga! Masyado kang naniniwala jan lola! Eh Retokadang bakla yan!" leslie

Wala rin kaming napala. Panalo ung matanda at ung linta. Muntik pang magsabunutan nanaman si Kelsey at si Leslie. Pinigilan ko lang. ayoko na ng gulo. Gusto ko ung tahimik lang. kung may ingay man akong maririnig gusto ko ung ingay ni Deyna, Leslie at Brianna na nag-aaway. Mas ayos ako don.

"pinsaaaaaaaan. Ano na gagawin natin?! Three days na lang at bagong taon na!"

"alam ko" nandito kami sa panpang ngayon. Nanonood ng sunset.

"tulala ka nanaman" 

"Deyna"

"yes?"

"may minahal ka na ba?" 

"meron na" 

Naaalala ko nanaman si Deyna. lagi na lng niya pinapasok isipan ko

"ngumingiti ngiti ka jan. share naman"

"wala"

"asus. May naaalala ka no"

"siguro?"

"hahaha. Alam ko na kung sino. Tara na. nagugutom na ko" hinatak na ko ni Leslie pabalik.

Haaayy. Pakiramdam ko nagbago na ko. imbis na nakatakas na kami ngayon at nakabalik na pero ano? Eto kami. Nakakulong sa bahay na ayaw na ayaw namin. nasan ba kasi si lolo?

Pagkatapos namin kumain hinatak kami ni Kelsey sa sala. Si Lola nasa taas na daw.

"kung ayaw mo kong pakasalan para lang sa kontrata edi pakasalan mo ko para dito" inon niya ung tv.

"LOLO!" sigaw namin ni Les. Pero teka? Si lolo ba talaga un?

"anong ginawa mo sakanya?!" leslie

"shut up." Tumingin siya sakin "you need to save him right? Kaya kailangan mo ko pakasalan" ano? Kasal?! "at saka pag ito nakarating kay Jaireen di na ko mag-aalilangan na patayin ung matandang yan!"

"TJ" tingin sakin ni leslie.

"ano na Tyrone? Deal or no deal? Buhay ang kapalit ng no deal"

Ano gagawin ko? pano si Deyna? si Lolo? Ano ba???

"think of it. At ngayon ko kailangan ang sagot mo!"

"ano gagawin mo pag hindi ako pumayag?"

"edi papatayin ang lolo mo! Saka ung Jaireen mo! Look" nilipat niya ung channel.

O____________O may nakatutok na baril kay Deyna at Brianna.

"hoy anong?! Bakit ganyan!?"

"planado ko na ang lahat Leslie and Tyrone. Subukan mong huminde tatlo ang mamamatay oh wait gawin mo ng apat"

"bakit pati sila dinamay mo? Ako lang naman ang kailangan mo ha"

"tssss. I don't care. I want you. At gusto ko walang hahadlang. Kaya ung lolo mo kailangan burahin. Isama mo si Jaireen na PINAKA malaking hadlang! Pati yang briannang yan!" humarap nanaman siya samin "at siyempre kung si Jaireen at Brianna mawawala kailangan na rin mawala ni Leslie." Tumawa siya. Kumapit naman sa braso ko si Leslie

"tyrone. A-ano gagawin natin? A-ano gagawin mo?"

"ikaw!" tinuro niya si leslie "subukan mong sabihin ito kahit kanino lalo na kay jiro di ako magdadalawang isip na isama si Jiro sa listahan!"

"ang sama mo Kelsey!"

"hahahahaha. Masama? Hindi pa kasamaan toh Leslie. Wala pa ko sa kasamaan na sinasabi mo! Nagsisimula pa lang ako!"

"payag na ko"

Bigla na lang lumabas sa bibig ko yung mga salitang yun.

"papayag ako kung hindi mo gagalawin ang mga kaibigan ko, si lolo, lalo na si Deyna"

"oh sure! Sign this" nilapag niya ung kontrata.

"tyrone wag" pigil ni leslie

"hindi ko kailangan ng kontrata mo"

"but what if hindi ka tumupad" Kelsey

"tutupad ako kung tutuparin mo rin ung gusto ko"

"eeh? Sige na nga. Pero one thing." Pinunit niya ung kontrata "sa pasukan ako na ang kikilalanin mong girlfriend. At iiwanan mo na si Jaireen"

"hoy! Kailangan pa un?!" leslie

"sa malamang! Ayoko maging kabit noh!"

"tsss. kabit ka na nga eh"

"manahimik ka nga!"

"oo na. wag mo lang siya gagalawin"

Tmayo na ako at naglakad papuntang kwarto pero bago ako makakyat ng hagdan

"pero wag mong asahan na itatrato kita katulad ng pagtrato ko kay Deyna"

Agent Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon