Departure
Tyrone POV
Kahapon ikakasal na dapat ako buti na lang at napigilan.
Sa mental dinala si Kelsey at si Lawrence at Brianna nagbati na. sinundan namin hanggang labas ung humuli kay Kelsey.
Kaso paglingon nanaman namin wala nanaman si Deyna. Ang sabi ni ken di na rin daw niya nakita.
Naglaho nanaman siya. Pumunta ako sa agency ngayon. Dumiretso ako sa opisina ni Mr. Rodriguez
"you've completed your mission" mr. Rodriguez na nakaupo sa gilid ng desk niya.
"sir isa lang ang nakumpleto ko, hindi ko siya nahanap"
"nahanap mo siya"
"pero nawala siya"
"oo. Dahil umalis nanaman siya ng bansa"
"nanaman!?"
"yes. She told me not to tell you where she went."
"aish! Aalis na nga ako!" naglakad nanaman ako palabas ng opisina niya
"I won't tell you that she's in Paris again because she told me not to tell you"
Di ko na pinansin. Umalis nanaman siya! Iniwan nanaman ako!!!! sumakay na ko sa kotse at umuwi sa condo ko. bakit ba palagi niya ko iniiwan?? Gano nanaman ba katagal?!
PLAYING: WHY CAN'T IT BE - NINA
Humiga ako sa kama ko ng may Narinig akong malukot na papel Kinapa ko ung ilalim ng unan ko. may dalawang bond paper. Sulat niya
Hey! Isn't my surprise great? I'm off to somewhere again. But I'm not telling you again. And while you were reading this I'm already off of this country. I think you still need space to think. Think if you still love me after lying for so long. Tinago ko lang naman ung katotohanan dahil hindi ko pa alam gagawin ko nun. Isa lang naman alam ko nung mga panahon na yun eh. MAHAL NA MAHAL KITA JAIRUS. Un lang. naaalala mo pa ba ung debate question ko? eto un diba?
"if you have the powers to go back in time would you go back? Why and why not?"
Ang ang sinagot ko na alam kong kinabigla niyong lahat ay eto...
"I'll not go back, kasi, kahit na may masayang nangyari sa nakaraan mauulit pa rin ung nangyari sa kasalukuyan. Masasaktan lang ulit. I'd rather continue my life, but kahit ipagpatuloy ko man yun. Magpapahinga lang ako dahil babalik ako. Babalik ako para sa akin at para bawiin kung ano ang dapat na para sakin"
Jairus bumalik naman ako diba? Pero masakit pa rin. naaalala ko pa rin lahat. Kaya ko ng wala ka sa buhay ko dahil ganun naman dati, nabuhay ako ng wala ka. Pero Jairus mula nung dumating ka dun ko na lang ulit naaalala na may dahilan pala ako mabuhay. May dahilan para sumaya. Alam kong hindi pa ko formally umaamin sa'yo na mahal kita. Unfair ko nuh? Kasi ikaw umamin ka na sakin. At mas unfair lalo dahil ngayon ko aaminin. Dito sa sulat.
Jairus, first impression ko sayo nung first year tayo, you're too loud. Kasi araw araw mo ko inaasar. 'Miss nerd na panget' alam mo ba tuwing naaalala ko yang asar mo sakin nagningiti ako. Jairus nung first year pa lang gusto na kita despite the fact that I always get mad at you dahil sa pang-aasar mo. Alam mo bang hinahanap hanap ko ung pang-aasar mo nung lumipat ako nung second year? Nung second year din ako nagstart magbago ng itsura ko kaya ako lumipat. Kaya ako nagbago para mapansin mo ko. silly isn't it? Pero napansin mo naman ako diba? Nung una pinagdududahan mo pa ko pero nung nakita mo ung nasa ID ko dun ka lang talaga naniwala. "I'll never fall in love with you" yan ung sinabi ko nung unang beses mo ko hinatid pauwi. Un ung araw na dinaldal kita kasi ang tahimik mo. Ni oras hindi ko na napansin kakakwento sayo. After that ung mga nangyari sa room. Ung mga asaran. Kulitan. Pati ung mga panghaharass mo sakin sa kwarto. Pati yang 'pervert mode' mo na halos mabaliw ako kung pano ko itatago ung kilig ko. hahaha. Oo Kinikilig ako kada pagtitripan mo ko. nung nandun tayo sa bora. Mas naging close tayo. Nagkaron pa nga tayo ng anak anakan eh. Diba ayaw mo kay ken nun? Pero dahil sakin pumayag ka. Dahil sa kakulitan ko napapayag kita. May naaalala pa ko na ginawa mo. Kinuwento lang ni leslie sakin un eh. Nung tinanggalan mo ko ng make-up. LOL. Concern. :)))))) marami nang nangyari satin. Hindi ko na nga mabilang lahat eh. Pero kahit na hindi ko maalala ung iba. Ung mga korni mong pick-up lines hindi mabura sa utak ko. kada banat mo may meaning. Kada banat buong room ang sumusubaybay. Teleserye buhay natin eh. Pero bakit ganun? Diba lahat ng teleserye may happy ending?
Tayo? Pano na tayo? Tsss. wala na nga palang tayo. Hayyy. Gusto kong ibalik ung dati alam mo ba un? mahal pa rin kasi kita eh. MAHAL na MAHAL. Ewan ko nga kung kakayanin kong gumising pa ng wala ka. Jairus.... Kung hindi mo na ko kayang hintayin ayus lang. alam kong sasabihan mo ko ng tanga kasi Ganito ung ginawa ko pero totoo naman diba? Bago ko sulatin to MARTYR ako. tapos ngayon TANGA na. jairus... kaya mo bang maghintay? Alam ko kasi wala sa vocabulary mo ung word na "patience". Pero sana nagkaron na no? lagi kitang pinaghihintay eh.
Siguro ngayon I need space. Kailangan kong malimutan lahat. Lahat ng sakit. Wala na kong pride eh. Ginamit ko na para lang makalaya ka sa babaeng yun. Kasi alam mo kada makikita ko kayo dati na maghahalikan gusto kong sugurin kayo at bugbugin. Kaso di ko ginagawa. Naduduwag ako. wala ng tayo nun eh. Wala na ko mapanghawakan. Unti unting humihina loob ko kahit na madami na kong hawak na sagot.
Hindi na ko maghahanap ng iba. Kasi ikaw lang talaga eh. I'm mean kasi sinubukan ko ng kalimutan ka pero kada iisipin kong kakalimutan kita mas lalo kitang minahal at patuloy na minamahal. I know I'm still young, we're still young. Siguro hindi pa ito ung tamang panahon para sayin. Or baka wala ng tamang panahon para satin. I'm weak. I know you're thinking that. Kasi jairus hindi naman laban to na mano mano eh, hindi katawan ko masasaktan..... ung puso ko. ung puso kong wasak na wasak na. pero kahit ganun man mahal pa rin kita. Mahal na mahal nga.
Wag mo ko kakalimutan ha. Kahit pangalan ko lang maalala mo sapat na.
--- Darling, Babe, Hunny, Love, Seety, Sweetheart......
JAIRUS PAYATOT I LOVE YOU.
p.s. I love the way you intertwine your fingers in mine. The way each gap of my fingers is filled with yours as if the entire world belongs to me at that single moment. The way you hold my hand feels like i'm the happiest girl ever. As if nothing can ever come between us as long as your hand and mine are interlinked with each other. I hope this moment will last. I hope our story won't end. As long as your holding my hand and i'm holding yours, i'll be yours and you'll be mine <3
~DEYNA
