Book 2 Chapter 6-C

509 21 4
                                        

Chapter 6-C


Brianna POV

Nandito na ko sa Bar at si Jaireen pa lang kasama ko.

"di ka ba nagsasawa sa away niyo?" tanong niya. Pumapapak lang siya ng Fried chicken.

"ewan?"

"ayaw mo umamin?"

"eh ba't ako aamin?"

"tsk. Yang pride mo nga ibaba mo kaya walang nangyayari sa'yo eh" okay, sermon time "alam mo yang pride parang panty lang yan" napatingin ako bigla sakanya

"p-panty? Anong konek nun sa panty? Okay ka lang?"

"tss. Kasi tignan mo ha. May mangyayari ba pag di mo binaba ung panty ng babae?" she- she's waaaaaah!!!! Anong utak???

"ang-ang libog mo!!"

"eh?? Baliw ka? Kinonek ko lang kaya sa pride!" saka kumain nanaman

"ewan ko sayo. Nahawa ka na dun sa boys"

"hahahaha. Di ako nahawa sa boys."

"heh! Pano na ba? Ano gagawin ko?"

"umamin ka nga!"

"kailangan sumigaw? Ang hirap kaya umamin! Bakit ikaw nakaamin kana?"

"sa tingin mo?"

"hindi"

"tanga!" -____- "magiging ganun ba kami kaclose kung di pa ko nakakaamin?" siya unang umamin?

"i-ikaw ang unang umamin??"

"uhh? No." kagat sa manok "siya una tapot inabayan ko na." habang ngumunguya kaya tila siya ngongo

Eh pano kung walang feelings sakin un? edi napahiya ako? Daanin ko kaya sa kanta? Tss. I'm sintonada kaya. Sa sayaw? Hindi ako nakapagpraktis!

"wala pa ung iba?" O__________O s-si juno. "oh nakatingin ka nanaman?"

"w-wala! Umupo ka nga!" eeeehhh. I'm so nervous. Si Jaireen naman nakatingin samin

"ikaw lahat kumain nito?" juno

"yea. Wait lang ah. Maghuhugas akong kamay." Umalis siya. Aaaaaaaaahhhh. Aamin na ba ako? 

"Brianna" tumingin ako sakanya. Nakatingin naman siya sa phone niya "bakit ba lagi kang nagagalit sakin?"

"hah? Ewan!"

"wag mo kong sigawan ngayon baka kung ano magawa ko sayo" seryosong sabi niya

"a-ano ba kailangan mo? May ssasabihin kaba?"

"meron. Matagal ko na gustong sabihin toh." Taas ng isang kilay "di naman ako makahanp ng chempo. Kung di ka badtrip ako ung badtrip kung di mo kasama sila Jaireen may laro naman ako. Tapos pag nananahimik ka sa room di ako makalapit kasi nahihiya ako."

"oh eh ano naman?"

"tsk. Sungit eh."

"continue" huminga siya ng malalim pero nakatingin pa rin sa cp niya

"nung 1st year naman hindi tayo magkaklase. Nung second year laging humaharang ung kapatid mo. Nung third year naman dahil sa galit mo kayna Leslie na pati ata sakin nagalit ka" sumandal ako tapos cross legs

"di naman ako nagalit sa'yo o kahit kanino eh"

"weh? Eh ba't kayo nag-aaway?"

"mahabang kwento. Magsalita ka na ng magsalita dahil baka magsidating na sila"

Agent Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon