Napirmahan ko na lahat na dapat pirmahan at natapos ko na rin lahat ng papeles na nakatambak sa table ko. Pero wala pa ring Alex na sumundo sa kin dito. Pambihira! Na salisi gang ba ako?
"Missy, dumaan na ba yung Sir mo?" Tinawagan ko na naman uli yung secretary ko. Mga pang sampo ko na siguro 'tong tawag.
"Hindi pa po lumabas si Sir mam. Actually po, nagpa deliver po uli sya ng dinner sa inyo."
Bigla naman akong nainis sa narinig.
"Missy, na schedule mo na ba ako ng appointment kay Dra. Belo?"
"Yes po mam, available po si Doc tonight at bukas ng umaga."
"Please call her again that I'm on the way na. I'll schedule it now na lang."
"Eh, sabi po kasi ni Sir mam na hintayin nyo daw sya. Bawal daw po kayo umalis pag hindi sya ang kasama."
Umirap ako sa kawalan.
"Pag nagkita kayo sabihin mo may ka date ako. Sige na, I'll go ahead."
Belo's Medical Clinic
"Thank you so much doc! I owe you one. " Nagpapacute ko pang sabi. Andito ako ngayon sa clinic ni Dra. Belo, nagpa schedule ako for under arm laser. Pero hindi pala available si Dra Belo may naka appoint na pala sa kanya tonight. Biglaan kasi yung appointment ko kaya binigay nya ako sa isa sa pinakamagaling daw na Doctor nya. Si Doc Gomez, single daw at ready to mingle.
Sana naman pumuti na talaga itong kili kili ko. Nakakahiya kaya kay Doc. Gosh, ang gwapo nya talaga.
"No worries Ver..basta h'wag mong kalimutan na may session tayo once a month. Kindly call me in advance if anong date yung susunod na gusto mong schedule. Okay?"
"Sure Doc, salamat talaga. Nakakahiya tuloy hanggang sa labas hinatid mo pa ako. D'yan lang naman ako naka park." Ininguso ko pa kung san ako naka park kanina habang matamis na nakangiti pero may lalaking nakatayo sa kotse ko at parang kakain ng tao kung makatitig.
" Naku anak ng tipaklong. Nayari na."
" Ah Doc, I'll go ahead na..see you when I see you."
"Pero Ver, kilala mo ba ang lalaking yan? Parang pamilyar yung mukha pero bakit mukha yatang galit."
"Naku Doc, don't worry about me. Okay lang po ako. Promise."
Ngumiti pa akong lalo para maniwala si Doc baka ano pa kasi gawin ng Alex nato. Baliw pa naman to minsan.
Pero sa ginawa ko lalo pa atang sumama ang mukha ni Alex. Sus pakipot, gusto nya sa kanya lang yung ngiti ko. Hahay. Madami talang indenial sa mundo."Okay Ver, if you say so..I hope to see you again soon. Bye." Kumaway pa ang gwapong doctor. Gusto ko sanang kiligin pero nakaka distract ang mamang ubod ng sungit.
"Why are you here?" I asked, habang unti unting lumapit.
"I think I should be the one asking you that? Why are you here and talking to that ugly doctor?!"
"He has a name Alex! He's not ugly! He's gwapo kaya..mas gwapo pa sa'yo!
"What did you just say? Nagwa-gwapohan ka sa doctor na yun? Kaya pala umalis ka na lang ng walang pasabi!"
"At bakit? Sa tingin mo ba maghihintay ako sayo don hanggang sa pag puti ng uwak? Ha? Kung sa tingin mo Alex na ako pa rin ang batang si Veronica na handang mag hintay sayo then you better think again! Sawang sawa na ako sa kahihintay sayo!"
Parang maiiyak na naman ang lola nyo pero compose pa rin ako. Baka kala nya ha..akala siguro nya maadik ako sa hotdog nya. Hmmmp..slight lang naman.
Mag wo-walk out na sana ako pero naramdaman ko na lang na nasa ere na ako.
" Aba't ibaba mo ako peste ka! Ayyyyyy!"
Sukat ba namang ibalibag ako sa front seat ng sasakyan nya. Natakot ako ng kunti don ha. Hindi pa ako handa sa car scene.
Naramdaman ko na lang ang pag lock ng seatbelt. Gosh, someone is really mad. Yung sasakyan ko kawawa naman. Paano sya uuwi nyan?
"Ipakukuha ko na lang yung kotse mo bukas." at pinasibad na ang kotse nya.
No comment na lang ako. Kahit naman spoiled ako kay Alex at Daddy Martin pero takot pa rin ako pag galit na sila especially Alex. You don't like mad Alex. I swear.
Inuwi ako ni Alex sa mansyon. May kwarto pa naman ako don kaya okay lang. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng may humila naman sa akin.
Oh my god! Sino ba ang leader ng 'Hila Gang" nato ng maturuan ng leksyon. Nakaka badtrip ha. Gigil mo si ako.
Hindi na ako naka react pa kasi gigil na din sya sa kin.
Dinala ba naman ako sa kwarto nya pinarusahan...
Gosh, sana all.
To be continued..