Cebu City, Philippines
Akalain mo nga naman after ng gabi ng party lumipad agad kami pa Cebu. May meeting pala si Alex dito the day after since ayaw nyang maiwan ako kaya heto naging instant chaperone ako. Ewan ko ba kung bakit naging clingy si Alex. Patay na patay pala sya sa alindog ko ayaw pang umamin.
Ang sakit pa naman ng katawan ko..paano ba naman ang pa himas himas nya nauwi na naman sa bakbakan. Hindi talaga tinantanan mag damag. Grabe walang kapaguran si Alex. Matanong nga mamaya kung anong vitamins nya.
Speaking of the devil.
"Love, my meeting will start in 5 mins.,please behave while I'm gone okay?"
"Babe, baka naman pwede akong gumala dito while you're in the meeting? Pretty please?" with matching puppy eyes pa ako.
"Vera, please don't try to escape from me. I'm telling you..there's no way you can escape from me. Wala sa plano ko na pakawalan kapa. Nakapag timpi pa ako sa'yo nong wala pang nangyari..pero ibahin mo ngayon. Gusto ko lagi ka lang sa tabi ko. Okay?"
Ay ba't ganon..kinilig akech. Hmmm pero plano ko kasi matapos ko na yung goals ko. At dito sa Cebu yung perfect location. Bahala na si Batman.
"Okay babe, pero pwede ba tayo mag extend dito? Gusto ko kasi pumunta ng Bantayan Island, maganda daw don. Diba doon yun banda ang Camp Sawi babe?"
"Okay, I will call my secretary to arrange my schedule tapos para makapa book na rin tayo ng hotel don."
Himala pumayag agad. Yass! This is it! Gusto ko na ma experience mag BJ. Ayyyyeee..anobeyen..ke aga aga...
"Baby, may sakit kaba? Ba't namumula ang mukha mo?"
Alex face is so worried. Grabe, nakakahiya naman kung sabihin ko ang iniisip ko.
"Ah, wala to babe..naiinitan lang ako. Ay grabe ang init talaga dito sa Cebu."
Kumunot noo naman si Alex parang ayaw maniwala kasi ba naman ang lamig sa kwarto naka full yung aircon. Hhehehe. Hindi na lang umimik yung baby ko. Late na rin kasi sya sa meeting.
Hmmm..na excite ako bigla!!!
Sana ma check ko na to lahat habang nasa Cebu...
Goals before I reach thirty:
1. Magka baby
☑ 2. Maranasan ang one night stand (and more..)
☑ 3. Makipag french kiss sa bar
☑4. Mag travel
5. Magpalagay ng tattoo
6. Mag-aral lumangoy
☑ 7. Magpaputi ng kilikili
8. Mag sky dive
9. At pang huli, maranasan ko ang mag BJ (basta alam nyo na yun!) 😉