Dream-Four

97 1 0
                                    

/Dream-Four/

 

/Drew's POV/

Nandito ako ngayon sa School. Sa classroom namin ng History. Hayst.. Tinatamad ako. Etong katabi ko eh.... Nakikinig... O napipilitan lang? Haha!

Iniubob ko nalang ang mukha ko sa desk ko dahil tinatamad talaga ako ngayon. Matulog kaya muna ako? Medyo masama rin kasi ang pakiramdam ko eh.

Bakit ganun? Ang init ng mata ko. Parang nagliliyab sa init. Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Shienna ang mukha ko.

"MyGod! Mainit ka! Kaya pala kanina ko pa napapansin na nanghihina ka eh!"

"Hot talaga ako. Gwapo kasi ako eh." sabay ngiti ko at binatukan naman niya ako. "ARAY! BAKIT MO KO BINATUKAN?!"

"Ang kapal mo! May sakit ka na nga nakuha mo pang magbiro!" ngumiti lang ulit ako sa kanya at bigla siyang tumayo. At nakita siya ni Ma'am.

"Yes, Ms. Damian? Is there any problem?" sabi nung teacher namin sa kanya.

"Umm.. Si Drew po kasi, ang init init. Nilalagnat po siya saka... Nanghihina po siya." sabi niya.

Pumunta naman si Ma'am patungo sakin at tinignan kung may sakit nga talaga ako. Chansing lang yan. =____=

"Mainit nga siya. Okay, dalhin mo na siya sa Clinic. At baka malagot pa ako sa Principal nito." Hayst...

"Ha? Sa Principal Ma'am? Bakit naman sa Principal kagad? Di ba pwedeng sa nanay muna?" don't tell her... Hinawakan ko si Ma'am at tinitigan. Mukhang nagets niya naman ang nais kong iparating. Tangang babae.. =______= Nanay ko nga yung principal eh.. Halos lahat na nga alam siya lang ata ang hindi eh..

"H-Huh? W-Wala yun. Baka kasi sabihin.. Na.. Nang aabuso ako ng students dito. Kaya dalhin mo na siya sa Clinic bago pa lumala yang lagnat niya." sabi ni Ma'am at bumalik na sa pagtuturo.

"Okay po Ma'am?" Itinayo na ako ni Shienna at inalalayan ako. Pero bigla akong bumitaw sa kanya.

"Di mo na kailangang alalayan ako. Kaya ko na sarili ko. Mabigatan ka lang sakin. Ang macho ko pa naman." nakatingin lang siya sakin sabay sabing.

"Wow naman! Ikaw na nga tinutulungan eh ayaw mo pa! Arte mo talaga nuh! Saka anong connect ng kamachohan mo sa pagbuhat?" binitawan niya ako. Tinitigan ko lang din siya.

My Dream Boyfriend [EXO's Luhan and Sehun]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon