Itong tulang ito ay sinulat ko para sa aking mahal na hindi pa tapos magmahal ng iba.
April 1, 2009 ng ikaw ay aking makilala.
Sa isang lugar kung saan napakaraming tao.
Iba't ibang mukha, iba't ibang itsura at merong iba't ibang ginagawa.
Pero ang hindi ko alam bakit sa dami ng taong naroroon?
Ay ikaw, ang nakakuha ng aking ng aking atensyon.
Alam ko, binalaan na ako ng aking mga kaibigan.
Na sa lahat ng taong bibigyan ko ng pansin, ay huwag daw ikaw.
Huwag daw ikaw, dahil ikaw ay hindi pa tapos magmahal ng iba.
Sabi ko naman, wag kayong mag alala wala naman akong plano magkagusto sa kanya.
Pero isang araw gumising ako, tila nag bago na ang aking paniniwala.
Gusto kong alisin ang lungkot sa iyong mga mata.
Gusto kong makalaya kana sa sakit at pait na dulot ng iyong nakaraan sayo.
Pinagtatawanan ako ng iba, pilit pa raw akong umaasa sayo.
Halata naman daw na hindi kapa move on sa ex mo.
Pilit kitang pinagtatanggol.
Pilit kong pinapaliwanag sa kanila ang totoo.
Pero ano nga ba yung totoo?
Kasi pilit ko lang naman pinapaniwala sa sarili ko na ako na yung mahal mo.
Kahit sa loob ng puso ko ay hindi naman talaga ako sigurado.
Pero bahala na, andito na ako.
Nagiintay, umaasa na sana ako naman yung piliin mo.
Isang araw, ay bigla mo na lamang ako sinurpresa dito sa bahay.
Sabi mo pumunta ako ng ales syete ng gabi sa paborito nating kainan.
Kaya heto ako excited, nagbihis, nagayos at nagpaganda.
Alam ko eto na yun, tatanungin mo na ako.
Hindi na ako mapakali, ito na to dalawang taon din akong nagintay.
Pumunta ako sa resto, ngunit wala kapa dito.
Mukhang napaaga ata ako.
Isa, dalawa, tatlong oras na ang lumipas pero wala ka parin.
Mukhang tanga ako dito, pabalik pabalik na ang waiter tinatanung kung oorder naba daw ako.
Ng sa wakas ay tumawag ka sa aking telepono, kung ano man magiging rason mo.
Magtatampo ako sayo pero di ko kayang magalit sayo.
Sabi mo sakin "Papunta na kami, sorry kung natagalan"
Nagulat at nanlamig ang aking katawan sa sa sinabi mong "kami"
Pumasok ka kasama ang isang babaeng pamilyar ako.
Siya yung babaeng bukambibig mo sakin lagi.
Siya yung babaeng hindi mo makalimutan.
Siya yung babaeng nasakanya ang wala ako.
At alam mo kung ano yun? ikaw...
Dalawang taon na ang lumipas pero siya pa rin pala
Siya parin pala diba?
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha saking mga mata
Alam ko, na hindi ako dapat umiyak sa harap mo.
Pero inunahan na kita, kasi hindi kona kaya.
Lumapit ako sayo sabi ko sayo sa wakas
Saka tinahak ang landas patungo sa labas
malayo sayo, malayo sa inyo, malayo sa mundong nagdulot ng sakit
Dahil mahal kita pinapalaya na kita.
Dahil ang totoong nagmamahal, hindi nagaantay ng kapalit.