3: So, it's you.

209 10 4
                                    

Chapter 3: So, it's you.

 

Scarlett's POV 

"May boyfriend kasi ako. I already found my Ryoma." Kausap ko si Red ngayon at napag-isipan ko na. Wala namang masa kung magkukwento ako sa kanya, diba?

"Aw. I'm so jealous." Natawa naman ako sa pagpout niya.

"Okay naman samahan namin kaya lang lately, sobrang busy niya na talaga. Member kasi siya ng tennis club dito sa univ at medyo wala na siyang time sakin." Hindi naman ako nagddrama o nag-iinarte. Nakakalungkot lang kasi na hindi na kami katulad ng dati. Siguro ganito talaga pag college. Nag-aadjust lang siguro ako.

"Pero going strong pa rin naman kayo diba?"

"Oo naman pero yun nga. Madalang na kaming magkita." I'm asking for her advice.

Tumango tango siya. "I think okay naman yung relasyon niyo. Lahat naman ng relationship dumadaan sa ganyan eh. Natural lang yan. Natural lang din ang pagkamiss mo sa kanya. Sa tingin ko naman ganun din siya sayo. Kesa naman lagi kayong magkasama, baka magsawa kayo sa isa't isa." Napangiti ako. Parang expert siya ah?

"Nagkaboyfriend ka na ba?"

"Yap. Once." Tumango na lang ako at binigyan siya ng meaningful smile.

 

Malapit na kaming mag-3 months. Hindi ko nga alam kung anong ireregalo ko sa kanya eh.

Hindi ko siya sinagot nung time na umuwi siya. Actually sinagot ko siya pero binawi ni Mama. Bata pa daw kami. Konting panahon pa. Bago kami gumraduate ng high school saka lang ako pinayagan ni Mama. Pero nung time na m.u. pa lang kami, parang kami na rin na wala lang label.

 

Vacant namin ngayon. 2 hours. Kaya naisipan ko na ikwento sa kanya tungkol sa problema mo. Hindi naman talaga malaki, ako lang ang nagpapahirap sa sarili ko.

Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan habang kumakain. Wala naman kaming dapat reviewhin or dapat gawin kaya free lang kami ngayon. Ang sarap pa ng simoy ng hangin.

 

"Scarlett!" Napalingon kami sa tumawag sakin. It's Seth. Ngayon ko na lang siya ulit nakita.

"Seth!" Masayang bati ko sa kanya saka kinawayan siya para pumunta kung nasan kami ni Scarlett. Gusto ko sana siya makakwentuhan kaya lang mukhang napadaan lang siya dahil may kasama siya. "Hi." Bati ko sa kanya.

Tumango naman siya habang nakangiti. "Eto nga pala yung sinasabi kong friend ko." Saka niya iniharap samin yung friend niya. "Si Ron." 

Napalaki yung mata ko. "Si Cameron?" Hindi ko makapaniwalang sabi.

"Yap. Magkakilala na kayo?" All this time, si Ron pala ay si Cameron? Ba't di ko naisip yun? "Oo nga pala. Blockmates kayo eh." Naguguluhan pa rin ako at di makapaniwala pero ang rude naman kung hindi ko ipapakilala ang kasama ko.

"Si Red nga pala, kaibigan ko. Blockmate din." Nagshake hands sila at ginreet ang isa't isa.

"May gagawin ka ba Red? Baka pwede kitang gamitin para sa project ko." Woah. Ibang klase talaga 'tong si Seth noh?

"Anong project ba yun?" Pero hindi siya yung klase ng feeling close na nakakainis. Nakakatuwa nga siya. Magaan agad ang loob ko sa kanya. "Baka naman isaksak mo sakin yung mga wires ah?" Natatawang sabi ni Red. Alam na rin kasi niya na IT ang course ni Seth.

Real Prince of TennisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon