Kasalukuyan akong nakikipagsiksikan dito sa Jeep para makapunta lang sa bahay ng letcheng kaibigan ko, langhiyang babaeng yun kung di dahil sa kanya wala ako sa sitwasyon na'to. Nasa kama at nakahilata pa sana ako hanggang ngayon kung di lang siya tumawag kanina sakin na kesyo daw kailangan nyang magpasama na pupunta ng mall para bumili ng susuutin nyang dress para sa isang party. Nakaka-imbyerna talaga yung babaing yun...
After 2020 nakarating na ako sa bahay nya, oo as in bahay nya rich kid eh haha, tanaw ko agad sya na nasa pinto ng veranda na nakahalukipkip with matching taas kilay, sarap kutusan grrr..
"Ang tagal mo" nakangusong sabi nya sakin.
"Aray naman bes" daing nya matapos ko syang kutusan nakakagigil eh.
"Langya ka, ikaw kayang makipagsiksikan sa mga pasahero sa jeep" naiinis na sabi ko.
"Atsaka bakit mo pa kase ako isasama pumunta ng mall, ang laki laki mo na kayang mo ng mamili ng magandang dress, ano ako istaylis mo, atsaka may sarili ka namang sasakyan eh" mahabang litanya ko sa kanya. Sya naman nagtakip lang ng tenga.
"Ayan ka na naman bes eh, para ka talagang si Mommy"- Via
"Nakakagigil ka kase eh"
"Sorry na bes, libre kita"- Via
Napaisip ako libre daw eh.
"Okay sabi mo eh" tsaka ko sya hinila sa loob.Di rin naman nagtagal nakarating na rin kami sa mall.
"Bes, dun tayo"- ViaTsaka nya ako hinila, dun sa Forever21.
"Bagay ko ba 'tong yellow?"- Via
Habang pinapakita nya sakin yung yellow dress na off-shoulder above the knee.
"Hindi, magmumukha kang minions dyan" natatawa kong sagot, ngumuso naman sya tsaka pinakita sakin yung black na dress.
"Ito naman siguro bagay na sakin?"- Via
Tumango na lang ako bilang sagot tsaka nya kinuha yung dress.
"Ano kayang ibabagay ko dito sa dress Trish?"- Via
Dinampot ko naman yung black na heels na 4inches. Tsaka inabot sa kanya.
"Magandang ibagay yan sa dress" sabi ko. Tsaka kami nagtungo sa cashier.
Matapos nyang bayaran ang mga pinamili nya..
"Bes dun naman tayo"- Via
Hinila naman nya ako ulit sa isang stall.
"Bes mamili ka na, diba treat kita"- Via
"Okay sabi mo eh" namili naman ako sa mga magagandang dress na nakadisplay.
"Yan Patricia bagay mo yang red, lalong makikita yang kaputian mo"- ViaPagkatapos nyang magbayad ng dress na binili nya sakin, ay agad din naman kaming umalis ng mall. Tinatamad naman akong magcomute kaya nagpahatid na lang ako sa kanya pauwe, talagang gusto ko pang matulog eh. Sunday ngayon kailangan ko pang magpahinga para meron akong lakas maghanap ng work bukas.
Nakakainis kasi yung kumpanya na dati kong pinagtatrabahuan eh, sa dinami-daming empleyado isa ako sa mga pinatanggal, wala naman akong absent tsaka nagagawa ko naman ng tama ang trabaho ko. Letche talaga!
Pagkapasok ko pa lang ng kwarto ko, kwarto tlaga? haha apartment lang pala. agad akong sumalampak sa bed ko. Di rin naman nagtagal nakatulog na ako.Kinabukasan, maaga akong nagising dahil ngayon ang operation paghahanap ng bagong trabaho. Sana naman mabilis akong makahanap.
Nasa kalagitnaan pa lang ako ng paghahanap ng kumpanya na may job hiring ng matapat ako sa isang mataas na building.
"Maniego Group of Companies" basa ko sa pangalan ng kumpanya. Agad naman akong nagtungo dun.
"Ano pong kailangan nyo Ma'am?"- Manong Guard
"Magaaply po" nakangiti kong sagot.
"Ah ganun po ba, akin na po yung resume nyo, ako na lang po magbibigay"- Manong Guard
"Okay po" maikling sagot ko at inabot sa kanya ang resume ko.
"Balik na lang po kayo Ma'am"- Manong Guard.Pagkatapos nun ay agad din akong umalis,hays...
****
Hi Readers and Silent Readers
..sensya na yan lang nakayanan
599 words
Peace yow✌✌Vote and Comment
![](https://img.wattpad.com/cover/126740362-288-k963997.jpg)
BINABASA MO ANG
WANTED PERFECT girl for boss sungit (ONGOING)
Fanfiction"mahal na mahal kita, pero kung siya pa rin ang mahal mo handa kitang pakawalan kahit mahirap handa kong tiisin basta makita lang kitang masaya, pero sa pagdating ng panahon na maramdaman mong mahal mo parin ako, chase me back" Vince Andrei Maniego...