DAUNTED

416 14 5
                                    

Grade 6 pa lang ako ay crush na crush ko na si Marco. And I am head over heels in love with him. 'Di ko alam kung pa'no 'to nagsimula pero he actually gives me the tingles. Yung tipong titigan ka lang niya, natutunaw ka na. Hays. Alam kong keso na keso pero naku talaga! Ganito na kung ganito pero 'di ko talaga mapigilan eh!

And fortunately, sa feelings kong ganito, nagpapasalamat talaga ako sa lahat ng mga santos at mga bathala sa kataas-taasan na natagpuan ko si Barbie na cousin ni Marco. At dahil close kami ni Barbie, siya yung naging tulay ko para mas ma-close ko si Marco.

Every weekends, kapag wala kaming projects, I often go to Barbie's house to hang out with her once in a while. Sobrang hectic kasi ng sched namin kaya 'di kami masyadong nakakapag-hang out kaya time filler rin namin yung weekend visits namin.

"At sa lahat ng na-date ko... Hoy! Nakikinig ka ba?!" sigaw ni Barbie na kanina pa putak nang putak.

"Huh? Eh..." nauutal na sabi ko habang hindi pa rin inaalis ang mata kay Marco. Springs and springles! Ang gwapo niya talaga! I was staring at him the whole time he was playing video games. His hair was a bit messy, showing that he just woke up, and his Italian-laden gorgeousness was way above average! Nakaupo lang siya do'n habang naglalaro ng video games at mukhang mabaho pa at walang ligo pero 'di ko talaga alam bakit sa tingin ko'y poging pogi talaga siya kahit ganyan yung postura niya.

Actually, labeling him as the perfect guy is an understatement. His pointed nose perfectly matches his flawless scruffy eyebrows and his eyelashes curl into tufts. His upper lip is impeccably formed to show off a heart insignia and his jaw can be compared to a real action star or that of a god. Crap, I am doing it again. I am swooning.

"Kisses! Nakikinig ka ba?! Hays. Ganyan ka na naman. Nakatunganga ka na naman sa pinsan kong ---- aydfhvsabnwq!" I flinched at her sudden attack of information leakage that's why as my reflexes would have it, tinabunan ko yung bibig niya kaya na-gibberish yung sinasabi niya.

"Wag nga kayong maingay! I'm playing, for Pete's sake! Geez! Breathe it in just for a minute, will you?" sigaw ni Marco na alam kong naannoy na sa aming dalawa ni Barbie. Yeah, maybe he's a bit snub and over-hefty but hey, we all have flaws right?

At yun na nga. Crush na crush ko siya. Mga bata pa lang kami nabighani na niya 'ko. 

Pero nalaman kong mas masakit pa palang umasa na balang araw magiging kayo kaysa masugatan sa kamay ng basag na salamin, 'no? Iba rin talaga 'pag nasubukan mo.  Noong Grade 8 na kami, nung two consecutive years na na crush ko si Marco, pumunta na naman ako sa ancestral house nila Barbie at Marco. Saturday yun at saka bihira lang ang tao na pumupunta do'n kaya nagulat ako nung nakita kong ang daming kotse sa harapan ng bahay ng mga Gallo.

Naglalakad lang ako nun nung biglang nakasalubong ko si Marco. 

OMG, OMG, OMG! Siguro ito na 'to. Siguro ito na yung pinakahihintay kong sign. Ito na ata ang itinakdang oras para sabihin ko sa kanya na... na...

Dug dug. I could hear my heart beating rapidly like as if it was about to jump out of my chest. It was wild and I knew too well na ganyan lang yung puso ko kapag si Marco na yung kaharap o nakikita ko.

Andito na siya! Andito na siya sa harapan ko! Ano'ng unang sasabihin ko?

"Uhm, hi Marco." I beamed the most beautiful smile I could muster. Pero guess what. Dinedma niya ako. Sad life naman nito o! Papa G! Kahit ngayon lang naman o. Kahit masabi ko lang sa kanya. Kahit 'di niya ko magustuhan balik, kahit na... Ay erase, erase. Ano ka ba, Kisses?! Think positive!

"I was just wondering if... Uh, crap. How do I start this? You see, I have this feelings for you lately," I started off nervously. At dahil 'di ko siya magawang tingnan sa mata dahil sa mga pinagsasabi ko, naglalakad-lakad lang ako sa harapan niya na para bang hindi mapakali habang sinabi ko yung feelings ko para sa kanya.

Maybe, Probably, Perhaps, Possibly [A KissWard Fanfiction]Where stories live. Discover now