LIKE DEATH WARMED OVER

110 5 10
                                    


Kisses

Di ko talaga alam kung ano'ng pinagsasabi ni Edward kahit ano'ng gawin kong paghahalughog sa utak ko. Ano ba kasi talagang nangyari?

"Oh, for Christ's sake, Delavin. Get a hold of yourself and act like yourself this time. I've got enough troubles to deal with already without your whining and shit," sabi ni Edward na mas nagpainit ng ulo ko.

EH SA HINDI KO ALAM YUNG NANGYAYARI EH BAKIT BA?!

"Okay, okay. Cool ka lang German, huh? Cool ka lang. Tsk," pagpapakalma ko tsaka inirapan lang siya. Geez, ano'ng problema nito? Ganito naman siya dati, alam ko, pero mas umiinit yung ulo niya ngayon at mas madaling napipikon. "May regla ka, 'no?"

Tiningnan lang ako ni Edward, at feeling ko talaga yung mga mata niya parang pinipilit lang niyang i-glue sa mata ko; yung feeling na may iba siyang gustong tingnan pero napipilitan lang talaga siyang tingnan ako for respect. Ganun.

Nakita ko si Edward na nakatitig lang sa'kin. "What the hell is 'regla'?"

Tae, di ako naka-prepare sa sagot na yun ah!

Di ko na napigilan ang sarili ko at sumabog na talaga ako sa halakhak. Namumula na'ko habang pinagmamasdan lang niya akong naka-bend down na dahil sa kakatawa. Ang lakas kasi ng tama ni German!

Talaga lang ha! Di niya alam ang regla! Sometimes I can't understand how his brain works.

Tawa lang ako nang tawa habang siya naman, naka-lean na sa dingding at tinitingnan lang akong naka-poker. Hays, para na'kong ewan dun pero mas nangingibabaw yung pagkamangha ko sa Edward na yan kaysa sa hiya eh di lulubos-lubusin ko na.

Ilang minutes na rin akong naka-crouch down habang tawa pa rin nang tawa. Jusko, di ko talaga mapigilan minsan yung sarili ko!

Humahalakhak pa rin ako nang dumaan na naman yung maid nila Edward, yung babaeng iba yung tingin sakin at yung nabangga sa dingding kanina.

Wala pa ring nag-iba sa kanyang reaction nung nakita niya akong tumatawa na parang baliw. Tinutulak niya pa rin yung cart na may cleaning materials habang hindi nakatingin sa kanyang dinadaan kundi sakin lang. Yung mata niya pa hindi dumidilat at laking-laki na to the point I was beginning to fear they'd pop out of their sockets.

"Good morning, Sir ..." sabi niya kay Edward, and this time, di na siya nag-abalang tingnan pa siya kundi ako nalang yung tinititigan niya. " ... and ma'am?"

Yung pag-address niya sakin feeling ko parang tinatanong niya yung sarili niya kung bakit ako andito or tinatanong niya ako kung bakit ako tumatawa. The address sounded like a question, though.

Para naman hindi niya ma-misinterpret na siya yung tinatawanan ko, kinalma ko na yung sarili ko at saka nag-nod sa babae. Parang nagulat siya sa ginawa ko kaya nabangga na naman siya bigla sa isang dingding bago siya kumaripas ng takbo dala-dala yung cart.

Si Edward naman, supladong nakataas ang kilay sa kanyang maid at saka nagkibit-balikat na lang.

"Sino yun?" sabi ko para hindi nako tumawa pa.

Tiningnan lang niya ako. Buti naman hindi na siya namumula.

"That, China, was my household helper," sabi niya nang napakasuplado.

"Hoy Edward ha, pag-aralan mo naman kung pa'no ako tawagin sa first name ko. Di ka marunong magpronounce ng Kisses?" asar ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako (feeling ko talaga wala na siyang ibang magawa kundi titigan ako eh).

"Sige, tuturuan kita. K-I-S-S-E-S," sabi ko tsaka nag-smile.

"I am perfectly capable of pronouncing your name, thank you very much. Now if you're done being a nutjob there, would you mind going inside the bedroom and quit parading around the freaking house with only a towel to cover you? You look like a wrapped tuna," Edward snapped. Napaatras ako bigla.

Maybe, Probably, Perhaps, Possibly [A KissWard Fanfiction]Where stories live. Discover now