ENCOUNTER

260 17 10
                                    

"Kisses! Halika na halika na halika naaaaa!"

Barbie grabbed my hand and dragged me to the auditorium. Kabayong bading naman o! Alam niya naman kung gaano karaming tao sa gym eh! I don't wanna smell rancid sweat the first hour in the morning.

"Barbie! Hoy! Dahan-dahan lang!" sigaw ko nong nakapasok na kami sa gym habang tinutulak niya ako papasok. "Di ba pwedeng ikaw na lang ang mauna?! Higitin mo na lang ako. I'm tired! Ikaw na lang magdala sa kin! Tutal ikaw naman talaga ang may kelangan dito eh!"

Oo, tinutulak niya ako papasok imbis na siya ang humihila sa'kin! Ano ako niya, buffer? Tapos ang dami pang tao dito! Halos lahat ng space sa gym na-occupy na ng lahat ng andidito. Packed na packed yung whole audi kaya ang init init na dito. Pa'no ba naman kasi, kahit na may aircon, may nakaharang naman do'n. Nilalagay nila yung buong mukha nila sa harapan ng aircon para sila lang ang makakuha ng coolant. Selfish pricks.

Habang ako naman, pinagtutulakan pa rin ni Barbie sa maliliit na spaces at minsan nga kahit walang space pinipilit niya pa rin isingit ako kaya sorry ako nang sorry sa mga taong nasisingitan ko. Barbie talaga!

Nang makarating na kami sa pinakaharapan sa audience, do'n ko lang nalaman kung sino yung pinuntahan niya. Hays. Kaya pala majority sa lahat ng nasa gym dito puros girls.

Nakatuntong sa stage ang Beasts, ang official band ng school namin. Sila rin yung pinakasikat na band sa districts dito. Officially funded sila ng school namin na Wettingham High kaya nagpeperform sila at the same time nagi-endorse ng school na'to sa mga audiences.

For today, nagpeperform sila ng victory number nila dahil champion sila sa Interhigh Battle of the Bands kagabi. Kabilang sa mga members nila si Todd na bassist, Caleb sa guitars, si Clay na sa drums, at si Ashton. Si Ashton ang vocalist sa Beasts at siya ang ultimate crush ni Barbie. At kahit na nagiging delusional and totally avid fan na siya ni Ashton, pinipilit ko pa ring pigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya ang napakasakit na katotohanang hindi pwedeng maging sila, na hanggang titig na lang siya. Kasi naman, besides the fact na far-fetched si Ashton, alam naman niyang may isang katerbang mga babae ang naghahabol rin sa kanya at nakapila. Talk about too much competition.

Maya-maya lang ay in-off na ang lights sa gym. Ibig sabihin niyan magsa-start na sila. LED lights lang yung nag-light up sa place pero nanatili pa ring dim yung paligid for effects.

Dun na nagstart maging wild ang girls. They raised their banners of the different band members at saka nag-chant ng mga names nila. It was like a fanbase warzone. Pero nangingibabaw talaga kay Ashton.

Eto namang nasa tabi ko, todo swoon at sigaw siya na para bang may kakompetensiya siyang unggoy kung sino ang may pinakamalakas at pinaka-wild na sigaw. Di nako magtataka kung mananalo 'tong isang to.

"ASHTON ZORTE! Pakasalan mo na ako!" sigaw ng babae sa likuran ko.

"'Di siya magpapakasal sa 'yo, butiki ka!" sigaw ni Barbie. Hays, di ko talaga alam tong babaeng 'to. Frustrated admirer na talaga siya.

"AAAASHTOOON LABS! Ask me my number!!!!" sigaw na naman ng isang babae sa kanan.

"Pwe! Numbers lang sa lotto ang gusto niya sa'yo, mangkukulam kaaaa!"

"ZOOOORTEEEE! LOOOOVE ME PLEAAAASE!"

"Love mo nanay mo! Tagahugas ka lang sa kinainan ng aso nila hoy!"

"AAAASHTOON! Halikan mo ako! I-grope mo ako! Basta hawakan mo ako!"

"Oh my God ang landi landi mong aswang ka! Mandidiri si Ashton sa yo dahil sa kagaspangan mo! Wag siya, please!"

Maybe, Probably, Perhaps, Possibly [A KissWard Fanfiction]Where stories live. Discover now