OLD LITTLE BASTARD

131 10 4
                                    

CHAPTER 05

I went to school this day like any normal day. I never knew I'd wind up being in this mess na alam kong wala naman akong kinalaman.

Sinundan ko siya tungo sa isang corridor. Walang gaanong light na nakakapasok sa second floor kasi naka-off halos lahat ng ilaw sa school. Baka nagtitipid. Prestigious school daw, eh nagtitipid rin naman din. Tss.

Dahan-dahan lang kaming naglalakad at minsan tumatakbo at nagjo-jog sa pagtahak ng napakadilim na hallway. Si Edward yung nauna, at siya yung nagsisenyas kapag okay na na lumabas mula sa pinagtataguan kong sulok o di kaya'y kapag may narinig siyang maliit na ingay.

Nang makalusot na kami sa isang intersection, dahan-dahan kaming pumunta patungo sa may hagdanan sa center ng building. Umuna na muna si Edward para i-check yung left hall. Nang nakalayo siya sa'kin, ngayon ko lang napansin na nasa soccer attire pala siya. Nag-overnight training kaya siya dito kaya nakita ko siya kanina sa ganung oras? Eh nasan yung coach niya?

Sinenyasan niya akong okay na kaya dahan-dahan akong pumunta kung saan siya nakapwesto. Nang naabutan ko na siya, sinenyasan niya akong mauna muna sa kanya. Tiningnan ko siya habang naka-crouch down pa rin kami.

"Bakit? Ikaw mauna, ah. Hindi ibig sabihin 'ladies first' eh sila na yung iuuna mo sa bingit ng kamatayan. Hindi dapat ganun, Germ—" napatigil ako nang bigla akong pinatahimik ni Edward sabay lagay niya ng kamay niya sa bibig ko. Nilagay niya yung index finger niya sa labi niya at saka dahan-dahang sinilip ang hagdanan. Tae! Naabutan na kaya kami ni Blaise? Ano kayang gagawin niya kapag nakita niya kami? I-popork in beans? I-lelechon? O worse, gagawing sweet and sour?!

Ayan na naman. Kinakabahan na naman ako. Heto na naman si puso kong di marunong tumigil. Hay. Nakakapagod nang kabahan. Takte! Baka andiyan siya sa likuran! O di kaya'y sa gilid ko na! Ano na lang mangyayari sakin? Paranoid na kung paranoid.

Kalma lang Kisses. Kalma lang. Pero hindi eh. May nakabantay sa likod eh. Feeling ko talaga may something.

Kinuha na ni Edward ang kamay niya kaya pwede nang lumingon sa likod. Baka kasi kung may ano! Kailangan maging sure. Kailangan ipatahan ang walang humpay na paggalaw ng walangyang puso. At saka nilingon ko na ang nasa likod ko...

Teka... teka teka teka teka! Ano yun?! Ano yun ano yun ano yun?! Waaaah! Si Valak IRL! Si Valaak! Si Valaak! Aaaah!

Sisigaw na sana ako pero tinakpan ko yung bibig ko. Relax lang Kisses. Relax lang. Relax mong mukha mo! Andiyan na si Valak! Sabihin mo kay German! Dali! Baka ma-Conjuring zone ka niya! Ha?! Eh may ginagawa si Edward eh! He's too busy to give a damn. Edi wow. Takot ka lang na sabihan kang takot. Hindi ah! Matapang ako! Sige nga, tingnan mo ulit yung nasa likuran mo. H-Ha?! H-Hindi! Hindi na, hindi naman yun totoo eh. Sige na, tignan mo na. Napakaduwag mo ah. Sabi na'ng hindi eh! Duwag, duwag. Duwag si Delavin. HINDI! Duwag, duwag, duwag si Delavin. HINDI! Duwag ka, China.

That does it. SABI NA'NG HINDI EH!

Because I'm crazy enough to prove to myself that I'm not a wuss puss, I swirled my head around to face the menacing eyes of Valak. Nang makita ko ulit yung corridor sa likuran ko, parang wala namang tao.

Whew! Sabi ko na nga ba imagination ko lang yun! Pero teka. Ano yung nasa classroom na katabi nitong classroom na pinagtataguan namin? Hindi kaya--- Waaaaah! Si Valak nga!

Nag-panic na ako kaya sa nanginginig kong mga kamay at sa napakasakit ko nang ulo, I thrusted forward and shoved my head awkwardly behind Edward's back. Kaya yung position ko ---- ng ulo ko--- naiipit between ng wall at ng likod ni Edward. Talk about weird.

Maybe, Probably, Perhaps, Possibly [A KissWard Fanfiction]Where stories live. Discover now