Chapter 1 (Clarise) (edited)

1.3K 14 0
                                    

(Ito na sisimulan ko na. Sana po tangkilikin din ninyo. Love you all.)

<3babylove

"Clarise hindi kapa ba babangon diyan" si mama kay aga aga nagtatalak na naman.

Patamad akong bumangon kasi kung hindi ko gagawin yon eh baka mahila na naman ako papuntang banyo. Takot ko lang maulit ulit yung nangyari noon haist nahila lang naman po kasi ako buti kung sa kamay ako hinawakan eh hindi paa ko po yung hinawakan niya at hinila sakit kaya kasi nauntog pa ulo ko.

"Anu gusto muna nman bang mahila Clarise" sabi na eh uulitin niya ulit haist.

"Opo ma babangon na po." sabay tayo at ayos ng kama ko. At pumasok na ng banyo.

Clarise Mendoza yun ang buong pangalan ko 24 years old. Nagtatrabaho sa isang company bilang Secretary. Matagal na din ako sa trabaho ko 3 years na ata. Parang ganun. Anyway maayos naman ang trabaho ko magaan lang nman hindi tulad ng ibang secretary na mabibigat ang trabahong binibigay ng boss nila..

Tapos kung maligo nagbihis na at nag ayos malalate na kasi ako sa trabaho, agad akong bumababa diretso ng kusina para kumain saglit.

"Good morning ate." ang bunso namin na si Camille.

"Good morning din bunso." sagot ko sa kanya sabay dampot ng pandesal na may keso.

"Ito na kape mo nak".si mama nakagawian Na niyang ipagtimpla ako ng kape lagi. Ganyan si mama kahit mabunganga eh mahal naman kami niyan. Tatlo kaming magkakapatid ako ang panganay at may sumunod pa s akin which is nsa school na maaga kasi ang pasok.

"thanks ma". Dinawalang kagat ko lang yung pandesal na may keso at humigop ng kape ng tatlong beses. Ganun ako lagi every morning. Hindi ko kasi hilig kumain ng heavy meal kahit sabihin pa nilang ang breakfast ang pinakaimportante meal. Solve na ako s isang pirasong pandesal na may keso at tatlong beses na paghigop ng kape.

" Ma Pa alis na po ako. Bye bunso pakabait ka ha huwag pasaway kila mama".paalam at bilin ko sa kapatid ko.

"Bye anak mag iingat ka" halos sabay pang sabi ng aking ama at ina.

"Bye ate, pasalubong ko po ha pag uwi mo" nakangiting sabi ng bunso namin. Ngumiti nman akong tumango at ginulo ang buhok niya. Tumalikod narin ako dahil malalate na talaga ako. Sana hindi traffic at punuan ang jeep.

Vladimire Corporation

"Naku bes muntik kanang malate. Tinanghali kana naman ba ng gising o nahila kana naman ni tita sa banyo."c Joan yan bestfriend ko simula nung nagtrabaho ako sa kumpanya na to nauna siya sa akin ng ilang buwan.

" hindi bes tinanghali lang akong nagising. Kung hindi dahil sa sigaw ni mama hindi ako magigising" sabi ko sabay upo sa table na para sa akin labas lang iyon ng opisina ng boss naming si maam Michelle. Pinakataas itong opisina ng boss namin. Palibhasa eh sila ang may ari nitong kumpanya. Sila lng ni Joan nandto at simpre kasama na dun yung boss nila.

"Bakit ka tinanghali ng gising bes? Napanaginipan muna naman ba yung weird na panaginip mo?" tanong nito sa kanya.

Napabuntong hininga siya at tumango dito. Isang linggo narin siyang ginugulo ng panaginip na yun. Ewan kung bakit yun at yun ang lagi niyang napapanaginipan. Naikwento niya iyon kay Joan nung ikatatlong beses na niyang napapanaginipan. Noong una binaliwala niya. Kalaunan nahihiwagaan na siya. Na para bang may ibig sabihin ng panaginip niya. Naputol ang pagmuni muni niya ng lumabas at nagsalita ang boss nilang si maam Michelle.

"Nandto kana pala Clarise. Hali kayo dito ni Joan at may sasabihin ako sa inyo." bungad sa knila ni maam Michelle.

"Good morning maam mich" halos sabay pa naming sabi ni Joan. Tumango lang ito at suminyas na sumunod sa kanya. Sumunod naman kami agad ni Joan. Kahit mabait sa kanila ang boss eh malaki parin ang takot nila dito. Malaki ang loob ng opisina ng boss nila may sariling banyo may mini sala pa nga eh at may isa pang pinto pero hindi nila alam kng anu yun.

"Umupo kau." utos sa kanila ni maam Michelle. Agad naman silang umupo s dalawang upuan sa harap ng lamesa nito nagkalat din doon ang mga papers na dapat permahan nito.

"Hindi naman siguro lingid sainyo na ikakasal na ako db?" panimula nito na agad naman naming ikinatango. "Habang wala ako ang kapatid ko muna ang magpapatakbo nitong kumpanya. Isa lang ibig sabihin nun siya ang papalit sa akin bilang CEO. At magiging boss ninyo. Pasamantala lang naman after ng honeymoon namin back to normal na ulit ako na ulit ang boss ninyo. By next week ang kapatid ko na ang maghahandle sa inyo. So Joan, Clarise i hope sana habaan ninyo pasensya ninyo sa kapatid ko masyado kasing mainitin ang ulo nun lagi ewan ko ba sa taong yun" napabuntong hininga pa ito na parang ang bigat ng dinadala pag kapatid ang pinag uusapan.

"Don't worry maam kaya po naming ihandle ang kapatid ninyo diba Clarise?" si Joan. Tumango naman ako bilang pagsang ayon.

"Mabuti naman kung ganun. Magpapatawag ako ng meeting sa lahat para sabihin na din sa kanila ang sinabi ko sainyo." nakangiting sabi nito. At sininyasan kaming pwede ng lumabas.

Nung araw na yun. Yun lang ang pinag usapan ng lahat. Sabi nila napakameryoso daw ng kapatid ni maam Michelle. Kabaliktaran daw ito ng ugali ng boss nila. Para sa kanya naman hindi magkakaganyan ang isang tao kung walang dahilan. Yun ang paniniwala niya.

Maaga siyang nakauwi tulad ng dati hindi kasi siya sumasabay sa rush hour kaya walang traffic. Pagkabili ng pasalubong para sa bunso nila which is street food na gustong gusto nito kahit yong isa pa niya kapatid na si Candice. Nasa high school na ito magtatapos na rin ngayong taon kaya kailangan niyang magsumikap para makapag aral ito sa college. Igagapang niya ito kahit anu pang mangyari yon ang pangako niya sa mga magulang ng makapagtapos na siya at makapagtrabaho..

"Nandito kana pala anak" si mama. Ngumiti ito at pinaghila siya ng upuan.

"Opo ma. Kararating lang po. Si Candice po at Camille ma?" tanong niya sa ina pagkaupo sa hinila nitong upuan para sa kanya.

"Nasa kabilang bahay naglalaro siguro. Akin na yang dala mo ng mailagay ko na yan sa plato." sabay abot ng plastic na may lamang isaw at kung anu anu pa.

"Ma akyat lang po muna ako. Magpapahinga lang po saglit." sabi ko at tumayo na. Tumango naman ito sa akin

Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ko hinanap ang aking ama. Hindi kami magkasundo. At masama ang loob ko s kanya sa pag iwan niya samin sa loob ng ilang taon. Masakit kasi kitang kita ko kung paanu nasaktan ang amin ina at pinilit na maitaguyod ang pag aaral naming magkapatid. At kung kaylan ayos na kami nakakaahon na saka siya bumalik. At ang kapal ng mukha ha dahil hindi man lang makuhang maghanap ng trabaho. Kya hindi ninyo ako masisisi kung malayo ang loob ko sa kanya..

(Today, if you feel a strong emotion such as anger or shock, allow yourself to acknowledge it rather than repress it. Keeping things bottled up and lettingvthem fester long-term can cause ill health.)

-babylove

When i meet you (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon