Special Chapter

670 8 0
                                        

Kiligin sana kayo sa kanya. Kasi ako aaminin ko kinilig ako sa kanya. hehehehe.

PS:

Spg alert

Please enjoy. muuuaahhhchops

3 years after

"Mommyyy."sigaw ng batang babae habang tumatakbo papalapit sa kanya. Hinahabol naman ito ng isa pang batang lalaki na may hawak na dahon sa hula niya may uuod yung dahon. Kasunod ng mga ito ang mga nag aalaga sa kanila.

Napailing nalang siya sa kinauupuan habang nakatawan sa mga batang masayang naglalaro kasama ang mga yaya nila. Hindi rin niya inaasahan na mabibiyayaan agad sila ng anghel hindi lang isa kundi kambal pa.

Pagkatapos kasi ng surprise wedding na naiisip ng kanyang Asawa. Lumipad sila patungong amerika para iproseso ang pagbubuntis niya at dito nain manirahan dahil sa kadahilan na lahat ng negosyo ni Migz nandito sa America.

Wala pa sana sa plano nila ang pagbubuntis pero sa kagustuhan narin ni Migz nangyari nga at malaking kaligayahan at biyaya sila para sa aming mag Asawa. Noong araw ng kasal nila na dapat araw ng kasal ni ate Michelle. 2 months after kinasal din sila. Nakurot ko nga sa singit yung Asawa ko nung pinilit nito ang kanyang ate siya muna ang ikasal dahil ayaw na daw nitong mawala ako sa kanya.

Nagulat siya ng may bilang yumakap sa kanya. "mommy, your spacing out. Are you okay mommy?"puno ng pag aalala sa mukha ng batang babae na nakatingin sa kanya. sa edad na tatlong taon nakabibo ng nga ito na akala mo matatanda na kung makipag usap.

Kinandong niya ito at hinalikan sa noo."I'm okay baby. Don't worry."nakangiti niya sabi sa batang babae. Napalingon siya ng kalabitin naman siya ng isa ang batang lalaki. Ngumiti siya dito. "You want mommy to carry you also baby?"tumango ito pero nag dadalawang isip.

"Hey kids? What did I told you about carrying? Lalong Lalo na ang mommy ninyo magbubuhat."napalingon siya sa Asawa . Narinig pala nito ang mga bata.

"Sorry Dada."sabay na sabi ng dalawa. Nakita niyang sininyasan nito ang isang yaya na kunin sa kanya si Louise.

"Hinayaan muna sana sila papapot. Naglalambing lang naman ang mga bata."sabi niya ditto.

"Mamamot alam mo namang hindi pwede diba. Buntis ka at masilan ang pagbubuntis mo ngayon. And the kids understand that. Right kids?"baling nito sa mga batang nakaupo na ngayon sa upuan sa harapan niya at umiinom ng juice. Marahan namang tumango ang mga bata.

"By the mamamot, mom and dad will pick them up. There going to stay there until tomorrow. They miss there grandchilds."sabi nito. Tumango nalang siya. Hinimas niya ng hindi pa gaanong kalakihang tyan. Hindi siya mahirapan sa kambal pero this time medyo masilan daw ang ppagbubuntis niya. Kaya doble ingat talaga sila. Lalo na ang Asawa niya.

Napatingin sila sa gate ng may bumusina. Walang iba kundi ang lolo at lola ng mga bata. Agad na nagsipagtakbuhan ang kambal. sabik na sabik rin sa lolo at lola nila. Kagagaling lang kasi nila sa pilipinas para magbakasyon kaya nila kukunin ang kambal kasi namiss daw nila.

"Yaya okay na ba mga gamit ng kambal?" tanong niya sa isa sa mga yaya. Good thing dahil Pilipino ang mga ito.

"opo maam ayos na po lahat."sagot nito.

Tumango nalang. Inalalayan siyang tumayo ng Asawa. Humalik siya sa mga magulang ni Migz.

"Iha, kamusta naman pagbubuntis mo. SAbi nitong si Migz masilan daw? naku iha wag masyado maestress ha."nag aalalang sabi ng mommy nito.

"Masilan nga po mommy" Pero okay naman po may mga iniinom na po akong vitamins para sa amin ni baby."nakangiting sabi niya.

"Buti naman kung ganun. Laging kang mag iingat ha. At ikaw naman Migz baka naman pinapagod mo itong Asawa mo?"baling na tanong nito kay Migz. na siyang ikinapula ng mukha niya. Para kasing may double meaning pa ang sinabi ng Daddy nito.

When i meet you (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon