Chapter 13

279 8 0
                                    

Clarise POV

Napangiti siya. Parang de javu. Nangyari ang isa sa mga panaginip niya. Patunay lang ba ito na si Migz na nga talaga ang nakatakda para sa kanya.

Pagkatapos ng ilang araw na ipaalam nila ni Migz ang tungkol sa relasyon nila sa mga magulang niya ito sila ngayon. Pinilit silang magbakasyon kahit ilang araw lang ni maam Michelle. Kasabay ng pangakong babalik kami bago ang kasal nila kasi siya ang tatayong brides maid at si Migz naman ang best man.

Napabuntong hininga siya. Tinatawan niya ang malawak na karagatan, pati ang paglubong ng haring araw. Na para bang naghihikayat ng magandang bukas.

Wala siyang pakialam kung nililipad ng hangin ang puti bestida na kanyang suot pati narin ang kanyang buhok. Basta panatag siya. Walang anu anu ay may bilang yumakap sa kanya mula sa likuran. Na lalong napabigay ng kapayaan sa kanya. Hindi niya alam pero panatag siya sa mga yakap nito. Yong feeling na safe ka, na pag kasama mo siya walang mangyayaring masama sayo.

"Nagustuhan mu ba?" tanong nito sa kanya. Humarap naman siya dito ikinawit ang mga kamay sa batok nito. At ngumiti, ngiti na puno ng pagmamahal sa taong kaharap.

"Oo naman nagustuhan ko. Salamat at dinala mo ako dito. Gusto ko rin kasing kahit sandali makatakas sa problema " sagot ko dito. Nakahawak ito sa bewang niya.

"Kahit ako din naman Mamamot. Pero hindi natin pwedeng takasan habang buhay ang problema. Kailangan nating harapin ito." sabi nito. Sabay haplos sa mukha niya.

"Alam ko naman yon Papapot. Pero natatakot ako sa maaring resulta kung ipipilit natin ang gusto natin." my pangambang sabi niya. At sinandal ang aking ulo sa dibdib nito. Ang sarap lang pakinggan ang tibok ng puso nito na alam niyang para lang sa kanya.

"Kahit anung mangyayari Mamamot hinding hindi ako bibitaw sayo, hawak kamay nating harapin ang problema. Alam kong matatanggap din tayo ng mama mo. Kapit lang Mamamot. Kaya nating lampasan to, isa lang ito sa mga problema na dadating pa sa atin" sabi nito't yumuko at hinalikan siya sa noo. Nangilid ang luha niya, hindi niya alam na umiyak na pala siya. Napapikit nalang siya at yumakap dito.

"Papatunayan ko sa mama mo na hindi kita sasaktan mamamot. Mamahalin kita hanggang sa pagtanda natin. Mamahalin kita kahit lumubo ka pa."dagdaga nito. Nahampas naman niya ito ng mahina sa dibdib dahil sa sinabi nito.

"Papapot naman eh. Okay na sana eh kaso may palubo lubo kapang sinabi." nakangusong niyang sabi. Natawa naman ito.

"Your so cute mamamot ko. Tama naman ako eh kahit lumubo ka pa dahil ipinagbubuntis mu anak natin. Hindi pa kasi ako tapos mamamot ko." nakangiting sabi nito.

Namula naman siya dahil pabubuntis na pala niya ang nasa isip nito. Hindi pa sila kasal pero yun na agad nasa isip nito. Eh kilig much naman ako.

"Pano naman kaya ako mabubuntis Sige nga?"inosenteng tanong niya.

Ngumiti ito sa kanya."Maraming paraan mamamot para magkaanak tayo. At yun kung papayagan mo."

"pano nga papapot?"pangungulit niya.

"uhmm. Sperm donation. Maghahanap tayo ng donor."parang hindi pa sure na sabi nito.

Okay. Basta safe papapot."nakangiting sabi niya.

"halika kana mamamot pasok na tayo sa loob. Para maipahanda ko narin ang hapunan natin."yaya nito sa kanya.

"mauna kana papapot. Dito muna ako saglit. Promise sunod ako. Gusto ko muna magpahangin kahit saglit."nakangiting sabi niya.

"okay pero saglit lang ha? Malamig na baka magkasakit kapa."sabi nito. Tumango nalang siya. Hinalikan muna siya nio sa noo at sa labi. Bago umalis. Siya naman naisipang maglakad lakad kahit saglit.

When i meet you (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon