Clarise POV
Ilang linggo na rin. Simula nung nalaman kung siya yong batang nagpatahan at nangako sa akin. Tulad nung unang pagkikita bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Mas lalo pang lumalala nitong nakaraang linggo. Habang nakikila ko pa lalo. Lalong tumitindi itong nararamdaman ko.
At alam kung hindi ito pwede babae siya babae ako. Magagalit ang aking ina pag nalamang may kakaiba akong nararamdaman sa kapwa ko babae.
What should i do? Dapat ko nalang bang kalimutan kung anu nararamdaman ko.
Panu kung hindi ko na mapipigilan pa? Kainis ka naman kasi Megan. Bakit kasi ang cute cute mo? At ang gwapo mo pa. Eh titigan mu lang ako para na ako mahuhulog. Mahuhulog sau. Sana saluhin mu ko Megan.
"Your spacing out Clarise. Are you okey?" nag aalala tanong ni Megan este Migz pala. Ayaw niyang tinatawag siyang Megan.
Eh wag ka naman masyadong mag care sa akin. Baka isipin ko may feelings ka narin for me. (Assuming lang teh. Hindi ba pwedeng nag aalala siya sayo pero ang iniisip niya yong trabahong maiiwanan mo.) Tsk author naman eh panira ka. Hmmpf.
"Yeah. Im fine. Uhmm. What do you want me to do?" tanong din niya.
"Nah. We need to eat first." yeah tama kayo ng nabasa magkasama po kaming kumain. Si Joan ayon mag isang kumakain. Baka nga nagtatampo na yun sa akin kasi hindi na kami nagkakasabay kumain.
Pero parang hindi naman galit o nagtatampo ang nakikita ko. Tulad kanina. Tiningnan niya ito ng may pag uunawa dahil hindi na naman sila magkasabay kumain. Pero ang bruha nakangisi. At ang mata parang sinabi na enjoy ko lang. Napailing siya ng maalala yun.
"Hmm order lang ako ng lunch natin." sabi niya sabay tayo. Pero pinigilan siya. Hinawakan nito ang kamay niya.
Gosh anu yun bakit parang may kuryenteng dumaloy. Sa bigla niya. Naiwaksi niya ang kamay nito. Mukha pati ito nagulat din.
"Nag order na ako." sabi nito
Tumango nalang siya. At bumalik sa pagkakaupo. Iniisip parin niya ang spark na naramdaman niya. Naramdaman din kaya niya yon.
Eh bakit parang ang sarap sa pakiramdam ang spark na yun. Gosh no. Hindi ito pwede. Patay ako kay mama pag nagkataon.
Napatingin siya dito. Nakatingin din pala sa kanya kaya nagsalubong na naman ang mata nila. Nakakapanghina talaga pag tumitig siya.
"M-may dumi ba ako sa mukha." naiilang na sabi niya.
"Wala. Ang ganda mu lang kasi. Ang sarap mung titigan. Para ayoko ng tumingin sa iba sayo nalang." nakangiting sabi nito.
Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko sa sinabi nito.
Huminahon ka Clarise. "E-eh salamat." yun lang nasabi niya.
"Lalo kang gumaganda pagnamumula. Parang ang sarap pang gigilan ang pisngi mo." sabi nito
Bago pa siya makareact. Pinisil na nito ang pisngi niya. Lalo siyang namula. Naramdaman na naman niya ang kuryente.
Bago na naman ito sa kanya. Haist Megan bakit mu ginugulo ang tahimik kung buhay este puso pala? Inlove nga ata siya.
Bago sa kanya lahat ng nararamdaman niya hindi niya alam kung anu ba tawag sa mga yon. Siguro kung ito nga ang senyales na inlove siya.
Yung excited kang pumasok sa trabaho para lang makita siya. Inaagahan mu pang gumising kahit na inumaga ng tulog dahil sa kakaisip mo sa panaginip na yun. Na hanggang ngayon wala paring mukha ang nakakasama mo.
Oo gabi gabi parin akong dinadalaw ng panaginip ko na yun. Kaya ayon nagigising ako sa madaling araw at nag iisip. Tsk ni hindi ko alam kung bakit gabi gabi nalang. Nabubuang na ata siya. Tapos ngayon si Megan naman. Ginugulo ang puso niya.
"I think i really need to bring you home." putol nito sa pag iisip niya. Napayuko siya. Nakakainis naman kasi pagkasama niya ito lagi siya tulala. Kung hindi man tulala, nahuhuli siya nakatingin dito. Minsan gusto na niyang kutusan ang sarili.
Napabuntong hininga siya. Kailangan niyang magseryoso muna baka mawalan pa siya ng trabaho.
Kailangan muna niyang alisin sa isip ang panaginip na gumugulo sa kanya pati na si Megan. Pero panu niya maaalis kung sa araw araw na ginawa ng Diyos, lagi niya itong nakikita at nakakasama. Bahala na siguro kung anu kahihinatnan ng nararamdaman niya.
Pilit siyang ngumiti dito. "No it's okey maam. Im fine. Marami lang po akong iniisip." kahit ganun nandun parin ang paggalang niya dahil boss parin niya ito.
"Are sure about it." si Migz.
Tumango siya. Napatingin siya sa pagkain nasa harap niya. Ni hindi man lang niya napansin na dumating na pala. Ganun na ba kalalim ang pag iisip niya.
Dahil sa nakitang pagkain. Nagutom tuloy siya bilang. Tumunog pa ang tiyan niya. Nakakahiya. Napatingin tuloy siya dito.
Napangiti naman ito. "Let's eat. Mukhang gutom kana." sabi nito. Sabay urong ng pagkaing para sa kanya.
"Salamat po maam." naiilang na sabi niya. Hindi kailangan pag silbihan pa siya.
"Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na. Wag muna ako po po-in pag tayong dalawa lang. Ang pormal kasi. At isa pa hindi nagkakalayo ang age gap natin." Seryosong sabi nito. Kahit seryoso ito at minsan salubong ang kilay gwapo parin. Yay ang landi mo Clarise.
Napatango nalang siya. Ayaw na niyang magsalita. Baka hindi niya mapigilan ang sarili. Masabi niya kung anu ang nararamdaman niya.
Natapos ang araw na puro yun ang nasa isip. Ang nararamdaman niya.
Kung kailangan ba niyang ipaalam sa mama niya.
Kung paghanga lang ba o love na.
At ang iisip ng ibang tao pag nalamang sa isang babae din siya nagkagusto.
Ipaglalaban parin ba niya ang nararamdaman kahit na maraming sasabihin ang ibang tao.
At higit sa lahat kung may katugon din ba ang nararamdaman niya.
---------------
Done. Yan lang muna sa ngayon. Hope you like it. Clarise on top.☝
COC muna si author.
(When walking, switch off mental chatter and calm your mind by focusing on your surroundings.)
-babylove:)
BINABASA MO ANG
When i meet you (gxg)
RomanceHindi ko ginusto ang lahat pero, nangyari nalang basta. Hindi ko pinangarap pero, ginulo mo ang tahimik kung mundo. Sana nga ikaw na tlga ang sinasabi nila prince charming ng buhay ko. Pero pano kung malaman nila kung sino kang talaga. Matatanggap k...
