Chapter 5 (Ang Pagkikita)

435 11 2
                                    

Megan's necklace on top☝

Clarise POV

Maaga siyang nagising. Ewan ba niya bakit parang excited siyang pumasok. Ang sigla ng kilos niya ng pumasok sa banyo at naligo. Pakanta kanta pa nga siya eh.

Nang matapos siya. Humarap siya salamin at sinipat ang sarili. Hmm ok na. Napangiti siya ng makita kwentas na suot niya "Megan". Kahit matagal kang nawala at hindi mu tinupad ang sinabi mo noon. Hindi ka nawala sa isip ko Megan.

Yon siguro ang dahilan ng pagkasigla niya ngayon nakita niya kasi kahapon ito sa isang kahon kasama ng panyo. Na talaga iningatan niya. Naisipan din niyang gamitin ang panyo. Bihira lang kasi niyang gamitin kasi kahit ang panyo may nakalagay na "Megan". Napagkamalan na nga siyang si Megan eh.

Tulad ng nakagawian niya mabilis siyang kumilos pati ang pag aalmusal. Minsan nakikita niya mama niya napapailing nalang sa kanya. Eh anu magagawa niya, ganun na talaga siya.

Pagdating niya sa opisina agad na siyang umupo sa table niya. At ginawa ang dapat gawin ng meeting mamaya para makilala na ng lahat ang papalit samantala kay maam Michelle na kapatid nito na Migz daw ang pangalan so ibig sabihin lalaki ang kapatid ni mam Michelle.

Kinakabahan man sa pakikitungo ng kapatid ng boss eh kailangan niyang ayusin ang trabaho para hindi mapagalitan. Napatingin siya sa bumukas na elevator akala niya ung Migz na yon pla si Joan lang

" Ang aga mu atang pumasok bes. Excited kang makita ang magiging boss natin. Balita ko gwapo daw eh. Nagtataka nga ako bat nila alam na gwapo eh hindi pa naman nila nakikita." bungad agad nito sa kanya. Ni hindi pa nga nakakaupo. Naiiling nalang siya. Kahit kylan talaga itong kaibigan niya mahilig makisagap ng kwento. Chismosa lang ang peg niya today. Napangiti nalang siya. Na nakita pala ng kaibigan niya.

"Anung nginingiti mu diyan." nakasimangot na sabi nito. Ngumiti nalang siya. Wala siya sa mood makipagdaldalan. Mas gusto niyang magtrabaho ngayon.

(Sus ang sabihin mo gusto mung maimpress agad sayo yong bagong boss ninyo.)

Tsk si author naman panira eh. Makapagsimula na nga...

Megan/Migz POV

Sh*t I'm dead. Bakit kasi tinanghali ako ng gising. Iinom inom pa kasi eh. Lagot ako nito kay ate. Napabuntong hininga nalang siya. Mabilis na bumangon at naligo. Pagkalabas ng banyo saka naman tumunog ang iphone 7 plus niya. Sinyales na may tumatawag. Nilapitan niya ito at tiningnan. Napangiwi siya ang ate niya ang tumatawag. Sinagot nalang niya ang tawag nito dahil kung hindi mas lalo itong magagalit sa kanya. Kahit ganito siya takot pa din siya sa ate niya.

"Yeah i know ate I'm late. I'll be there in a minute." hindi na niya hinintay na masermunan siya nito. Agad niya pinatay at mabilis na nagbihis.

Ilang minuto pa paalis na siya sa condo kung saan siya tumutuloy pasamantala. Laking pasasalamat niya at malapit ito sa opisina ng ate niya. Wala siya kotse kaya nagtaxi nalang siya. Mamaya nalang niya kukunin ung isang kotse ng ate niya dun sa bahay nito para may magamit siya pag pumapasok.

Hay salamat nakarating din. Dahil kung malate pa ako naku baka magwala na si ate. Ayaw kasi nung nalalate lalo na ang mas mataas na posisyon. Kaya maaga lagi itong pumapasok. Kakaisip niya. Hindi tuloy niya namalayan na bumukas na pala ang elevator. Kung hindi pa nagsalita ung sakay nito. Hindi pa siya natinag.

Pagkapindot ng number kung anung floor siya. Pasimpleng tiningnan niya ang sabay sa elevator. Maganda ito. Maamo ang mukha makinis ang kutis. Mapupula ang labi nito. Nakita niya kung pano ito napakagat labi na para bang inaakit siya. Hindi niya ito masisisi magandang gwapo siya. Matangkad na bumagay ng husto sa kanya.

Naku ate hindi pa man ako nagsisimula sa trabaho may paiiyakin na naman ako. Napangiti siya ng ubod tamis sa babaeng kasabay ng huminto ang elevator. Kinindatan niya ito ng lumabas at lumingon. Nakita pa niya kung panu nagblush ang babae. Ngiti ngiti siya na naiiling. Sabay sabi na "napakadaling makuha ng babae".

Inihanda niya ang sarili ng bumukas ang elevator sa floor kung saan ang opisina ng ate niya na magiging opisina niya pansamantala kapalit ng ate niya.

Napatingin siya sa dalawang babae na  nakatingin din sa kanya. Siguro mga Secretary ni ate. Hmmm magaganda ha. Ayos mukhang gaganahan ako sa pagtatrabaho.

Para hindi makahalata pinaseryoso niya ang mukha. Nilapitan niya ang isa. Ang isa kasi nakaawang pa ang bibig kakatitig sa kanya at mukha tulala pa kaya ung isa ang nilapitan niya. Tumikhim muna siya para makuha ang atensyon nito nakayuko na kasi ito at may tinatype sa computer.

"Ahmm."napaangat naman ng mukha ito. Wow sabi ng isip niya. Napakaganda ng mata niyang kulay brown na malalamlam. Gosh napatulala siya. Nagising lang siya sa pagkatulala nung magsalita ito.

"Yes sir may help you?"magalang na sabi nito pero seryoso. Pati boses niya nakaganda pakinggan. Pero bakit parang pamilyar siya sa akin nagkita na ba kami noon. Wala sa loob na pinasadahan niya ito ng tingin mula sa pagkakaupo nito hanggang mukha. Ngunit ng makarating sa mukha bumalik ang tingin niya sa kwentas nito. Titig na titig siya. It can be. Siya yung. Bago pa niya matapos ang sasabihin ng utak. May narinig na siya nagpangiwi sa kanya.

" Megannn. Why are you late huh?" gusto niyang takpan ang tenga sa lakas ng sigaw nito. Plus pa yong pagtawag nito sa kanya. Napatingin siya sa dalagang kaharap. Nakatingin din sa kanya titig na titig. Naalala ba niya ako? Tanong niya sa isip.

Bumalik ang tingin niya sa ate niya. Mamaya na niya iisipin yon kailangan muna niya harapin ang ate niya.

"I have jetlag ate. Kaya ako tinanghali ng gising. And sorry about because im late." seryoso sabi niya sa ate niya. Ni hindi mo makitaan ng emosyon.

"Halika dito namiss ka ni ate. Mamaya na kita papakilala sa kanila." para wala lang nasabi ni ate. Napailing siya. Ganito ito eh mainis man o magalit maya maya wala na yong galit at inis. Pagkapasok agad siyang niyakap ng ate niya. "Namiss kita baby girl." nang aasar na sabi nito. Habang yakap siya.

Napangiwi siya sa pagtawag nito."Ate im not baby anymore. So please ate stop calling me baby girl."nakasimangot na sabi niya.

"Okay okay. Hindi na. Inaasar pang kita eh. Ang gwapo naman ng kapatid ko. Oh ayan okay na ba yung ganyan". nakangiting sabi nito. Bumitaw na ng yakap sa akin. Buti nalang kasi hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap eh.

Napangisi naman siya sa sinabi ng ate niya.. Sorry nalang ate mukhang marami akong mapapaiyak na tauhan mo..

-----------------------

A/n
Hindi ko alam kung may nababasa ba nitong sinusulat ko. Pero ito nag update parin ako.
Please bare me kung may mga errors ha. Feel free to comments for any suggestion and don't forget to vote.
:)

(If you ask me what i came into this to do, i will tell you: i came to live out loud.) ;)

-babylove❤

When i meet you (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon