Chapter 3 (Panaginip)

581 14 1
                                        

Clarise POV

Sa isang payapang lugar sa panig ng bansa. Sa isang isla na sila lang ang tao. Tinatawan niya ang malawak na karagatan, pati ang paglubong ng haring araw. Na para bang naghihikayat ng magandang bukas.

Wala siyang pakialam kung nililipad ng hangin ang puti bestida na kanyang suot pati narin ang kanyang buhok. Basta panatag siya. Walang anu anu ay may bilang yumakap sa kanya mula sa likuran. Na lalong napabigay ng kapayaan sa kanya. Hindi niya alam pero panatag siya sa mga yakap nito. Yong feeling na safe ka, na pag kasama mo siya walang mangyayaring masama sayo.

"Nagustuhan mu ba?" tanong nito sa kanya. Humarap naman siya dito ikinawit ang mga kamay sa batok nito. At ngumiti, ngiti na puno ng pagmamahal sa taong kaharap.

"Oo naman nagustuhan ko. Salamat at dinala mo ako dito. Gusto ko rin kasing kahit sandali makatakas sa problema " sagot ko dito. Nakahawak ito sa bewang niya.

Wala itong mukha, (yes tama kayo ng nabasa wala po siyang mukha) pero kahit ganun panatag at secure ako sa kanya na para bang matagal ko na siya kilala matangkad ito. Desente kung manamit halata ngang mayaman eh.

"Kahit ako din naman Mamamot. Pero hindi natin pwedeng takasan habang buhay ang problema. Kailangan nating harapin ito." sabi nito. Sabay haplos sa mukha niya. Ang sarap pakinggan ang pagtawag nito sa kanya ng mamamot. Ang weird ng gusto nitong tawagan naming pero gustong gusto ko naman.

"Alam ko naman yon Papamot. Pero natatakot ako sa maaring resulta kung ipipilit natin ang gusto natin." my pangambang sabi niya. At sinandal ang aking ulo sa dibdib nito. Ang sarap lang pakinggan ang tibok ng puso nito na alam niyang para lang sa kanya.

"Kahit anung mangyayari Mamamot hinding hindi ako bibitaw sayo, hawak kamay nating harapin ang problema. Alam kong matatanggap din nila tayo. Kapit lang Mamamot. Kaya nating Lampasan ito, isa lang ito sa mga problema na dadating pa sa atin" sabi nito't yumuko at hinalikan siya sa noo. Nangilid ang luha niya, hindi niya alam na umiyak na pala siya. Napapikit nalang siya at yumakap dito.

Napadilat siya ng mata. Nadala siya ng panaginip umiyak nadin pla siya. Ito ang panaginip na madalas bumagabag sa kanya. Hindi niya alam kung ano bang dahilan bakit yon ang napapanaginipan niya. Hindi niya kilala kung sino ang nasa panaginip niya. Basta ang alam lang niya panatag siya dito at ramdam din niyang mahal na mahal siya ng taong yong.

Sino kaba talaga? Bakit may pakiramdam akong matagal nakitang kilala at parang may puwang kana agad sa puso ko. Take note kasintahan pa kita sa panaginip ko. Ay anu ba yan nabubuang na ata ako dahil sayo kinakausap ko sarili ko eh. Makabangon na nga. Wala nga pala kaming pasok dahil linggo. Family day namin. Nakagawian na ng pamilya magsimba ng sama sama at pumasyal sa park kahit noong bata pa ako. Ni isang beses wala pa akong natandaan na nakalimutan un linggo linggo.

Panandaliang nawala sa isip ko ang tungkol sa panaginip. Naligo at nag ayos na ako pagkatapos, baka ako nalang ang hinihintay sa baba. Pagbaba ko ako na nga lang ang hinihintay nila.

"Ang tagal mo naman ate. Kanina kapa namin hinihintay eh." si Candice. Halata sa mukha ang pagkainip. Sa kanilang tatlo ito ang pinakamainipin.
Napabuntong hininga nalang siya at ngumiti dito. "Tara na po alis na tayo." sa halip ay sabi nalang niya. Sabay sabay silang nagtungo sa simbahan. Makadiyos kasi ang mga magulang niya. Taos puso silang nanalampataya sa Panginoon lumikha.

Masaya siya sa sinabi ng mama niya na may trabaho na daw ang kanilang ama. Pero hindi parin sapat yon para bumalik ang dating samahan nila ng ama. Malaki parin ang pangamba niya na baling araw iiwan na naman sila nito. Babaero ang kanya ama alam ng mama niya yon pero baliwala lang iyon dito. Na alam niyang hindi. Minsan na niya itong nakitang umiiyak ng dahil sa kanilang ama. Pagkaharap silang magkapatid pinapakita nitong matatag ito.

Napukaw siya pag iisip ng mapansinin umasim ang mukha ng kanilang ina. Sinundan niya kung anu tinitingnan nito. Dalawang magkasintahan hawak kamay na naglalakad at subrang sweet sa isat isa. Kaya pala umasim mukha ng kanya ina eh parehong babae ang mga ito. Ayaw na ayaw nito sa mga ganung relasyon. Hindi daw tama sa mata ng lahat Lalong lalo na sa Panginoon. Kaya pati silang magkapatid eh mahigpit na pinagbawalan sa ganung relasyon. Napabuntong hininga siya wala naman siyang nakitang mali sa mga nagmamahal kahit pa sabihin pareho sila ng kasarian. Ang importante dun eh mahal nila ang isat isa. Wala naming kasarian ang pagmamahal eh. At wala ding sinabi ang Panginoon na mali ang magmahal ng kaparehong kasarian. Pero ganun na nga ata ang paniniwala ng kanilang ina......

Sorry lame po at kung my typo errors please let me know. Minadali ko po kasi. Gusto ko na po siyang matapos. And you also welcome for any suggestions, feel free to comment. Please vote. I love you all.


Keep a notebook by your bed and record any dreams that you remember upon waking, dreams are easily forgotten and this way you catch them before they disappear. 😊

-babylove<3

When i meet you (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon