Hindi ko ginusto ang lahat pero, nangyari nalang basta. Hindi ko pinangarap pero, ginulo mo ang tahimik kung mundo. Sana nga ikaw na tlga ang sinasabi nila prince charming ng buhay ko. Pero pano kung malaman nila kung sino kang talaga. Matatanggap k...
Guys sorry. Na unpublish ko inedit ko pa kasi siya.
Clarise POV
Hindi siya makapaniwala. Siya ba talaga ang nakikita niya sa salamin? Napaawang ang labi niya. Katatapos lang siyang ayusan ng make up artist na kinuha ni Migz at ngayon nga tapos na. Hindi niya tuloy nakilala ang sarili. Ang ganda ng pagkaayos sa kanya pati narin ung buhok niya. Lalong lumutang ang natural niyang ganda. Napangiti siya.
"Nakapaganda mu anak. Manang mana ka talaga sa akin." napalingon siya sa mama niyang nasa pintuan. Tulad niya inayosan din ito kanina ng make up artist. Nakabihis narin ito.
Marahan itong lumapit sa kanya. Nang makalapit ito niyakap niya ng mahigpit. "thank you ma. thank you dahilan tinanggap ninyo kami ni Migz."nakangiting sabi niya.
"anak kita ina mu ako. Walang ina na natitiis ang anak. At saka kinausap ako ng papa mo nung araw na umalis kayo ni Migz. Pati si Migz kinausap ako ng nasa hospital kapa at hindi pa nagkakamalay. Bukod doon kitang kita ko kung gaano ka kamahal ni Migz. Halos sisihin niya ang kanyang sarili sa nangyari. Ni halos walang tulog gustong laging nasa tabi ka pati pagkain kung hindi ko pa tinatakot hindi pa kakain." habang sabi nito. Kumalas siya sa pagkakayakap dito. "Thank you po ulit mama." maluha luha niyang sabi.
"Huwag ka lang niyang saktan at ilalayo kita sa kanya. Naku kahit mayaman siya hindi ko siya aatrasan. Makikita niya ang hinahanap niya."pabirong sabi ng ina niya. Ngumiti lang siya. Napatingin ito sa suot na relo. Nanlaki ang mata nito. Magtatanong pa sana siya kung bakit nang bigla siya nitong hinatak.
"Malalate na tayo. Bilisan mo."natatarantang sabi nito. Sabay kuha ng bulaklak na nasa kama niya at inabot sa kanya. Ito yung bibitbitin niya mamaya. Napakaganda nun parang sa bride na bulaklak. Napapaisip tuloy siya kung ganito din ba yung kay ate Michelle.
Nagtataka naman nagpatianod nalang siya sa ina. Hanggang makasakay na sila sa sasakyan na maghahatid sa kanila sa venue. Dun palang niya nakuhang magtanong sa ina na hanggang ngayon natataranta parin. Hindi ito mapakali sa kinauupuan.
"ma? okay ka lang po ba? Relax lang po ma mamaya pa naman po ang kasal. Nagtataka nga po ako bakit ang aga natin. At saka bakit hindi natin kasama sila papa at mga kapatid ko nauna na po ba sila?"nagtataka paring tanong niya.
"H-ha e-eh kuwan m-may p-practice pa kayo. Yun nga tama may practice pa kayo. Nandun na nga rin papa mo at mga kapatid mo."hindi parin mapakaling sagot nito. Tumango nalang siya at nagkibit balikat.
Maya maya pa ay huminto na ang sinasakyan nila. Napatingin siya sa paligid. Bakit walang tao at bakit hindi pa nakaayos. Napatingin siya sa relong suot. Dalawang oras bago magsimula ang kasal bakit hindi parin nakaayos ang mga upuan walang ding bakas ng kahit sino. Napalingon siya sa ina na nagtataka. Magtatanong sana siya ng mabilis itong umibis ng sasakyan. Napakamot nalang siya ng ulo at lumabas narin.
Naglakad siya papasok ng garden. Nanlaki ang mata niya sa nakita. Hindi nga ito ang venue kasi puro lang bulaklak ang nandito at makukulay na paro paro nagsisiliparan at ang ganda lang tingnan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.