Migz POV
"Girlfriend?" gulat na sigaw ng mama ni Clarise. Habang ang papa naman niya tahimik lang na nakatingin sa kanila.
Napayuko si Clarise. Napagdesesyunan nilang dalawa na ngayong araw sasabihin sa mga magulang ni Clarise ang relasyon nila.
"Nahihibang kana ba Clarise? Alam mu kasalanan sa Diyos ang pakikipagrelasyon sa kapwa babae. Pero bakit ginawa mu parin. Nakipagrelasyon ka parin." matalim ang tingin nito sa kanya.
Nahawak siya sa bewang ni Clarise habang nakayuko naman ito.
"Ma. Mahal ko po si Migz. Nagmamahal po kami." umiiyak na sabi ni Clarise. Na ngayon nakatingin na sa ina.
"Hindi Clarise. Hindi ako papayag sa relasyon ninyo. Hanggat maaga pa at wala pang nakakaalam sa relasyon ninyo tatapusin ninyo na. Nakakahiya Clarise." parang nandidiri pang sabi ng ina nito.
Ngunit umiling lang si Clarise. Kasabay ng pagpatak pa ng luha nito. "Patawarin mu ako ma pero ayoko. Hindi po ako papayag sa gusto ninyo."
"Nahihibang kana nga Clarise-" hindi natuloy ang sasabihin ng mama ni Clarise ng sumingit naman si Migz.
"Mawalang galang lang po maam. Pero hindi naman po ata tamang paghiwalayin ninyo kami. Mahal na mahal po namin ang isat isa-"naputol ang sasabihin pa niya ng bigyan siya ng matalim na tingin ng mama nito. Nakakatakot siya promise.
" Wala akong pakialam kung nagmamahalan kayo. Ang gusto ko layuan ninyo ang isat isa. At galang? Ginalang mu ba ako ng pinatulan mu ang anak ko."sabi nito. Pagkatapos tumingin kay Clarise."Tatapusin mu ang pakikipagrelasyon sa kanya Clarise."sabay duro sa kanya."dahil kung hindi, hindi mo maggugustuhan ang gagawin ko."sabay talikod at umalis.
Napahagulgol naman ng iyak si Clarise. Niyakap niya ito at hinimas ang likod. Napatingin siya sa papa nito na tahimik lang at kapatid nitong nakatingin sa kanila. Sa pagkakaalam niya Candice at Camille ang pangalan.
Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang pagbuntong hininga ng ama nito kaya napatingin ulit siya dito.
"Clarise anak." sabi nito. Nag aalangan pa itong kausapin si Clarise. Kumalas naman sa pagkakayakap si Clarise sa kanya. Nakatingin na sila ngayon sa ama nito na katingin sa mga kapatid ni Clarise. "Pwede na kayong maglaro sa labas mga anak." Sabi nito sa dalawa.
Pagkaalis ng dalawa. Tumingin ito sa kanila. "Maupo tayo."agad naman niyang inalalayang umupo si Clarise. Na ngayon patuloy parin sa pag iyak.
Napabuntong hininga muna ang papa nito bago nagsalita." Gusto ko lang ipaalam na-"pinutol ni Clarise ang sasabihin pa nito.
"Na pati kayo tutulan din ang relasyon namin. Na gusto ninyong layuan ko siya. Na kasalanan ang magmahal ng tulad niya. Ganun ba pa?" masama ang loob na sabi ni Clarise. Ngunit umiling lang ang papa nito. Napinagtaka naman ni Clarise.
"Mamamot hayaan mu muna magsalita ang papa mo."mahinang sabi niya. Napatingin naman sa kanya si Clarise at marahang tumango. Hindi lingid sa kanya na malayo ang loob nito sa ama.
"Nagkakamali ka anak. Hindi ako tumutol sa pagmamahal ninyo. At wla akong problema sa tulad ni Migz." sabi nito at tumingin sa kanya. Nginitian naman niya ito. "Tanging ang mama ninyo lang ang may ayaw sa mga tomboy nak. Galit na galit siya kung tutuusin." Napakunot ang noo nila sa narinig.
"Bakit po?"nagtatakang tanong ng mhal niya. Yes mahal ko kasi mahal ko talaga itong babaeng katabi ko ngayon. Kulang ako kung wala siya. Ay kanta ata yon.
Napabuntong hininga ulit ito." Alam kung wala akong karapatang sabihin ito. Pero gusto kung maintindihan mo ang mama mo Clarise. Hindi naman ganyan ang mama mo dati. Malapit siya sa mga tomboy. Sa katunayan nga niya mga kaibigan niya tomboy akala ko nga dati tomboy din siya. Nangyari ang lahat nung nagpamatay ang kapatid niya. Nagmahal ang kapatid niya ng isang tomboy. Minahal ng subra na kalaunan kinamatay nito. Hindi nito natanggap na may bago ng mahal yung tomboy. Kaya nagpakamatay. Kaya mula nun kinamuhian na ng mama mo ang mga tomboy. Mahal na mahal ng mama mo ang kapatid niya kaya hinayaan siya sa gusto nito. Ayaw lang ng mama mo mangyari di sayo yun. Kaya iniwas niya kayong magkakapatid sa mga tomboy."kwento nito. Kami naman napanganga sa nalaman.
Kaya pala ganun na lamang ang galit ng mama nito sa katulad ko. May dahilan pala ang lahat.
"Bakit hindi sinabi sa akin ni mama?" tanong ng mahal niya. Hinapit niya ito. Tumingala naman ito sa kanya at ngumiti. Tapos isinandal ang ulo sa dibdib niya.
"Pilit ng kinalimutan ng mama mo ang nangyari anak." Sabi nito tapos tumingin sa kanya at ngumiti. "Alam kung mahal na mahal mo ang anak ko Migz. At alam ko ding hindi mo siya magagawang saktan. Yun ang nakikita ko sayo at sana lang tama ako."nakangiti parin sabi nito nakatingin sa kanya. Ngumiti din siya.
" Mahal na mahal ko po talaga ang anak ninyo sir. At tama po kayo hindi ko po siya kayang saktan. Pag ginawa ko po yon parang sinaktan ko narin ang mama ko."seryoso sabi niya pero nandun parin ang ngiti. At lalo pa niyang hinapit papalapit sa kanya si Clarise.
"Ibibigay ko ang babas na nararapat sainyo mga anak pero oras na masaktan mo ang anak ko Migz hinding hindi muna siya makikita pa."sabi nito.pagkatapos tumingin kay Clarise" Clarise anak kakausapin ko ang mama mo. Alam kung hindi ka rin niya matitiis. At saka wag mung isipin na kaya ko ginagawa to para mabawasan ang hinanakit mo sa akin. Nagkakamali ka anak. Alam kong malaking pagkakamali ko sainyong magkakapatid dahil sa pag iwan ko sa inyo noon. Pero lahat ng yon pinagsisihan ko na. Gusto kong bumawi sa mga pagkukulang ko anak."halos maluha luha ito ng sinabi ang mga yun.
"Matagal ko na po kayong napatawad pa. Hindi ko lang maalis sa akin na maghinanakit sainyo sa pag iwan mo sa amin noon."sabi nito at lumapit sa ama para yumakap."maraming salamat pa"nakangiting sabi nito pero bakas parin ang lungkot sa mata.
" walang anu man anak. Lahat gagawin ko para sainyo ng mga kapatid mo."sabi nito at niyakap pabalik si Clarise.
Napangiti siya dahil okay narin sa wakas ang mag ama. Napatingin siya kay Clarise na nakangiti. Bagaman't nakangiti halata parin sa mata nito ang lungkot.
'Clarise. Mamamot ko. Simula ng makita kita ulit. Pinangako ko na sa sarili kung hindi kita hahayaan masaktan at umiyak. Mamahalin kita ng buong buo. Alam kong ikaw na ang babaeng nararapat para sa akin. Gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang. Mahal na mahal kita.'taimtim na pangako niya sa sarili.
---------------
A/n
Sorry Hindi maganda.
Please vote and comments.
(Mga pangakong kaylan man hindi matutupad. Bakit ka nga ba mangangako kung hindi naman sigurado kung matutupad mo o hindi?)
-BabyLove127202
BINABASA MO ANG
When i meet you (gxg)
RomansaHindi ko ginusto ang lahat pero, nangyari nalang basta. Hindi ko pinangarap pero, ginulo mo ang tahimik kung mundo. Sana nga ikaw na tlga ang sinasabi nila prince charming ng buhay ko. Pero pano kung malaman nila kung sino kang talaga. Matatanggap k...
