Clarise POV
Tinatamad akong bumangod para pumasok. Ayoko sanang pumasok pero baka magtaka naman si mama bakit hindi ako papasok. Kahapon nga lang na umuwi ako ng maaga dahil nga sa nangyari. Katakot takot na paliwanag ang sinabi ko.
She sigh bago tuluyang nag ayos. Hindi niya alam kung panu patutunguhan si Migz ngayon. Bahala na siguro mamaya. Baka huminto narin yun sa panliligaw dahil nandyan na girlfriend niya.
"Clarise may naghahanap sayo anak. Bumaba kana diyan."sigaw ng mama niya.
Napakunot ang noo niya. Naghahanap sa kanya sino? Nagkibit balikat nalang siya." baba na po ma."sigaw ding tugon niya. Napatingin siya sa salamin. Hindi na gaanong mugto ang mata niya hindi tulad kahapon buti nalang hindi napansin ng mama niya.
"Ma sino pong naghahanap sa akin?" tanong niya habang may hinahalongkat sa bag.
"Me." tipid na sabi ng naghahanap sa kanya. Pamilyar sa kanya. Napaangat siya ng tingin mula sa paghahalungkat.
"M-migz. Bakit ka nandito? Anung ginagawa mo dito?"nag aalalang sabi niya. Hindi pa alam ng mga magulang ang tungkol kay Migz. Lalong lalo na ang katauhan nito.
"Oh nandiyan kana pala. Kumain muna kayo ng almusal bago-" pinutol niya ang iba pang sasabihin ng kanya mama.
"Hindi na po ma. Sa opisina nalang po kami mag aalmusal. Lets go sir." singit niya sabay baling ng tingin at hila kay Migz.
"Teka nak hindi man lang ba muna kayo magkakape?"pahabol pang sabi ng kanya mama.
"Sa office nalang din po ma. Pakisabi po kay papa alis na po ako." sigaw niya sa ina dahil nasa labas na sila.
Pinagbuksan naman siya ni Migz ng kotse. Atubiling sumakay siya. Agad nitong sinara ng makaupo siya ng maayos at saka ito umikot sa driver seat.
Nagseseat belt siya ng makapasok ito. Agad nitong pinaandar ang sasakyan. Ilang minuto tahimik lang sila pareho nakikiramdam sa bawat isa. Siya nakatingin lang sa labas ng bintana ng kotse habang ito nama'y seryosong nakatingin sa daan.
Siya ang hindi makatiis sa katahimikan." Bakit muko sinundo kaya ko namang pumasok ng office. At saka baka malaman ng girlfriend mo. Magwawala yun sigurado."sabi niya dito. Pero nakatingin pa din siya sa labas ng bintana.
Narinig niya napabuntong hininga ito. Kaya napalingon siya dito. Saglit din itong tumingin sa kanya at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Bago nagsalita.
"Celine is not my girlfriend sweetheart."nakatingin ito sa daan pero nakita niyang ngumiti ito ng kunti. Anu kaya yun nagawa pang ngumiti. Anu bang nakakatawa sa sinabi ko?
Napasimangot siya." Sorry sir pero hindi po ako maniniwala sainyo."sabi niya. Napansin niya nakahinto na ang sasakyan nandito na pala sila. Lalabas na sana siya nga pigilan siya nito.
"I'll explain to later okay." nakangiting sabi nito."I order our breakfast. I think it's already there. Please join me sweetheart. Then I'll explain everything you want to know."seryosong sabi nito. Marahan nalang siyang tumango. Pero ang hindi niya inasahan ang gagawin nito.
Kinabig siya papalapit dito at hinalikan siya sa noo sabay sabing."thank you sweetheart."
Susmee. Hihimatayin ata siya. Napaawang ang bibig niya sa ginawa nito. Alam niya ibig sabihin pag hinalikan ka sa noo. Tanda ng respeto at pagmamahal. Natauhan siyang bahagya siyang yugyogin nito.
"Are you okay sweetheart? May masakit ba sayo. Namumula ka kasi eh." may bahid ng pag alala sa boses nito.
"Okay lang po ako. Tara na po. Pasok na po tayo." pilit niyang pinakalma ang sarili. Nauna na siyang naglakad pero mabilis ito at nahabol siya.

BINABASA MO ANG
When i meet you (gxg)
RomanceHindi ko ginusto ang lahat pero, nangyari nalang basta. Hindi ko pinangarap pero, ginulo mo ang tahimik kung mundo. Sana nga ikaw na tlga ang sinasabi nila prince charming ng buhay ko. Pero pano kung malaman nila kung sino kang talaga. Matatanggap k...