July 15, 2000
Stefanie T. Galvez
'Yan ang pangalan ko. Twenty one years old na ako at nagiisa lang ako sa buhay simula noong nangyari ang malagim na disgrasya sa aking pamilya labing dalawang taon na ang nakalilipas. Nawala ang aking mga magulang at isang kapatid. Nakalulungkot pero kailangang tanggapin. Nagiisa na lamang ako.
Pinag-aral ako ng aking mga tito at tita. Salamat sa Diyos at hindi naman sila nagkulang sa pagaaruga sa akin simula noong maiwan akong mag-isa. Ngunit tatlong taon na mula nung napagdesisyonan nilang manirahan na sa ibang bansa. Naroon kasi ang kinabubuhay nila. Buwan-buwan naman nila akong pinadadalhan ng allowance at pambayad ng tuition ko. Hindi naman ako kinakapos dahil sa mga sidelines ko after school.
Isa rin kasi akong magaling na mangguguhit. Mga estudyante at mga guro ang nagpapaguhit sa akin ng kani-kanilang mga mukha at binabayaran naman nila ako ng minimal kong singil na 150 hanggang 400. Sapat na iyon para matustusan ang aking pambayad ng kuryente at mga gastusin sa kusina.
Nakatira ako ngayon sa isang apartment na nirerentahan ng aking mga tiyahin at tiyuhin.
July 15 ngayon. Kaarawan ng aking papa. Araw rin ng aking pagtatapos sa kolehiyo.
Naglalakad ako suut-suot pa ang aking graduation cap at gown kasama ang aking mga kaibigan na sina Ryan at Jessa na ngayon ay nag-iiyakan dahil sa dahilang magkakanya-kanya na kami matapos ang araw na ito. Kasama rin namin ang ilan sa aking mga batchmates na nagyayakapan at nagtatawanan.
Oops. Kasama rin pala namin pauwi ang isa sa mga taong nagpasaya at nagbigay kulay sa apat na taon ng pag-aaral ko ng kursong BSE o Bachelor of Secondary Education. Siya si Christian Dela Cruz. BSE rin ang kinuha niyang kurso. Physical Education ang kaniyang major at ako naman ay English.
Long time crush ko si Christian. Siya yung tipo ng lalaki na halos yata lahat ng babae sa college namin ay kilala siya hindi bilang pinakamagaling kundi bilang isang babaero.Yes I admit, every woman's dream siya. He has a deep eye that could let any woman love him. He has his nose that is perfectly shaped. Maninipis ang labi niya na para bang pag nagsmile ay sasagot ka na agad ng OO kahit wala pa siyang tinatanong. (HOngLondeeee).
May katangkaran siya at medyo maputi. Laging parang gulo-gulo ang buhok niya dahil na rin sa medyo mahaba ito na para bang Tom Cruise ang dating. For short, HE IS PERFECT. Ang paghanga ko sa kaniya ay walang nakaaalam kundi ako lang. Hindi rin naman ako showy para ipakita sa kaniya kasi hindi rin lang naman ako mapapansin tulad ng mga nalink sa kanya.By the way halos araw-araw kaming nagkakasabay pauwi dahil parehas kami ng way ng uuwian.
Madilim dilim na at kumakaunti na ang mga kasamahan ko. Ibang way na kasi sila. Nag-iisip ako ng susunod na gagawin ko sa buhay ko nang biglang may umakbay sa akin. Pamilyar ang kamay na iyon at pati ang pabangong gamit nito. Halos araw- araw ko kasi itong naaamoy at ngayon ay katabi ko na pala.
Si Christian."Gumraduate ka rin pala," saad niya.
Jusko, huwag niyo po sanang patagalin ito. Anytime po kasi maririnig niya ang kaba ng dibdib ko.dDub dub . Dub dub.
"Ah oo eh. Happy graduation," sagot ko. Buti naman at nahanap ko pa ang nawawala kong boses. Kung siguro maliwanag pa, mahihiya ang color red sa kulay ng pisngi ko ngayon.
"Ngayon lang kita nakita ah. Sa parehong school ba tayo nag-aral?" Tanong niya na para bang totoo ngang ngayon niya lang ako nakita. Paano ba naman kasi eh ang ganda ko ngayon.
Nakabistidang pula ako na bumagay naman sa medyo maiksi at kulot kong buhok. Naka high-heels ako ng itim. Kaya medyo umaabot ang tangkad ko sa kanya.Paano ba naman kasi, sa iba't ibang babae ka tumitingin kaya hindi mo ako nakikita. Ang ganda ko kaya.
Isasagot ko sana."Actually matagal na tayong nagkita, 'di mo lang ako napapansin," sagot ko naman.
"Saan at Kailan?" tanong niya.
"Sa canteen natapunan mo ako ng sauce, sa hallway naapakan mo ang paa ko, sa isang subject natin inagawan mo ako ng upuan at sa hagdan sa main gate muntik mo na akong maitulak pababa," salaysay ko.
"Ahhh sorry. So kung hindi ikaw si Julia? Si Lorry ka? Or," tanong niya na agad ko naman sinagot.
" Stef. Stefanie Galvez ang pangalan ko, " putol ko.
"OHH Stef. Yeah. Stef. Taga saan ka? Hatid na kita," kunwaring kilala niya ako.
Naglalakad na kami ngayon.
" Sa PE section nga pala ako, ikaw?" Tanong niya na para bang magkikita pa kami sa klase kinabukasan.
"English ako, oo sino ba naman ang hindi makakakilala sa'yo," dagdag ko. Medyo nabibigatan na ako sa kamay niya kaya pilit kong tinatanggal.
Pero matinik ang lolo niyo. Mas lala niya pang ikinawit ang braso n'ya para mas dumikit ako sa kanya. Ngayon. Nasa may balikat ko na ang kili kili niya at ramdam na ramdam ko ang tagiliran niya dahil na rin sa pagkakadikit ko sa kanya.
Para kaming magsyota.Shheettt. Ambango niya! Lord, ito na po ba ang graduation gift niyo sa akin? Ang laking trophy po nito. Thank you!!!
"Alam ko na dati yan. Kilala mo ako kasi hot ako? " pagmamayabang ng gago. Pero infairness, tataa. !!!
Mukha na talaga akong easy to get. Aaminin ko iisa pa lang ang naging boyfriend ko at iyon ay noong ako ay 2nd year college. Pero hindi siya ang laman ng storyang ito.
Ngayon ko lang naranasan ang maakbayan. Ang makausap sa daan ng taong pinapantasya ng puso ko.
Bigla siyang nagtanong na ikinagulat ko naman."Pwede ka ba ngayon? I mean, ahhmm. Virgin ka pa ba?" 0_0
Hhhuuuuwwwaaaattttt????
Lord, bakit siya ganito? Isusuko ko na ba ang Bataan?Playboy nga talaga siya. Manyak pa. Ang gwapong manyak niya. Promise!
Walang anu-ano ay umoo ako. Parang nahihipnotismo ako sa sobrang kaseryosohan ng mga mata niya.
Hawak niya ngayon ang dalawang balikat ko. Mata sa mata ang anggulo naming dalawa. Nasa kanto kami na malapit sa apartment ko at wala gaanong naglalakad. Kaunting sinag lamang ng street light ang tanging nagbibigay liwanag sa kinaroroonan namin ngayon.Lord, joke mo ba ito? Lord, hindi pa ako ready. Lord!
Sunud-sunod na saad ko sa aking isip. Maya-maya ay hinalikan niya ako sa labi. Oo. Sa lips. Oo nga. Sa lips. Napapikit ako. Ang galing niya. At nakuha ko pa talagang magcomment. Yung labi niya. Ang lambot. Yung dila niya ay unti unting pinapasok ang labi ko. Shettt. Hindi ako sanay sa ganito.
Buti na lang at bumalik ako sa huwisyo at naitulak ko siya."Ayaw mo ba? " tanong niya.
"Hindi sa ayaw pero nasa labas kasi tayo, pwede sa bahay na lang," nabigla ako sa bibig ko.
"Saan ba? " tanong niya.
Naglakad na ako at tulad ng inaasahan ay sumunod siya.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Story Of July 15th
General FictionMapaglaro talaga ang tadhana. Paano kung yung unang nagpaibig sa'yo ay naging bestfriend mo? Paano kung sa gitna ng inyong pagkakaibigan ay mahulog ka sa kaniya ng lubusan? Paano kung ayaw niyong mahulog sa isa't isa dahil ayaw niyong masira ang in...