34. Naughty Morning

64 7 0
                                    

*Natuwa naman ako sa mga nagmemessage. Thank you po.

Stefanie's POV

Pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush ay ready na akong bumaba.
Wala na rin kasi si Tian sa tabi ko kanina. Bago ako bumaba ay tinanaw ko ang kwarto ko. Dito namin pinagsaluhan ang pagmamahalan naming noon pa itinatago sa isa't isa. May ngiti sa mga labi ko pero may pait ito dahil aalis na naman siya. Ibinigay ko ang sarili ko sa kanya pero walang kasiguraduhan kung ano kami?

Ano nga ba talaga?

Ewan.

Nagtungo na ako sa baba at nagmadaling pumunta ng kusina.

Naabutan kong nagluluto si Tian. Suot niya ang pinahiram ni Stella na damit kagabi. I wonder kung kasusuot lang niya nito ngayon.
(Never kasi siyang nagdamit kagabi hahahaha)

Nagdahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya.

Step. Step. Step.

Oops bigla siyang umikot para ilagay ang fried rice sa table.
Bigla din akong umikot pabalik sa may hagdan.

Nahihiya ako. Wala akong mukhang ihaharap sa kanya. Ano ang sasabihin ko?

"Hey sexy. Bakit ka umiiwas?" Narinig kong sabi niya.

Huli na ang lahat para magkaila akong hindi ko narinig ang sinabi niya.

"Naiihi na kasi ako," palusot ko.

"Dito ang CR oh," turo niya sa may daan papunta sa kanya.

Bakit ba hindi ko naisip iyon?

"Ahhhh. Oo jan nga ako pupunta," nakayuko akong naglakad papuntang CR.

"Tsk. Tsk. Tsk. " narinig kong tunog na galing sa kanya.

Nangaasar ba siya?

Pumasok na ako sa CR. Inilock ko ito. Hindi naman ako naiihi dahil umihi na ako sa taas kanina.

Napasandal ako sa pader. Ano bang dapat kong isipin? Kapag nakikita ko siya ay naaalala ko lahat ng nangyari kagabi. Lahat lahat.

Ano ba? Magpapanggap ba akong parang wala lang sa  akin iyon?
Ano na?

Konsensya 1: Magkunwari kang hindi ka affected. Para hindi ka niya asarin.

Konsensya 2: Magtaray ka ng magtaray para hindi siya magsalita.

Konsensya 3: Huwag mo siyang pansinin para hindi maopen yung isip niya sa mga nangyari.

Konsensya 4: Huwag kang magrereact sa mga sasabihin niya.

Lahat ng nasa konsensya ko ay nagsasabing dapat kong iwasan na maopen yung topic na iyon sa kahit anonh gestures naming dalawa. Lalo na at nandito si Stella.

Inhale. Exhale.

Okay na ako.

Lumabas na ako ng CR at nakita ko na handa na ang almusal. Nagtitimpla ng kape si Stella at si Tian naman ay abala sa paglalagay ng fried rice sa aming mga pinggan.

Naupo na ako. Nasa magkabilang dulo kami ni Tian ng maliit naming lamesa at sa gilid si Stella, dahilan para magkaharap kaming dalawa.

Walang umiimik sa amin.

"Kumusta po kayo?" Pukaw ni Stella sa tahimik na almusal.

"OKAY LANG" ayyy? Sabayang pagbigkas?

The Story Of July 15thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon