As requested, isa na sa mga cast si Jenevie. Nirequest kasi ng alaga kong si Jenevie Lorenzo na maging isa siya sa mga cast. So here it is my dear.Enjoy reading.
Half of the world.
Stefanie's POV
"Garapata,"
Si Stella ang sumigaw. Hindi niya tinutukoy ang kuto ng aso. Mas lalong hindi siya makakakita nito dahil wala kaming aso. Tinatawag niya lang po ako. Ako po. Garapata raw ako dahil makati ako. Dahil daw ang bilis kong makamove-on sa kung anong nangyari sa amin ni Tian. Nakamove-on na ba agad kapag nakikipagdate na sa other guys?
Sabagay Oo pero nandoon pa rin yung sakit."May pangalan akong pwede mong tawagin," hindi ko siya nilingon. Naghuhugas ako ng pinagkainan namin ngayon. Nakaupo siya malapit sa lamesa habang kumakain ng pinya.
"In fairness ha? Naka move on ka na ng bongga. Pero in fairness din sayo ah, ang hot ng bago mong Fafa," sabay padyak pa niya ng paa.
Naiirita ako sa mga sinasabi niya pero napapaisip din naman ako kahit papaano. Nakamove on na ba talaga ako? Hindi naman na ako malungkot at hindi din gaanong masaya. Balance lang. Ewan ko sa pinsan kong linta.
"Bakit ba pinagdidiskitahan mo.ang love life ko? Wala ka nang pinansin kung hindi ako ah," pagtataray ko.
"Pero alam mo, hot din naman si Kuya Tian eh, siguro malaki ang-" siya.
"Hep hep hep... itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong tahiin ko yan," humarap na ako sa kanya at namaywang.
Itinikom naman niya ang kanyang bibig at parang iziniper pa ito sabay ngiti sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay at tumalikod na ulit.
"Pero alam mo Insan, malaki nga siguro ang-" ramdam ko ang pagtayo niya at ang paglayo niya rin sa akin dahil alam niyang sasabunutan ko siya hanggang makalbo siya pag di pa siya tumigil.
"Stella, ang bastos mo talaga," hawak ko ang sandok at ibabato sana sa kanya pero nagtatago na siya sa pader ng hagdanan namin.
"Uuuyyyy naaalala niya hahahaha," tinutukso niya talaga ako.
Okay fine. Naaalala ko at some point. Pero ayaw ko na talagang maalala. Alam niyo na yun. Basta enough.
Erase na ha?
Matapos kong maghugas, pinunasan ko na ang basang kamay ko at kinuha ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ko. Kanina pa ito tumutunog.
5 text messages.
Kanino naman kaya galing ang mga ito?
First message. (7:54 p.m.)
Hi miss. What are you doing?
Second message. ( 7:59 p.m.)
Are you busy? Kumakain ka ba? Text me when you are free.
Third message. (8:17 p.m.)
Ayaw mo ba akong katext? Or wala kang load? Baka naman tulog ka na? Ang aga pa.
Fourth message. (8: 28 p.m.)
Punta ako jan in 5 minutes kung di ka pa magrereply. Worried 🤔🤔🤔
Fifth message. (8:33 p.m.)
Papunta na ako jan.
Ohh my God. Itong lalaking ito. Opo. Galing ito kay Sir Paulo. At papunta na po siya dito.
BINABASA MO ANG
The Story Of July 15th
General FictionMapaglaro talaga ang tadhana. Paano kung yung unang nagpaibig sa'yo ay naging bestfriend mo? Paano kung sa gitna ng inyong pagkakaibigan ay mahulog ka sa kaniya ng lubusan? Paano kung ayaw niyong mahulog sa isa't isa dahil ayaw niyong masira ang in...