23. Spread Positivity ❤

69 8 0
                                    

❤❤❤
Ngayon lang po ulit nakapagupdate. Hindi na busy.

By the way, this chapter is suggested by the following:

Ivy Krysan Carag
Noemie Martin
Liezel Palangoy

Hope you like it !

Stefanie's POV

POSITIVITY.

Big word. Yan ang gusto kong ipagkalat sa buong kapaligiran ko ngayon. Lately kasi ay panay ang kabubusangot ko. Dahil na rin siguro sa pag-alis ni Christian at sa paninibago ko sa kwarto mag-isa.
Nasanay na kasi akong may kaasaran. Nasanay na rin ako na may kausap pag bumabangon. Nasanay na ako na darating ng apartment at madadatnan ko siyang nanonood, naghuhugas, at naglilinis.

Nakakamiss lang siya. I can't do anything but to think of him when I am alone. Tumatawag naman siya sa tuwing hindi siya abala sa trabaho.

Nakaupo ako sa may pwesto ko sa gilid ng office habang nagiisip ng mga bagay-bagay nang may kumatok sa nakabukas na pintuan.

*tok *tok *tok

"Hey! Busy ka?" Nakasilip si Paulo sa may pintuan.

"Hmmmmmm. Hindi naman gaano, bakit?" Ako. Wala naman ako masyadong ginagawa ngayon. Friday din naman ngayon kaya hindi gaanong maramk ang scheduled subjects ko.

"Labas tayo?" Nagyayaya ba siyang makipagdaye sa akin?

"Saan tayo pupunta?" Naging mas interesado ako sa mga tanong niya. Nagcross arms ako at sumandal sa upuan ko.

"Saan ba pwede? Ahhhmmmm," nagiisip siya.

"Alam ko na, punta na lang tayo sa park. Kain tayo mamaya ng finger foods," namiss ko lang kumain ng fishballs at kikyam.

"Sige, treat ko. Promise!" Siya. Wow ah. Maraming pera. Kung mayaman na nga bang maituturing ang panlilibre ng more than 50 pesos.

"Okay. Thank you. Four p.m. ako mag out. Antayin mo na lang ako sa gate?" Tanong ko sa kanya.

"Sige. Four p.m. See you," kumindat at sumaludo siya sa akin sabay alis na.

Wala naman sigurong masama kung magkasama kami mamaya. Wala naman malisya sa akin iyon at isa pa single naman ako. Ewan ko lang sa kanya kung single siya.

Two-thirty na ng hapon at wala na rin naman akong pasok kaya nag-ayos ayos na ako ng mga gamit ko.

"Anong meron at ang aga mo mag-ayos ng mga gamit mo te?" Si Bea ang nagsalita na kasalukuyang nag-aahit ng kanyang kilay.

"Lalabas na raw kami ni Sir Pau," ako. Naglalagay na ako ngayon ng lipstick at nakatingin na sa salamin sa tabi ko.

"Ahem. Pwedeng sumama?" Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin.

"Ewan ko. Hindi ko kasi nasabi sa kanya eh," medyo nahihiyang sagot ko.

"Joke lang. Sinusubukan lang kita. Syempre moment mo yan eh. Alangan naman makimoment ako sa'yo," bigla naman siyang tumalikod at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Some kind of?" Sabay naming saad.

"Sarcasm," siya ang nagtuloy.

Natawa naman ako sa friend ko. Nagtampo yata siya.

"Next time na lang Ma'am. Isasama kita," pangangako ko naman sa kaniya.

It is already three-fifteen at baka nag-aantay na si Pau sa labas. Ready na rin naman ako kaya nagsimula na akong maglakad palabas.

The Story Of July 15thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon