37. In his apartment

75 5 0
                                    


37. In his apartment

Sa mga nakakamiss kay Tian, mamimiss niyo talaga siya. Baka sa next two chapters niyo pa siya mababasa. This chapter ay moment nina Pau at Tef muna. Thank you.

Kinabukasan naman ay niyaya ako ni Sir Paulo sa apartment niya. Oops Paulo lang pala. Ayaw kong magamit ng lubusan ang mga labi ko 'no? Tandang tanda ko ang pagbabanta niya sa akin.

Kumatok ako sa pintuan niya. Nakapasok ako sa main gate nila dahil nakabukas naman ito. Hindi na ako nahihiya. Medyo naovercome ko naman na ang hiya kong humarap sa kanya. Mas naisip ko kasing siya ang dapat kabahan sa akin. Ang ganda ganda ko kaya. Sobra.

Bumukas na ang pinto at bumungad ang kagigising lang na lalaki.

"Good morning Stef," napangiti siya. Naningkit ang mga mata niya. Ang gulo ng buhok niya pero hindi ito nakabawas sa pagkagwapo niya.

Pumasok naman ako sa loob. Kinuha niya ang dala kong basket ng pagkain at dinala niya sa lamesa na nasa harapan ng sofa.

"Do you want something?" Kumamot siya sa ulo niya. Ang cutr niyang tingnan sa gusot gusot na suot niyang white shirt at black jogging pants.

"Wala naman Sir," sabi ko naman na sinasadyang tawagin siyang Sir.

Lumapit siya sa akin at isinandal ako sa may pintuan.

"Are you challenging me? " I saw him smiled sa dulo ng labi niya.

"No I am not. Hindi lang ako sanay na tawagin kang Paulo," sagot ko.

"So dapat mo na rin sanaying mahalikan kung ipipilit mong tawaging Sir," inilapit niya pa sa akin ang mukha niya.

Hahalikan na niya ako nang bigla ko siyang itinulak.

"Woooooh. Easy," sabi niya at bahagyang umatras.

"Umupo ka na sa sofa. Baka sabihin mo inaapi kita," utos niya pa sa akin.

"Eh mukha ngang inaabuso mo ako dahil jan sa parusa mo eh," sabi ko naman.

"Inaalagaan kaya kita," sabi niya habang umupo naman siya.

"Define inaalagan Sir?" Hindi ko sinasadyang matawag siyang SIR.

"This," and once again, hinalikan niya ako sa labi ko. Dampi lang iyon pero ikinakilig ng buo kong katawan.

Nagiging parang 18 years old ako sa ginagawa niya sa akin. Kung ganito lang ang mangyayari araw araw ay hinding hindi ako magsasawang tawagin siyang SIR.

"Dahil sa pagtawag mo sa akin ng Sir parang ayaw ko na lang pagbawalan kang gawin iyon," kagat kagat niya ang ibabang labi niya ngayon at nakatingin sa akin.

Para bang inaakit niya ako at wala akong choice kung hindi maakit sa kanya. Kaakit akit naman talaga siya.

"So anong plano mong gawin natin S- este Pau?" Muntikan na naman ako doon ah.

"Aside from the let's-enjoy-this-feeling- thingy mo?" Dugtong ko naman.

Napatawa ko siya. Hindi iyon maitatago dahil kitang kita ko ang tamis ng mga ngiti niya ngayon.

"Inaasar mo naman yata ako eh," siya sabay kamot muli sa ulo niya. Ang cute and at the same time sexy niya sa mga gestures niya. Hindi ko maiwasang magisip ng kung anu ano pag ginagawa niya ang mga bagay na iyon.

"Okay what about let us watch a movie? Anong movie ba ang meron ka jan?" Tanong ko sa kanya.

"Porn," agad ay sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko. Napakaseryoso niyang nakatingin sa akin pero binawi niya ito.

The Story Of July 15thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon