2.The Bestfriends

156 12 2
                                    

Christian's POV

Hinalikan ko siya. Halatang hindi siya sanay. Ewan ko kung bakit ngayon lang ako naattract sa babaeng ito. Bigla naman niya akong tinulak. Nagtaka ako at nagtanong,

"Ayaw mo ba?" tanong ko.

Sabi niya nasa labas daw kami kaya kung pwede sa bahay na lang nila. Ang weird. Madilim naman dito. At, hahalikan ko lang naman talaga siya. Hhahayyy. Iba na talaga pag Christian ang gumalaw.

Eto ako. Sumusunod lang sa kanya. Nasa isang apartment kami ngayon.Medyo maluwag. Okay naman ang mga gamit.

Isa-isa ko nang tinanggal ang mga suot ko. Ang graduation gown, long sleeves at pants. Naiwan ang boxers ko. Akma ko nang tatanggalin nang bigla siyang magsalita.

"Ahm pwede saglit lang? Maghihilamos at magtotooth brush lang ako? " paalam niya.

Ewan ko kung matatawa ako o matatawa na talaga.

"Kailangan pa ba iyon?"nagtatakang tanong ko.

"Saglit lang ako," sabay alis niya sa harap ko.

Eto ako. Nakaupo sa kama niya. Nabibitin.

◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇

Stefanie's POV

Hindi ako sanay sa mga ganito. First time ko to. Hindi ako pwedeng mapahiya. Nagwash-wash ako ng bikini area at ngayon ay nagtotooth brush na ako.

Nag-aantay pa kaya siya? Lord, ang hot niya. Patawarin niyo po ako.

Tinanggal ko na ang panloob ko pati na ang mga damit ko. Iniwan ko ang graduation gown ko na siyang saplot ko ngayon. Diba may thrill?
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at kamay lang muna ang ipinakita ko.
May pagkamahalay pala talaga ako pag siya na ang kasama ko.

Hinagis ko sa kama ang damit ko kanina. Bigla akong sumilip sa kanya at AYUNNNN.

Nagbibihis na siya. +_+

Asang asa ako. Napahiya ako.

"Sorry kung pinag-antay kita," isa-isa kong pinulot ang damit ko at nagbihis na nakatalikod sa kanya. Ewan ko kung nakatangin siya pero ako sobrang kahihiyan sa sarili ko ang nararamdaman ko.

"Sorry but I am not good to this," tugon ko sabay nagkumot at akmang matutulog na.

Siya naman, tinanggal ulit ang pants at sleeves. Ano kayang gagawin niya?

"Hindi naman ako tatakas. Nilalamig lang ako kaya nagbihis ako," saad niya na nakisalo sa kumot ko.

Ikinagulat ko naman ang ginawa niya. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya sa likod ko.

Humarap ako sa kanya.

"I am Stefanie Galvez,again, " pagpapakilala ko.

"Okay, miss, nice to hug you," saad niya habang di ko namamalayang naka unan na pala ako sa braso niya at ang isa naman ay nakayakap sa akin.

"Maybe we could be friends," suhestyon niya.

Masasaktan ba ako o magdidiwang? Kung ganito ba naman kami kalapit bilang magkaibigan eh WHY NOT? Pero pantasya ko siya. Isasakripisyo ko ba ang pangmatagalang relasyon o ang relasyong hindi ko alam kung magtatagal?

"May magkaibigan bang nagtatabi sa kama na walang suot na kahit ano?" Tanong ko.

"Meron, tayo!" Mabilis niyang sagot.

Maya-maya ay narinig kong kumakalam ang sikmura ko. Ewan ko kung narinig niya pero parang oo nga. Kasi taas baba ang dibdib niya ngayon. Tumatawa siya. Bigla kong tiningnan ang mukha niya at shhheemmmayyy. Nakangiti siya sa akin.

"Akala mo kasi pagkain ako at hindi mo na magawang asikasuhin ang sarili mo. Kain kana. Or kain na tayo. Gutom na rin ako eh," pagbibiro at pagrereklamo niya.

◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇

Christian's POV

Nasa kusina niya kami ngayon. Pinagluto niya ako ng adobong baboy. May stock naman siya sa kanyang refrigerator. Eto, ako nagluluto. Parang bahay ko na nga eh. Gulo gulo pa ang buhok ko.

Siya? Ayan. Nasa lamesa. Nakatingin lang. Parang señorita na nag aanaty lang ng makakain. Swerte siya gwapo ako. Nakss.

"Paano ka natutong magluto?"tanong niya.

"Sa mama ko," tipid na sagot ko.

"Siguro mayaman kayo," dagdag niya.

Bakit ang daldal nitong babaeng to. Binubusisi lahat.

Bakit ako matangkad?
Bakit laging messy ang buhok ko?
Bakit gwapo ako?
Bakit BSE ang kinuha kong course?
Ilan na ang naging ex ko sa school?
Kailan ang first kiss ko at sino?

Para na siyang slamn book sa dami niyang tanong.

"Bakit ang dami mong tanong?" Putol ko sa kanya.

"Bakit ang dami mong tanong?" Pag-uulit niya na ginaya pa tono ng boses ko.

Hhhaaaayyyyy. May sapak tong taong to.

Ayon, matapos kumain ako na rin ang pinaghugas niya.
Seriously, katulong yata ang ganap ko sa buhay niya eh. Tulog na nga rin siya at okupado na ang buong higaan. Kaya ako?

Di na makatulog. Naisipan ko na lang tignan kung anu ano ang mga mayroon sa loob ng bahay niya.

Mahilig siya sa mga nobela. May mga romance at horror siyang mga libro.

May isa lang na nagnakaw ng atensyon ko. Pulang notebook na may tali pa. Binuksan ko at ang laman?

July 15, 1991, birthday ng papa niya. Mag isa raw siya. May nakalakip pang litrato.

July 15, 1992, burthday ng papa niya. Nag-iisa na naman siya.

July 15, 1993, birthday ng papa niya at kasama niya ang tito Alan niya sa puntod ng kanyang ama.

July 15, 1994, birthday ng papa niya at araw ng pag alis ng mga tito at tita niya papuntang Amerika.

July 15, 1995, birthday ng papa niya at wala siyang magawa kundi umiyak maghapon.

July 15, 1996, birthday ng papa niya at mag-isa niyang hinarap ang buhay na mag-isa.

July 15, 1997, birthday ng papa niya. Nasa paaralan siya at nakita niya ang taong tila pupukaw sa kalungkutang nadarama niya. Iyon ay ang taong nakatapon ng sauce ng Hotdog sa kanya sa isang kantina.

July 15, 1998, birthday ng papa niya. Nagkaroon siya ng boyfriend. Pero parang may kulang. Hinahanap ng atensyon niya ang taong kanina lang ay natapakan ang paa niya.

July 15, 1999, birthday ng papa niya. Wala na sila ng boyfriend niya. Nalate sya sa classroom. May kasabay siya pero inagawan siya ng upuan. Kaya't lumiban siya sa klase.

July 15, 2000, birthday ng papa niya. Araw ng kanyang pagtatapos at sa wakas nakasama na niya ang taong laman ng isip at puso niya. Christian.

Ang huling July 15 ang pumukaw sa aking diwa. Ako? Mukhang kasusulat lang ng huling petsa na ito. At mukhang matagal na niya akong kilala. Nakatutuwa pero naawa ako sa kanya. Sa sumunod na mga pahina nakita ko ang mga litrato kong naka side view, naka ngiti at natutulog sa klase. May mga caption ito na

Kahit malungkot ako, may side pa rin sa akin na masaya dahil nakikita kita. Sana nga lang makasama kita. Kahit minsan lang. Okay na.

Booommm!

Nagulat ako nang bigla niya akong binato ng unan.

"Bakit hawak mo yan?"

Itutuloy...

The Story Of July 15thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon