Christian's POV
Sobra akong nabusog sa luto ni Stella. Sa sobrang busog ko halos hindi na ako makatayo sa aking inuupuan. Pero nagprisinta akong maghugas na lang ng pinagkainan. Akala ko tutulungan ako ni Tef pero hindi. Nagtoothbrush lang siya sa lababo tapos umakyat na sa kwarto.
Dinamdam niya na naman ang mga biro ko.Pumipito ako habang naghuhugas nang bigla siyang bumaba at may tinanong,
"May gamot ka pa ba sa pangangati?" Siya. Mula sa lababo ay alam kong nasa likuran ko siya.
"Meron pa. Kunin mo na lang sa lalagyanan ko ng mga gamot. Sa loob ng bag ko," hindi ako lumingon sa kanya.
Why is she itchy?
"Salamat," narinig ko na lang ang mga yabag niya paakyat ng hagdan.
Allergy niya siguro yung ulam. Pero favorite niya naman daw. Hmmm. Hayaan mo nga siya. Ayaw niya kasi magsabi.
Pagkatapos ko maghugas ay nagtoothbrush na ako. Naghilamos din ako ng mukha at pinatay na ang ilaw sa kusina. Umakyat na ako ng kwarto.
Napagod ako ngayong Sabado kaya gusto ko nang magpahinga.
Stefanie's POV
Gosh. Sobrang nangangati ang balat ko. Allergy ko kasi ang bagoong. Eh ang sarap ng Galonggong na isinasawsaw doon kaya napakain ako ng mejo okay lang. Namumula na ang balat ko.
*ting.
Naalala kong may gamot sa allergy si Tian.
Ano?
Titiisin ko bang mangati?
Or
Titiisin ko na lang ang pride ko?
No choice.
Tumakbo ako pababa at tinanong siya kung mayroon pang naiwan sa gamot niya.
Oo naman daw. Salamat at hindi siya nagdamot. Subukan niya lang. Magtatabi sila ng aso sa labas matulog.
Tinungo ko ang bag niya.
Saan kaya dito ang lalagyan ng gamot niya?
Isa-isa kong tinanggal ang laman ng bag niya. Nawindang naman ako sa mga nakita ko.
Mga briefs niya na XL na yata ang sizes. Puro Calvin Klein. In fairness okay naman ang mga ito. Puro puti at itim lang ang mga ito.
Teka? Bakit ko ba ito pinapansin. Makati nga talaga ang isip ko. Hahaha.
Ayun. Nakita ko na. Nasa loob pala. Kumuha ako ng isa at ininom ko na.
Maya maya lang ay okay na ako nito.
Nagdecide akong mahiga na. Parang hapong hapo ako sa maghapon na ito. Nagkumot ako ng half body at tumalikod na. Nakaharap ako sa pader. Ayaw kong makita niya akong nakaharap sa kanya. Baka isipin niya pa na tinitignan ko siya.
Nakapikit na ang mga mata ko. Hindi pa naman ako inaantok pero gusto ko lang ipikit ang mga mata ko. Nakakarest kasi ng isipan ang ganito.
Nakarinig ako ng yabag. Siya na iyon. Papito-pito pa siya ng isang kantang pamilyar sa pandinig ko.
How am I supposed to live without you?
Naging favorite niya na ba iyon since una kaming magkahiwalay bilang magkaibigan nang umalis siya papuntang France?
Inihanda niya na ang hihigaan niya. Hindi ko man kita pero dinig ko ito. Inilatag niya ang binili niyang bedsheet at kumot. Dama ko ang paghiga niya dahil sa paglangitngit ng kahoy na higaan at ng pagtunog din ng kutson.
BINABASA MO ANG
The Story Of July 15th
General FictionMapaglaro talaga ang tadhana. Paano kung yung unang nagpaibig sa'yo ay naging bestfriend mo? Paano kung sa gitna ng inyong pagkakaibigan ay mahulog ka sa kaniya ng lubusan? Paano kung ayaw niyong mahulog sa isa't isa dahil ayaw niyong masira ang in...