Happy new year everyone!
Sana po ligtas ang lahat. Thank you sa pagsubaybay sa kwento na ito even if natatagalan ang updates.
Have a blissful year 💕💕💕40. I am fallen for you.
Stefanie's POV
December 23 na ngayon. Bukas na ang Noche Buena. Sino kaya ang kasama kong magcecelebrate? As usual asahan na ang presensya ni Stella at ni Marlon. Si Sir Paulo? He told me that he will spend his time with his sister and relatives sa kanila. So malamang kaming tatlo lang ang magcecelebrate. My aunts and uncles from abroad recently told me they cannot be with us. They have businesses to run. Anyway, there are so many things to look into, kailangan pa ring maging masaya.
Kumusta na kaya si Tian? Matagal na akong walang balita sa kanya. Natatakot akong kumustahin siya dahil baka masumbatan lang ako. Pinatawad ko na siya. Ito lang ang paraan para mapalaya ko ang sarili ko sa nakaraan namin. Sana nga lang okay siya.
Nasa kwarto ako ngayon. I am wrapping my gifts for Stella. Kahit haliparot iyon ay love ko siya. She stayed with me kahit napakaraming opportunities abroad. Of course may regalo din ako sa jowa niya kahit papaano. Kay Paulo? Oo meron din. Ang regalo ko sa kanya ay isang hoody jacket. Itim ito na may print ng mukha ni Bob Marley. Paboriti niya kasi iyon. Limited edition lang ang printed jacket na iyon. Original clorthing kasi ang gamit galing sa Jamaica and burdado ang prints nito. Of course hindi rin naman biro ang presyo. Umaabot ito ng five thousand pesos. Pero ayos lang dahil kung para sa kanya ay maliit lamang ito na bagay.
Ready na ang mga gifts ko.
Bababa na sana ako nang may magtext sa akin.Toot toot. Toot toot.
(NOKIA PHONE)Hi miss. I missed you. I want to spend christmas with you and your cousin so I refused to go to Baguio with my friends and some of my family members. See you ❤ - PauPau
Aaawwwwww 😯😯😯 ang sweet .
Ohh? Dapat sumama ka na lang sa kanila. Minsan lang naman iyon eh - of course umaarte ang ate niyo.
Ayaw mo ba akong kasama? 😔😔 - naiimagine ko na ang sad face niya.
Oo na. Sige na. Sakto may gift ako sa'yo - ako.
Really? I am so excited - siya.
Nagtapos ang text conversation namin sa words na TAKE CARE. Kailangan na niyang magmaneho pabalik dito from Manila. So baka mamayang mga 6:00 p.m. ay nandito na siya.
Bumaba na ako. Nadatnan ko si Stella na nagcocompute ng kung ano sa may cashier's desk na lagi niyang pwesto.
"Magkano ang kita couz?" Ako. Nasa likod niya ako ngayon, hinahaplos ang buhok niya.
"Pati last week, umaabot sa 12,000 pesos. Wala pa diyan yung naideposit ko sa bangko kahapon," memoryado lahat ng pinsan ko.
"Not bad. Lumalago naman. Alam mo, what if magtayo tayo ng branch sa school?" Suhestyon ko.
"Oo nga no. Big resolution yan. Eh sino naman ang magbabantay?" Tanong niya.
"Oo nga ano? What if let us hire a cook and staff to run it?" Ako ulit.
"Why not? Sige pagusapan natin iyan soon, but for now, pagusapan muna natina ng ihahanda natin sa Niche Buena," siya.
"Ilan ba tayo?" Ako.
"Si Marlon, kasama niya raw ang kapatid niya na umuwi mula Quezon. Ikaw may bisita ka ba?" Si Stella.
"Si Paulo lang yata. Nagbakasyon ang ilan sa mga co-teachers ko eh kaya wala naman akong inaasahang bisita. Old friends ay malalayo na kaya wala din sila," explain ko.
BINABASA MO ANG
The Story Of July 15th
General FictionMapaglaro talaga ang tadhana. Paano kung yung unang nagpaibig sa'yo ay naging bestfriend mo? Paano kung sa gitna ng inyong pagkakaibigan ay mahulog ka sa kaniya ng lubusan? Paano kung ayaw niyong mahulog sa isa't isa dahil ayaw niyong masira ang in...