33. A night with you (Flashback)

66 6 0
                                    

Bumabawi ako kaya mass update na ito.

Thank you ate Viberly Carag for reading this.

After that scene, kumain na kami. Nalaman kong 1 p.m. ang flight niya. Gusto kong masaya lang ang lahat ngayon. Pagkatapos naming magsalo sa hapag kainan, kami na rin ang naghugas ng pinagkainan. Bukod sa gusto ko siyang makakwentuhan ay namiss ko ang bonding naming dalawa.

"What if naging tayo na lang sana dati?" Tanong niya.

"Siguro nagbreak din lang tayo," ako.

"Bakit? Ibebreak mo ba ako?" Siya. Nagbalik na ang dati niyang mga ngiti sa mata at labi.

"Dependa kung mambababae ka," ayaw kong tumingin sa kanya dahil nakatitig na naman siya.

"Natural lang naman iyon. Ang masama ay manglalaki ako," pangaasar niya.

"Eh kung naging tayo ba dati? Aalis ka pa rin ng aalis?" Tanong ko habang nagtataob ng plato.

"Siguro. Pero baka uuwi ako lagi dahil syempre gugustuhin kitang makasama," siya.

"So kaya hindi ka lagi umuuwi dahil ayaw mo akong makita?" Ako.

"Hindi sa ganon. Syempre kaibigan lang ako sayo diba. Kaya hanggat kaya ay pipigilan ko ang sarili ko," siya.

"Tapos na. Akyat na tayo," ako.

"Teka. Wala ka bang maipapahiram na damit diyan? Ang akala ko kasi hindi mo na ako tatanggapin dito kaya hindi na ako naghanda," siya habang nagkakamot ng ulo.

"May damit diyan si Marlon. Teka at hihiram ako. Mauna ka na sa kwarto," inutusan ko na siya sa kwarto para ayusin ang hihigaan niya.

"Caz, hiram nga ako ng damit ni Marlon, lalabhan ko na lang," saad ko sabay katok sa pintuan ng pinsan ko.

"Pasok ka caz," binuksan niya ang pintuan.

Binuksan na niya ang aparador at pinapili niya ako.

"Pili ka na diyan," siya.

Kinuha ko ang black shorts at round neck na sando ni Marlon.

"Thanks caz," ako.

Tumungo na ako sa kwarto ko.

Nadatnan ko naman siyang nakaupo sa gilid ng kama ko. Nagmumuni muni.

"Anong iniisip mo?" Ako.

"Ganito pa rin pala ang ayos nito no?" Siya.

"Oo. Ayaw kong nagugulo ito. Maramu kang memories dito," lumapit na ako sa kanya para iabot sa kanya ang damit na hiniram ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin at sabay niyang inihiga ang katawan namin sa kama.

"And I want us to make another memory in this room, just us. Only us," ngayon ay yakap ako ng isa niyang braso at ang isa ay nakapatong sa tagiliran papuntang pisngi ko.

Hinahaplos niya ang mukha ko. Hinahawi ang nagulo kong buhok.

"Tian this is not right," umiwas ako sa kanya. Babangon sana ako.

"Tell me that this is not right if you don't feel the same. Mahal mo ako at mahal kita. Hindi nga lang tayo pero alam kong may nararamdaman tayo sa isa't isa," siya. Nakatitig siya sa akin ng sobra.  Sinusukat niya ako sa kanyang paningin. Passionate siyang makatitig.

Wala na akong nagawa nang tuluyan niyang sakupin ang mga labi ko. Nagpatianod na ako sa mga posibleng mangyari. Handa ako sa mga consequences ng gagawin namin. Wala na akong ibang alam kung hindi ang isiping mahal ko siya at hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko.

The Story Of July 15thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon