Chapter 1

4.7K 91 1
                                    

Jane's POV

7:00 p.m

Kasama ko ngayon ang kaibigan kong si Gwen palabas ng Vlademon University kung saan kami nag-aaral. Pangalan pa lang creepy na diba? Well creepy rin kasi ang mga studyante dito except me.

Hindi ko alam kung bakit pero biglang pumula ang mata ni Gwen pero agad rin itong nawala. Siguro ay namamalik mata lang ako kaya pinabayaan ko na lang.

Nang makalabas na kami sa Vlademon ay mag isa na lang akong umuwi papunta saamin. Malayo palang ay natatanaw ko na si  Nanay Rose sa labas ng gate namin na naghihintay.

"Nay" bati ko kay Nanay sabay mano. Sabay na kaming pumasok ni Nanay Rose sa loob at nag hain ng pagkain.
Kami na lang ni Nanay Rose ang magkasama ngayon. Bata pa lang ako ay si nanay na lang talaga ang kasama ko. Namatay daw kasi si tatay dahil sa aksidente.

Hindi ko masyadong maalala ang mga nakaraan ko dahil nagka amnesia daw ako. Kaya hanggang ngayon ay maraming bumabagabag sakin.

Umakyat na ako sa kwarto ko at dumeretso ng banyo para magbabad sa tubig. Kinilabutan ako ng parang may mabilis na hangin ang dumaan kaya bumangon na ako at lumabas ng banyo. Pagkatapos ay nagbihis na ako at humiga sa Kama ng dalawin na ako ng antok.

Sobrang dilim. Inilibot ko ang aking paningin ngunit wala akong ibang nakikita kundi dilim. Unti unting lumiwanag kaya nakita ko ang lalaking papalapit sa isang babae. Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil sa liwanag pero sapat na ito para malaman na makisig siya at halos kaidad ko lang

"My demon princess" sabi nito sa dalaga sabay abot ng rosas.

Halos manghina ako ng makitang unti unting may lumabas na dugo sa pulang rosas na galing sa lalaki

Gusto kong sumigaw pero walang lumabas ng kahit anong salita sa boses Ko

"Jane anong nangyayari gumising ka"

Naramdaman ko namang may tumatapik saakin kaya napaupo ako at niyakap si Nanay Rose.

"Pinag-alala mo ako jane" saad sakin ni Nanay na may bakas na pag-aalala at kaba sa mukha

Tulala ako ngayon habang nakatingin kay Sir Allan na nagtuturo sa unahan. Wala akong naintindihan sa nileleksyon niya.

Hindi mawala sa isipan ko ang napanaginipan ko kagabi. Kakaibang panaginip. Parang may ipinapahiwatig.

Dahil sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na lunch time na. Mag-isa ako ngayon pumunta sa canteen dahil may aasikasuhin pa daw si Gwen. Seriously? Anong gagawin niya sa oras ng kainan?

Naabutan ko naman na balisa ang ilan at yung iba naman ay parang kinakabahan at meron rin kinikilig pag dating ko sa canteen. Well hindi lang dito dahil pati sa buong campus ay ganito ang inaakto ng iba.

"Papunta na sila dito"

"Ba't biglaan yata ang pagpunta nila dito?"

This Vampire Is In Love With Me Where stories live. Discover now