Chapter 8

1.6K 50 0
                                    

Jay's POV

F*ck. What's going on?!

Napako ako sa aking kinakatayuan at hindi alam kung ano ang gagawin ng maglabasan ang mga naka itim na bampira.

Tiningnan ko ang gawi nila Christian at pansing wala na siya 'ron at si Gwen na lamang na halatang takot at hindi 'rin alam ang gagawin ng makita ang mga naka itim na bampira.

Hindi namin 'itoh kilala at batid kong hindi sila basta-bastang bampira. 'Itoh ang unang beses na nakita ko sila.

'Ang mahal na Reyna!' Biglang pumasok sa isipan ko si Ina. Nasaan siya? Sinubukan 'kong kausapin siya gamit ang aming mga isipan pero Hindi niya sinasagot na mas lalong nagpakaba saakin at nagpatarta.

'Ito ang kauna-unahang beses na mapasok kami sa ganitong gulo. 'Kung saan kapwa bampira ang sumusugod saamin, hindi gaya noon ay demonyo ang kalaban namin at kami mismo ang sumusugod sakanila dahil sa kagustuhang makuha ang itinakda para mawala ang sakit ko.

Nabigla ako ng may dalawang bampira ang sumugod sa kapatid ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na 'toh. Hindi ako marunong makipaglaban at hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon. Akmang lalapitan ko si Gwen upang ilayo sa dalawang bampira na susugod sakanya ng biglang sugurin ni Drake ang dalawang bampira at mabilis na binutas ang t'yan nito.

Nilapitan ni Drake si Gwen na ngayo'y umiiyak na marahil dahil sa takot. Maging siya kasi ay hindi 'rin marunong makipaglaban. Sa t'wing may digmaan na nagaganap noong bata pa kami ay nasanay kaming nasa loob ng kaharian at nakakulong sa aming kwarto. May 'roon kaming kapangyarihan na maaari naming gamitin upang maipagtangol ang aming mga sarili ngunit hindi pa namin 'itoh lubos na gamay.

"Ako ng bahala sakanya" wika ni Drake ng tinutukoy ang kapatid ko ng makalapit na sila sakin.

Tinanguan ko lang sila bilang tugon at mabilis silang nawala sa paningin ko ng mabilis silang tumakbo papalabas. Tiningnan ko ang buong paligid, marami ng sugatan at ang iba ay nakikipaglaban na 'rin.

Hindi ako nag aksaya ng oras, agad 'kong nilapitan si Jane na nakahawak sa tyan niya at namimilipit dahil sa sakit. "We have to go------ahhhk" hindi ko natapos ang sasabihin ko sakanya ng hilahin ako ng isang sa mga naka itim na bampira at itinapon sa gitna kung saan ko kanina isinayaw si Gwen. "A-anong kailangan n-niyo sakin?" paputol-putol sa wika ko dito dahil sa sakit na natamo ko matapos niya akong itapon.

Sa halip na sagutin ako nito ay mabilis 'itong lumapit sakin at walang sabi-sabing sinuntok ako sa bandang dibdib. Napahawak ako rito ng maramdaman ko ang sakit. Naghahabol na 'rin ako ng hininga dahil sumisikip na ang paghinga ko. Hindi ko magawang tumayo dahil sa sakit. Nilapitan ako nito at tinapakan sa bandang dibdib kung saan niya ako sinuntok kanina ng malakas. Napa maang pa ako ng idiin niya ang paa niya sa dibdib ko. "Nasan ang mahal na Reyna?" malumalay ngunit ma awtoridad na tanong sakin. "Hindi ko alam-----ahhk!" Impit na unggol ko ng mas diinan niya ang pag tapak sa dibdib ko.

"Nasaan ang mahal na Reyna ?!" Muling sigaw nito saakin pero hindi ko magawang mag salita dahil nawawalan na ako ng lakas. Nang hindi ako nagsalita ay may kinuha siya sa bulsa niya at nang makita ko kung ano ang hawak niya ay mas lalo akong nang hina. Hawak niya ang kulay gintong patalim. Isa itong patalim na ginagamit sa bampira.

Ipinikit ko ang aking mata at hintay na tumama ang kanyang sandata sakin pero wala akong maramdaman na kahit ano dahilan para unti-unti 'kong imulat ang aking mga mata.

Halos malaglag ang panga ko ng makitang naka handusay na ang bampirang may hawak ng patalim at wala ng malay. At ngayon ko lang napansin na nakatayo na si Jane. Abala ito sa pakikipag laban. Walang bakas ng panghihina sakanya, ang kaninang nagkukulay berdeng mga ugat sa katawan niya ay nawala na.

Pinanood ko siyang abala sa pakikipaglaban, sa bawat galaw niya ay parang gamay niya na ang pakikipaglaban. Nang may sabay sabay na sumugod sa kanya ay agad niyang sinuntok ang sahig ng makalapit ito'h sakanya kaya tumalsik ito'h ng sabay sabay.

ibig sabihin alam niya na, na siya ang itinakda? Papano niya nalaman? At panong mabilis na nawala ang poison sa katawan niya?!

Halos hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko ng nagsimula siyang maglakad papunta saakin, kakaiba ang dating saakin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya ng makalapit na siya ng tuluyan saakin, tango lang ang naisagot ko dahil sa pagkabigla.

Ngayon ko lang napansin na ang kulay itim niyang mata ay naging asul na. Bumagay ito'h sa mala kulay gatas niyang balat.

Inalalayan niya akong makatayo at inakay papalabas. Nang tuluyan na kaming makalabas ay tska lang ako nagka'ron ng lakas ng loob para kausapin siya.

"So now you know? (the itinakda thingy) "

"Ibig sabihin alam mo na ako ang itinakda pero hindi mo man lang sinabi sakin?!, why didn't you fuck'n tell me?! "

"Dahil wala ako sa posisyon para sabihin ang bagay na 'yan, ang nanay Rose mo dapat ang mag sabi sayo, Jane" mahinahon 'kong paliwang sakanya

Ginulo niya ang buhok niya at hinawakan ang kanyang noo upang huminahon ang sarili. "I got your point pero ang hindi ko maintindihan ay bakit ang bait bait mo saakin, hindi 'bat gusto niyo akong makuha, bakit hindi mo sinamantala yung panahon na hindi ko pa alam ang lahat" naguguluhang paliwanag niya. Tinitigan niya ako kaya nilabanan ko 'rin ang mga titig niya sakin

Unti-unti ko siyang nilalapitan, kaya atras 'din siya ng atras hanggang sa wala na siyang ma aatrasan. Mas nilapit ko pa ang katawan ko sakanya, ramdam ko na ang hiningga niya sa mukha ko. "Gusto mo ba talagang malaman?" Wika ko ng mag dikit na ang mga ilong namin.

"Yes" wika niya habang deretsong nakatingin sa mata ko.

"Are you sure?" wika ko habang nakatingin sa mapupulang labi niya. Damn I want to taste it. Tumingin ulit ako sakanya pabalik sa labi niya.

Hindi na ako nag aksaya ng oras, namalayan ko na lang na naglapat na ang aming mga labi. Habang tumatagal at hinawakan ko ang kanyang bewang ng hindi pinuputol ang halik.

Inimulat ko ang aking mata ng maramdaman kong hinahaplos niya na ang braso ko, kakaiba ang dating saakin kaya inihinto ko ang paghalik ko sakanya. "Cause, I love you " wika ko kahit magkadikit parin ang mga labi namin.

"I need to go, take care my queen" sabi ko sakanya gamit ang aking isipan at mabilis na nag teleport papuntang mansion.

Napahawak ako sa dibdib ko ng makalayo na ako sakanya.

'F*ck bakit tumibok ang puso ko'

This Vampire Is In Love With Me Where stories live. Discover now