Chapter 9

1.7K 85 3
                                    

Jane's  POV

*Flashback*

Dugo..

Dito nag-umpisa ang delubyo dahil sa namuong labanan ng mga demonyo at bampira, dahil dito ay maraming nasaktan at ang ilan ay nawalan ng buhay.

Kitang-kita ko sa aking isipan kung paano makipaglaban ang isang makisig at matikas ang pangangatawan ng isang lalaki upang maipagtanggol ang isang babaeng sanggol at ang magandang ina nito.

Natuklasan ko kung pano sila nahirapan para mawalay sa isat-isa upang mailayo ang babaeng sanggol. Kahit labag sa loob ng babae na iwanan ang lalaki ay kinaya niya itoh, dinala niya ang sanggol sa mundo kung saan nakatira ang kanyang kapatid at iniwan ang sanggol dito. Kasunod 'non ang ibat-iba pang larawan na pumapasok sa aking isipan.

Inimulat ko ang aking mata at naramdamang naging kulay asul na itoh. Deretso akong tumingin sa bampirang may hawak na patalim at handa ng saksakin si Jay.

Bago niya magawa 'itoh ay mabilis kong inagaw sakanya ang patalim at isinaksak 'itoh sa kanyang dibdib.

Hindi ko alam kung saan nang gagaling ang aking lakas at taglay ng galing sa pakikipag laban. Para bang matagal ko na itong gamay.

Pinagpatuloy ko ang aking pakikipag-laban sa mga bampirang patuloy na sumusugod saakin, hanggang sa sabay sabay na silang sumugod sakin kaya naman ay yumuko ako at sinuntok ang sahig para magdulot itoh malakas na pagkasabog at sabay sabay silang tumalsik papalayo.

Hindi ko alam kung bakit at pano nangyari na ang kaninang nanghihina 'kong sarili ay nawala nalang ng parang bula at sa isang idlap ay nalaman ko na talaga ang mga kasagutan sa aking isipan na matagal ng bumabagabag saakin.

Habang naglalakad ako papalapit kay Jay ay hindi ko maiwasang mamangha dahil ngayon alam ko na kung bakit kakaiba ang kanyang mga ikinikilos, isa siyang bampira. Prinsipe ng mga bampira.

This Vampire Is In Love With Me Where stories live. Discover now