Someone's POV
"Handa na ba ang lahat?" Tanong ko sa mga tauhan ko
"Yes boss. Nakahanda na po" sagot ng isa kong tauhan
"Siguraduhin niyong wag kayong papalpak" ma awtoridad kong sabi.
"Yes boss" usal nila sabay yuko at mabilis na nagsialisan sa harap ko
Hintayin niyo ang magarbong sorpresa ko sainyo at sisiguraduhin kong masosorpresa kayo sa regalo Ko - Tan.
Jane's POV
Tuesday na ngayon at ngayon na ang debut ni Gwen. Nandito ako ngayon sa mansyon nila at naka alalay kay Gwen habang inaayusan siya ng dalawang babae. Ang isa ay taga make-up niya at ang isa naman ay taga ayos ng buhok niya.
"Pwede niyo na suotin ang gown" sabi ng nag mamake up kay Gwen ng matapos niya na itong ayusan.
Medyo nahirapan pa kaming isuot itoh kay Gwen dahil sa laki nito at mabigat . Nang matapos ay ako na ang nagsuot sakanya ng sandal na kaparehong kulay ng kanyang gown.
"Yiieee. Tapos na!" Nakangiting bungan ni Gwen habang nakaharap sa salamin para makita ang sarili.
Lumabas na muna ako ng silid at pumunta sa kanilang kusina para uminom ng tubig. Nang mabuksan ko na ang refrigerator ay tumambad sakin ang napakaraming tomato juice
Tomato juice?
Kukua sana ako ng isa ng may humawak sa kamay ko. "What are you doing here?" Nagtatakang tanong ni Jay. Malamang iinom ng tubig. Shunga! Sabi ko saaking isipan.
Jay's POV
Pagkatapos ko suotin ang suit ko ay lumabas na ako saaking silid para pumunta sa kusina. I badly need a drink. Hindi ako nakainom ng dugo kahapon dahil inayos pa namin ang kulang sa debut ng kapatid ko. Saktong nakita ko si Jane na naka harap sa refrigerator.
What is she doing here?
Nagmadali akong lumapit sakanya ng akmang hahawakan niya ang tomato juice na kung saan dugo ang laman. Hindi niya pwedeng malaman na bampira kami! Hindi pa ito ang tamang oras.
"What are you doing here?" kunot noo 'kong tanong sakanya
Malamang iinom ng tubig. Shunga! Rinig kong sabi niya sa kanyang isipan kaya hindi ko maiwasang ma inis.
"What did you say?" may bahid ng inis sa tono ko
Ha! May sinabi ba ako at galit na siya agad? PSH. Shunga talaga amp! Sabi niya na naman sa isipan niya.
Tss. Nakalimutan ko nga palang hindi niya alam na nakakabasa ako ng isipan. Medyo huminahon ako at sinubukang wag mainis sakanya
"Iinom sana ako ng tubig, kaso mukhang tomato juice lang ang meron sainyo." mahinahong sagot niya at batid 'kong nag sasabi siya ng totoo.
Lumapit ako sa refrigerator at kinuha ang isang mogu-mogu at inabot sakanya. "Here, inomin mo muna. 'Yan lang meron kami" paliwanag ko kanya. Pinanood ko siya buksan ito at inumin. Iniiwas ko agad ang aking paningin ng mapa tingin ako sa leeg niya dahil gumagalaw ito dahil sa pag-inom niya. Kailan ko ng uminom ng dugo.
