Chapter 13

1.1K 49 24
                                    


Jane's POV

Days pass ay ganon parin ang nangyayari. Everyday ay hatid sundo ako ni Drake at Gwen sa bahay hanggang Vlademon. Kaya araw-araw ko rin naririnig ang bangayan nilang dalawa.

Dumeretso ako sa library at duon magpalipas ng oras since vacant kami ngayon.

Lumapit ako sa isang shelve kung saan nakalagay lahat tungkol sa vampires at demons. Kumuha ako ng tatlong libro at humanap ng table na pwedeng basahan nito.

Habang binabasa ko ito ay may nararamdaman akong nakatingin sakin kung saan.

Lumingon ako sa paligid at napansing ang librarian at mangilan ngilan estudyante na lang ang nasa library.

"Mythical Creatures"

Does a vampire really do exist?...

Is a demon, witches, or wolves even real?...

Matapos kong magbasa ay niligpit kona ang mga libro at ibinalik sa shelve. Nang maibalik kona ang libro ay napatingin ako sa tabi ko nang may mahulog na libro sa kabilang shelve. Pinulot ko ito at ibabalik na sa shelve ngunit natulala ako sa pahina nito at nakita ang isang larawan ng babae.

Anne. Yan ang pangalan ng babae na nasa larawan, ngunit kung pag mamasdan mo ito ay hawig na hawig ko ang mukha. Tiningnan ko pa ang ibang pahina at nakitang may larawan din ito kasama si Jay.

Kung pagmamasdan ang larawan ay masayang masaya sila sa isa't-isa. Maging si Gwen at ang dalawang kabilang din sa demon princes ay kasama nito sa ibang larawan.

Benalewala ko ito at pumunta sa room. Bumungad agad saakin si Jay nang nakangiti. Deretso lang akong pumunta sa upuan ko at itinuon ang atensyon sa guro.

Dapat ay matuwa ako ngayon dahil nandito na si Jay matapos niyang hindi pumasok ng ilang araw pero dahil sa larawan na nakita ko kanina ay nawalaan ata ako ng gana.

"Pwede ba kitang tanungin?" usal ko kay Jay ng papalabas na sana siya sa room.

"Na miss moko no" nakangising sabi niya

Psh. Assuming amporkchop!

"Ewan ko sayo. Tabi nga jan uuwi nlng ako" naglakad nako papunta sa room ni gwen at saktong kakalabas lang nito sa room nila.

Tumambay muna kami sa student plaza dahil maaga pa naman para umuwi. Simula ng malaman kong isa akong demon at kumalat ang larawan namin ni Jay ay walang ibang pumapansin sakin kundi si Gwen.

"Ang lalim ata ng iniisip mo. Tungkol san bayan" wika niya saakin

Kahit palabiro minsan si Gwen ay masasandalan ko ito sa problema.

Pinakita ko sakanya ang larawan ni Anne kasama si Jay.

"Nakita ko yan kanina sa library. Mukhang ang saya saya nila sa isa't-isa" wika ko

Ilang sandali bago magsalita si Gwen. Halatang hindi niya alam ang sasabihin.

"May sakit si kuya Jay. Hindi namin alam kung anong gagawin namin sakanya dahil maging siya ay suko narin sa sarili niya. Until one day dumating si Anne. Dahil dito ay hindi kami nawalan ng pag-asa. Araw-araw niyang sinasamahan si kuya masigurado lang ang kalagayan nito."

"Hanggang sa dumating ang kaarawan ni kuya. Ang saya saya namin nung time nayon. Maraming bisita ang dumalo. Hinintay namin matapos ang party pero hindi dumating si Anne. Hanggang sa may phone call na natanggap si kuya. Galing ito sa mama ni Anne. Humahagulgol ito sa kabilang linya at sinabing patay na si Anne"

"Simula nung mamatay si Anne ay nagbago na si kuya. Yan din ang dahilan kung bakit umalis siya  sa Vlademon" wika ni Gwen

Tumango na lang ako at pilit na ngumiti

"Mag gagabi narin. Mabuti pa umuwi na tayo" pag-iiba ko

Habang nasa byahe pauwi ay hindi ko maiwasang alalahanin ang sinabi ni Gwen kanina.

May sakit si Jay? Ngunit anong klase ito? Bakit hindi na lang nila pagamutin

Pinagmasdan ko ang itim na bell na nakasabit sa aking kwarto. Mariin akong pumikit at kinagat ang aking labi. Hindi ko alam kung gagana ba ang itim na bell na ibinigay saakin ang ginang pero susubukan ko.

———-

"Jane nasan kana ba? Ilang oras na lang matatapos na ang laro" wika ni Gwen sa kabilang linya

"Papunta na! Hintayin mo ko" dali dali kong kinuha ang bag ko at lumabas ng bahay. Binalewala ko muna ang magulong buhok at sumakay ng tricycle

Intrams day namin ngayon at plano namin manuod ni Gwen ng basketball. Tuwang tuwa si Gwen dahil kabilang si Christian sa maglalaro. Napaisip tuloy ako kung kabilang din si Jay. Hmm

Nang makarating ako sa court ay nakabusangot na si Gwen. 4th quarter na at lamang ng anim na puntos ang team ni drake. Drake? Wait, magkaibang team sila ni Christian.

Agad ko namang hinanap si Jay ngunit nakaupo lang ito sa gilid habang nanunuod. Oo nga pala may sakit siya. Kaya hindi siya pwedeng mapagod.

Hindi ko namalayang matagal kona palang tinututukan si Jay. Nang mapansin kong tumingin ito sa gawi ko ay umiwas ako ng tingin.

Natapos ang laban at ang team ni Drake ang panalo. Dalawang puntos ang lamang nila sa grupo ni Christian. Bumaba na kami para salubungin sila.

"Nasan na si Christian? Nako naman oh" pag mamaktol ni Gwen

"Hi baby" rinig kong sabi ni Drake kay Gwen ng makalapit ito saamin

"Baby mo mukha mo!" so ayun nga nagsimula na naman sila

"Hindi mo man lang ba ako babatiin?nanalo kami oh" pagyayabang ni drake

"Naka chamba lang kayo" sabay make face ni Gwen

Binalewala ko sila at kinuha ang suklay sa bag ko. Tangina hindi pa pala ako nagsusuklay.

Luh, ba't nandito sa bag ko itong itim na bell?

Kinuha ko ito at pinagmasdan ng tumunog ito. Napahinto ako. Pinagmasdan ko ang taong nasa unahan ko habang hawak ang itim na bell na tumutunog.











"Jay" ang tanging nasabi ko habang nakatingin sakanya.



———-
Author: I'm very sorry po kung ngayon lang ako naka ud :(( Super dami lng ng problem kaya napabayaan kona huhu . Hope you like it :>>

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

This Vampire Is In Love With Me Where stories live. Discover now