Chapter 11 (Feelings)

1.7K 49 6
                                    

Jane's POV

I find my self  laying on the floor, surrounded by roses , with blood. Sinubukan kong bumangon sa pagkaka higa ngunit panghihina ang aking nararamdaman ngayon. Lubos na panghihina.




"Jane"  tawag saakin ng isang lalaki. Hindi ko lubos makita ang kanyang mukha dahil nasa dilim siya. Braso niya lang na may nakaukit na rosas ang nakikita ko. Pero ng unti-unti na siyang maglakad papalapit saakin ay natigilan ako...




D*mn. Bakit parang may nararamdaman akong gusto ko siyang patayin!





Gusto kong butasin ang katawan niya at tanggalan siya ng puso!




But what the f*ck , why did I f*cking say that words!




"J-jay"  as I say his name, I find my self  turning into demon.




Ba't ngayon pa!! D*mn I have to control my self.





"J-jay can you please l-leave me  alone right n-now"  nahihirapan narin ako habang binibigkas ko ang salitang iyan sakanya.





Yumuko ako para hindi niya makita ang pag iiba ng kulay ng mata ko. Humahaba narin ang mga kuko ko na ngayo'y nakabaon na sa  sahig. 





"Are you sure? You look pale "  nag aalalang wika niya sakin habang  yumuyuko para magkapantay kami.





"Don't come near me , s-stop "  umiiba na ang tinig ng boses ko nang  pakiusapan ko siya.





"No, hindi kita iiwan nang mag isa"  Sh*t  I can't take this anymore.  Agad akong umangat ng pag kakatingin sakanya at mabilis na hinawakan ang leeg niya at itinaas sa ere.




"DIE!"  huling sinabi ko bago.




Habol habol ko ang aking hininga nang magising ako, it feel so real. A nightmare. Pero bakit ganon ang napanaginipan ko. Ginawa ko ba talaga iyon?

Hindi ko yata masisikmuraan ang sarili kong ganon ang gawin kay Jay.

Alam ko sa sarili ko na totoo itong nararamdaman ko para sakanya. Mahal ko na si Jay.

Tama. Mahal ko si Jay kaya naman iposlibleng magkatotoo ang bangungot kong iyon.

Nandito ako ngayon sa may playground, hindi kalayuan saamin. Kailangan kong libangin ang sarili ko, sa tingin ko kasi kaya ako binabangunot nitong mga nakaraan dahil babad ako kaka aral. Kaya wala na akong time sa sarili ko. Hays

Umupo ako sa may swing at dinuyan ang sarili ko. Kahit papano'y na rerelax ako. How I wish na sana ganito na lang ako palagi. Yung malaya kang gawin ang kahit na anong gusto mo. Pero hindi eh, dahil isa akong immortal.

I'm destined to be like this

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata, nang salubungin ko ang malakas na simoy ng hangin nang may lumapit saakin na ginang.

"Iha, bumili ka naman nitong paninda ko. Magaganda ang mga iyan." Wika niya sakin nang nakangiti.

Tumingin ako sa mga panindang dala niya.
Dreamcather,bracelets,necklaces,rings,key chain,potions.

Weird...

"Isa rin akong immortal, kaya ganyan ang mga paninda ko." Nakangiti parin ang ginang sakin hanggang ngayon.

Bumuka ng kaunti ang bibig ko dahil sa pagkamangha.

"Pano niyo ho nalaman na isa 'rin akong immortal?" Tanong ko sa ginang habang sinusuri isa-isa ang mga paninda.

"Isa sa mga kakayahan nating mga immortal ay ang madetect ang kapwa natin. Kusa natin itong nararamdaman" kaya naman pala may kakaiba akong nararamdaman sakanya dahil immortal rin siya.

Agad napako ang tingin ko sa kulay itim na bell. Hindi ko alam kung bakit pero napa ngiti ako nang makita ko ito.

"Magkano ho ang isang to'?" Turo ko 'dun sa itim na bell. Hahawakan ko na sana ito ng pigilan ako ng ginang.

"Delikado ang isang iyan iha, hindi ko ito pinapaninda" sabi ng ginang. Kung kanina ay nakangiti siya saakin, ngayo'y napalitan na ito ng takot at kaba

Hay, sayang naman. Paborito ko pa naman ang black. *pout*

"Kung gusto mo, ito na lang red bell ang bilhin mo iha. Kapag hawak mo ang isang 'to at tumunog ito ay ibig sabihin nahanap mo na ang iyong makakapareha" Nakangiti na ulit siya ng sabihin niya 'yon.

Srsly, is that even possible?!

Psh. Sa panahon ngayon ewan ko lang kung may maniwala pa sa mga ganyan. Pero may parte rin kase sakin na gustong maniwala sa sinabi ng ginang at bilhin ang bell.

Biglang pumasok sa isip ko si Jay. Kapag ba nakita ko na siya ulit at hawak ko itong bell ay tutunog kaya ito?

Aish! Bakit ba ganyan ang mga pinag-iisip ko.

"How much is that one?" Tanong ko sa ginang

"Nako libre na lang para sayo, tutal mukhang napahaba atah ang usapan natin dahil ang daldal ko" natatawang wika niya sakin.

"Seryoso 'ho ba kayo dyan. Nakakahiya naman po sainyo kung bibilhin ko itong walang bayad" hindi ko talaga inaasahan na ibibigay niya sakin itong bell nang libre na lang.

"Baka malugi 'ho kayo niyan" nakayukong wika ko sa ginang

"Ano kaba, ayos na ayos lang. Tska mabait ka naman dahil nakichika ka rin sakin" sabi niya sabay lahad ng bell sa palad ko.

Agad kong nilagay ang bell sa sling bag na dala ko. "Salama---" hindi kona natapos ang sasabihin ko ng makitang wala na ang ginang sa harapan ko.

Nako, kung ako talaga isang ordinaryong tao lang tapos biglang susulpot ang ginang na yon tapos mawawala ng parang bula, mapagkakamalan ko talaga na multo 'yun.

Nang mapansin kong mag gagabi na at wala ng masyadong tao dito sa park ay napagpasyahan ko nang umuwi na bahay.

Tumalon ako papahiga sa aking kama ng makarating ako sa bahay namin. Tumabingi ang ulo ko nang mahulog ang sling bag ko sa sahig. Dahilan para mahulog ang ilan sa mga nasa loob nito.

Bumangon ako sa pagkakahiga at dinampot ang mga nahulog na gamit ko. Pero ng makita ko ang bell ay kumunot ang noo ko

Ano toh?!



Itim na bell..

This Vampire Is In Love With Me Where stories live. Discover now