Jane's POV
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon Janna" sabi ng lalaki na karga karga ang babaeng sanggol habang kausap ang magandang Babae
"Para saakin ay ito na ang pinaka masayang araw na nangyari sa tanang buhay ko. Dahil kasama ko ang pamilya ko" bakas ang tuwang sabi ng magangdang babae sa lalaking hawak ang sanggol
"Wala akong pakialam kung siya ang itinakda. Hanga't nabubuhay pa ako ay hindi ko hahayaang may mangyang masama sainyong mag-ina ko" bungad ng lalaki sabay halik sa noo ng sanggol at ng magandang babae
"Anak gising"
Unti-unti kong binuksan ang talukipan ng mata ko at tumingin kay Nanay Rose.
"Kanina pa kita tinatawag sa baba para mag almusal. Mukhang napahaba ang tulog mo" bungad nito saakin
"Tinapos ko po kasi yung homework ko para hindi na ako ma mroblema pag sapit ng linggo kaya kulang ho ang tulog ko" bungad ko kay nanay at dumeretso ng banyo
"Maliligo na muna ho ako"
"Cgeh at ipaghahanda ko na rin ang makakain mo sa baba"
Sinarado ko na ang pinto ng banyo at nag simulang hubarin ang suot kong damit. Nang matapos ko itong gawin ay hinayaan ko ng dumaloy ang tubig sa katawan ko na nagmumula sa shower
Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Simula nung araw na sabihin ni Jay ang mga katagang iyon ay hindi na ako mapakali at palagi ng balisa. Kung minsan naman ay tahimik at matamlay.
"But don't worry dahil unti-unti nang masasagot ang mga tanong sa isipan mo.."
Naguguluhan ako. Naguguluhan ako sa lahat. Palagay ko ay pati ang sarili ko ay hindi ko pa lubos na kilala dahil sa mga naka palibot saakin.
Sana nga ay magkatotoo ang sinabi niya na unti-unti ng masagot ang mga katanungan sa isipan ko.
Napapadalas na rin ang mga kakaibang panaginip ko. Batid kong may ipinapahiwatig ito ngunit hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit ko ito napapanaginipan.
Nang matapos ko maligo ay lumabas na ako at dumeretso sa cabinet para pumili ng damit na susuotin ko. Sa tuesday na kasi ang debut ni Gwen at sasamahan ko siya ngayon sa designer ng gown na susuotin niya.
Pagkatapos ko mag bihis ay humarap pa ako sa salamit para tingnan kung bagay saakin ang damit pero napako ang mata ko sa kwintas na suot ko. Simula bata ay suot ko na ito at hindi inaalis ni nanay Rose sa leeg ko.
Mm. Hindi naman siguro masama kung hindi ko ito susuotin kahit ngayon lang.