Jane's POV
"How is she?"
"She's still a sleep"
"Three days na siyang walang malay kuya"
"I know, and it's my fault"
"Hindi mo naman sinasadya eh"
"But I hurt her"
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata ng marinig ang bulungan. "G-gwen?" Tawag ko sakanya ng makita ko siya
"Ghad! Jane pinag-alala mo ko" sabi niya sabay yakap sakin
Tumingin ako sa gilid niya at nakita ko si Jay. Inilobot ko ang aking paningin. Hindi ito ang kwarto ko.
"N-nasan ako?" Tanong ko sakanya
"Nasa kwarta kita. Dinala ka dito ni kuya Jay kasi nahimatay ka daw sa hallway" sagot ni Gwen sabay iwas ng tingin
Inalala ko naman ang nangyari pero hindi ko maalala. Ang tanda ko lang ay naglalakad ako sa hallway tapos nakasalubong ko si Jay and the rest hindi ko na alam.
"M-magpahinga ka muna dito bago u-umalis" nauutal sa sabi ni Jay habang nakatingin sakin
Pagkatapos ko magpahinga ay dito na 'rin ako nagtanghalian kila Gwen. Nakakahiya man pero wala akong magagawa dahil ang kulit nila. Ang weird nga ni Jay eh. Kapag nagkakatinginan kami ay iiwas agad siya.
Nagpaalam na ako sakanila at dumeretso sa bahay namin. "Nay" tawag ko kay nanay ng makarating ako sa bahay pero walang sumagot.
Hmm. Siguro may pinuntahan lang 'yun. Sabi ko saaking isipan.
Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ng uniform. Kailangan kong pumasok eh.
Habang nagsusuklay ako ng buhok ay may napansin ako sa leeg ko. Ano toh!?
Dalawang tuldok!?
Saan ko naman toh nakuha? Mas inilapit ko ang sarili ko sa salamin at tiningnan ng maigi ang dalawang tuldok.
Unti-unti itong nawawala
Binalewala ko na lang 'yun dahil baka kagat lang ng lamok.
Habang naglalakad ako sa hallway papuntang room namin ay hindi ko maiwasang weirdohan sa mga ikinikilos ng mga studyante.
Ganyang ba talaga sila kumilos at tumingin sa lahat or saakin lamang?
Nang daanan ko ang music room ay may narinig akong kumakanta. Kaya naman ay pumasok ako at umupo sa may pinakadulo para hindi ako mapansin ng kumakanta.
"~You by the light...is the greatest find..in the world full of wrong..you're the thing that is right..finally made it...through the lonely....to the other side~"
Habang kumakanta siya ay hindi ko maiwasang humangga dahil sa ganda ng kanyang boses. Para akong lumulutang
"~You said it again...my heart's in motion..every word feels like a shooting star....I'm at the adge..of my emotions...watching the shadows burning in the dark~"