Third person's POV
Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng bampira at demonyo ay nakahilata naman sa malaking higaan ang limang gulang na anak ng Hari at Reyna ng mga bampira na nanghihina.
"Kapag hindi siya nakainom ng dugo ng itinakda ay unti-unti siyang manghihina hanggang sa mawalan siya ng buhay" sabi ng witch sa mahal na Reyna na umiiyak dahil sa takot na mawala ang kanyang anal
"Gawin niyo ang lahat! Lusubin niyo ang kaharian ng mga demonyo para makuha ang itinakda" galit na saad ng Reyna sa mahal na Hari at ang kanilang nasasakupan
Sinubukan nilang painumin ng dugo na galing sa mahal na Hari at Reyna ang bata ngunit hindi parin ito sapat para gumaling ang kanilang anak.
Hindi nagtagal ay dumating na ang mahal na hari na dala si dyosang Janna. Ang asawa si Matt Demon. Nanghihina ito at maraming sugat sa katawan. Malamang ay nakuha niya ito dahil sa pakikipag laban.
"Hindi namin mahanap ang itinakda, pero dala ko ang reyna ng mga dyosa" saad ng mahal na hari sa asawa
"Maaari nating painumin sa mahal na Principe ang dugo ni dyosang Janna para kahit papano ay mabawasan ang kanyang panghihina" sabi ng witch sa mahal na Hari at Reyna
Hinawakan ng dalawang kawal si dyosang Janna at dinala ito sa isang silid. Dahil sa panghihina ni dyosang Janna ay wala siyang nagawa ng kuhaan siya ng dugo ng babaeng bampira at pinainom ito sa batang Principe na nanghihina parin hanggang ngayon
*-*
Jane's POV
Nagising na lang ako na nakahiga sa aking malambot na Kama. Pano ako napunta dito?Ang tanda ko lang naman ay buong araw lang ako nakatunganga habang nagleleksyon si Sir Allan samin at kklase na namin si Jay Vlad