Chapter 4

2K 63 1
                                    

Third person's POV

Dahil sa naganap na digmaan sa pagitan ng mga bampira at demonyo ay napagkasunduan ng mga namamahala sa demonyo at bampira na magpatayo ng isang paaralan kung saan mga demonyo at mga bampira lamang ang maaaring mag-aral.

Maraming tumutol dito ngunit kalaunan ay pumayag na sila dahil ayaw na nila ng ma dugong labanan

'Vlademon University'

'Yan ang paaralan ng mga bampira at demonyo. Ang unibersidad na ito ay nasa mundo ng mga tao kaya ang mga kalahating tao at bampira, kalahating tao at demonyo ay dito 'rin nag-aaral. Ito ay isang unibersidad kung saan hindi magagamit ng bawat studyante ang kanilang mga kapangyarihan dahil control itoh ang unibersidad. Depende na lang kung isa ka sa namamahala or Vlademon Officers kung tawagin ay maaari mong gamitin ang ilan sa iyong mga kapangyarihan gaya na lang ng teleportation. At dahil kontrolado ng unibersidad ang mga kapangyarihan ng mga studyante ay nararanasan nilang mamuhay ng isang normal na tao.

*-*

Jay's POV ( POV niya po itoh simula sa simula )

*immortal world*

Nandito ako ngayon sa may mini bar sa palasyo kasama ang dalawang ugok.

"Kailan ba tayo babalik sa Vlademon. Nabubulok lang ang utak ko dito eh" reklamo ni Drake

"Ulol. Eh matagal ng bulok yang utak mong walang laman" Banat sakanya ni Christian

"Mamaya babalik na tayo" anunsyo ko sa dalawang ugok

Tama naman kasi sila. Wala kaming ibang gimawa dito sa palasyo kundi mag mukmok. Siguro 2 or 3 years na kami dito sa palasyo na nagmumukmok. Si Ina kasi palagi akong pinapabantayan dahil daw sa kalagayan ko. Tsk.

Dumeretso na kami sa likod ng palasyo at lumapit sa lumang puno. Itoh kasi ang lagusan papuntang mundo ng mga tao.

Naunang pumasok si Drake sunod naman si Christian at ako sa puno.

Minulat ko na ang mata ko at tumingin sa paligid. Pinagmasdan ko ang mga tao na nasa paligid at ang mga sasakyan na nasa kalsada. Nasa mundo na kami ng mga tao

Nag teleport ako papunta sa mansion namin dito kaya sinundan naman agad ako ng dalawang ugok.

"Where are you?" Kausap ko sa kapatid kong si Gwen gamit ang aming isipan.

"Nasa Vlademon. Bakit ba?" Sagot niya

"Nandito na kami sa mundo ng mga tao. Kasama ko si Drake at Christian" sagot ko sakanya na ikinabigla niya

This Vampire Is In Love With Me Where stories live. Discover now