Sky's POV
Nagulat ako sa sinabi ni Fire na nandun daw ang mga kaibigan namin? Seryoso?! Matagal naming gustong buwagin ang grupo at ayaw na naming bumalik doon dahil sa nawala ang isang mahal naming kaibigan. At ayaw na ulit mau-ulit yon.
Yun yung dahilan kung bakit kami na-transfer sa Ballesteros University dahil nag aaral sa Ballys yung mga kalaban namin na grupo doon. Walang nakaka-kilalang gangster kami dahil pag kami'y umaatake naka mask kami para di kami makilala nito pag nasa labas kami.
Dali dali akong nag bihis at ganun narin si Fire. Kinakabahan ako dahil baka mabuo na naman ang Foncé Mafia, kung saan ang leader nito noon ay ang mommy ni Fire pero namatay ito dahil sa bakbakan. At si Fire ang susunod na mamamahala nito. Ilang ulit na pilit binubuwag ni Fire ang grupo pero mas rumarami na ang sumasali rito.
Mabilis kaming lumabas ni Fire at nag-tungo sa Hideout ng grupo. Kinakabahan ako sa mga mangyayari.
Nakarating kami nang maayos sa harapan ng hideout. Palinga linga muna kami ni Fire bago pumasok sa masikip na eskinita. Walang nag tatangkan pumasok dahil sa sobrang kasikipan nito.
Agad pinindot ang code na naka konekta sa kaniyang cellphone, sa tulong ito ng teknolohiya.
Agad bumukas ang eskenita, na kasiya ang isang motor, kaya motor ang binili sa amin ni Tita Fillesie para madaling ipasok ang motor kesa sa kotse.
Nakapasok kami sa loob at agad din sinarado ni Fire ang eskenita.
Totoo nga na nandito sila.
Bago kami pumasok ay inenter muna namin ang code namen.
Ilang ulit na pindot namin ni Fire pero ayaw bumukas ang pinto. Nawalan kami agad ng pasensiya at agad kong tinawagan si Tobee.
[Hello Skyyyyy] masayang bati nito.
"Gago. Ayaw bumukas ng pinto!"
[Huh? Edi i enter niyo code name niyo!]
"Bwiset ayaw nga gumana!"
[Ahahahahaha, oo nga pala. Pinalitan ko yung code name niyo dahil kayo ang mamumuno ri----]
Inagaw sa akin ni Fire ang telepono at mukhang inis na inis na talaga.
"Anong pinalit mo!?"
[Easy lang Queen, mainit aga----]
"Huwag mo akong tawaging Queen. Sayang oras namen! Sabihin mo na!"
[Yung sayo, QUEEN. Yung kay Sky, PRNCSS] huwat?! Anong PRNCSS? PORNCESS? PORNO PRINCESS?! GAGO YUN AH!
Nainis naman si Fire dahil sa sinabi ni Tobee.
Pagbukas ng pinto agad sumalubong sa amin ni Fire ang mga namumugtong mata nila. Nadito sila maliban kina Angelika at Bohn. Mukhang nagulat sila sahil sa nakita kame.
Siguro nasa kuarto pa si Tobee kaya wala siya dito sa sala.
Umupo ako at nanatiling naka-tayo si Fire at kunot ang noo.
"A-anong ginagawa niyo rito?" takang tanong ni Ian.
"Kayo ang dapat kong tinatanong. Anong ginagawa niyo dito?" Mahinahong tanong nito.
Walang sumagot at ayun sumulpot na sina Tobee at Yno.
"Hello, fellas!" Masayang tugon ni Yno kaya inirapan ko nalang siya.
"Tobee! Anong ginagawa nila dito!?" Matigas na tugon ni Fire.
Tumawa naman silang dalawa. "Bakit 'di mo sila tanongin isa-isa Queen?" Sarkastikong tugon ni Tobee.

YOU ARE READING
The Dauntless Mafia Queen
Genç KurguTrying to escape my hell reality. But reality hunts me. I can't runaway. They are chasing me. Because I'm the next Mafia Queen.