Ang mga diwata ay may taglay na kapangyarihan ayon sa kanilang hawak na elemento, kaya nitong kontrolin ang mga bagay sa paligid base sa kapangyarihan iniatang sa kanila.
Sa isang parte ng kagubatan ng Palawan, makikitang masayang nagliliparan ang iba't ibang uri ng ibon at masiglang naglalaro ang mga hayop.
Sa isang dako nito, sa bandang silangan, maririnig naman ang mga naggagandahang himig na masayang umaawit. Mga tinig na nakakaantig ng damdamin at nagpapakalma ng kalooban. Ang tinig na ito ay nagmumula sa mga diwatang abalang nakikipaglaro sa mga hayop at masayang kinakantahan ang mga bulaklak.
Malamig ang ihip ng hangin sa kapaligiran at kay sarap pagmasdan ang agos ng tubig sa batis. Sa isang puno, makikita ang isang diwata na nakatanaw sa malayo, punong puno ng kalungkutan sa kanyang mga mata at madalas napapabuntong hininga kasabay na umaagos sa kanyang pisngi ang mga luha ng dalamhati. Ang katawan nito'y nababalot ng mga dahon na nagsisilbing kanyang kasuotan.
"Halmin! Halmin, nasan ka?" tawag ng isang diwata na may bibit na maliit na Usa.
(Halmin ang diwata ng mga halaman at puno, kulay berde ang kanyang mga mata, may mahabang buhok na napapalibutan ng mga maliliit na sanga ng kahoy na nagsisilbing tali nito, maputi ang kanyang balat at medyo may katabaan ang kanyang pangangatawan.)
"Andito ako Hanahay, sa may puno malapit sa batis!" sabay punas sa mga luha sa kanyang pisngi.
(Si Hanahay ang diwata ng mga hayop, bilugan ang kanyang mga mata na kulay asul, kayumanggi ang kulay ng balat, balingkinitan ang pangangatawan at kulay itim ang kanyang buhok na hanggang bewang.)
Masiglang naglalakad si Hanahay papalapit sa lugar kung saan nakaupo si Halmin.
"Anong pakay mo? Bakit mo ako hinahanap?" tanong ni Halmin
"Wala naman, nais ko lang makipaglaro sa iyo!"
"Ano ka ba Hanahay, hindi na tayo mga bata" painis na tugon ni Halmin
"Bakit Halmin, bata lang ba ang pwedeng maglaro? Lagi ka nalang ganyan, nag iisa at nag iisip ng malalim. Ano ba kasi gumugulo sa isip mo?" pagtatanong ni Hanahay kay Halmin.
Nabalot ng katahimikan ang paligid. Hindi kumibo si Halmin at maya maya'y nagbuntong hininga muli habang si Hanahay ay nakatitig lamang sa kanya at naghihintay ng sagot sa kanyang katanungan.
"Hayan ka nanaman, ayaw mo man lang magbahagi ng iyong iniisip. Kaibigan mo ako Halmin, walang solusyon sa kung ano man ang bumabagabag sa isip mo kung hindi mo susubukang sabihin yan sa akin bilang kaibigan mo, marahil ay wala akong maitutulong dyan sa problema mo pero ang alam ko mapapagaan ang iyong kalooban kung ibabahagi mo yan sa akin." Sandaling katahimikan. Hinawakan ni Hanahay ang balikat ng kanyang kaibigan.
"Subukan mo kayang magsabi sa akin para kahit papaano ay lumuwag ang iyong damdamin. Di ba ang magkaibigan ay nagdadamayan at nagtutulungan? Malay mo sa pagtutulungan natin ay makaisip tayo ng paraan upang solusyunan ang iyong problema" Sabay ngiti si Hanahay sa kanyang kaibigan.
Patayo na si Halmin sa kanyang pagkakaupo ng may marinig itong iyak ng isang sanggol na bata.
"Uha! Uha! Uha!..."
"Naririnig mo ba yun Hanahay?" tanong ni Halmin
"Ang alin" pagtatakang tanong ni Hanahay
Lumakad si Halmin papuntang batis, sinundan ang naririnig niyang iyak ng sanggol. Nakita niya ang isang bakol sa may bandang batuhan na may lamang sanggol na nakabalot ng puting tela at sa laylayan nito ay may nakaukit na araw na may letrang "BM".
BINABASA MO ANG
Diwatang de Kampanaryo
FantasyKaramihan sa mga tao ay hindi naniniwala sa mga Diwata, ayon sa iba, ito ay kathang isip lamang, ngunit hindi natin kontrolado kung ano man ang meron sa ating paligid. Malay mo, sya pala ay nasa tabi mo lang .... pwedeng kaibigan, kaaway o tindera s...