Santi’s POV
Dad you can’t do this to me! I can’t marry her! I can’t marry someone I even don’t know! I shouted at my dad. Kasi paano ba naman? ipapakasal niya daw ako sa anak ng bestfriend niya. Nandito ako ngayon sa office niya.
Easy son, hindi pa naman ako tapos eh. Let me explain. Yes, I want you to marry my best friends’ daughter BUT kung hindi talaga kayo mag click dalawa then maybe we could call off the wedding hindi naman natin pwede pilitin di ba? But for now mag-agree ka muna tungkol dito, trust me son at tsaka wala ka naman girlfriend so why don’t you just agree huh?. Pagkukumbinse sa akin ni dad.
May magagawa pa ba ako? At siyempre dahil alam niya na matagal na akong hindi nakikipag date at yung huli kong naging serious relationship was ages ago pa kaya yan na naman ginamit niya sa akin. Don’t get me wrong i’m not in a rush to have a girlfriend or a wife yet, for pete sake I’m only 26. Out of frustration I just sigh heavily and gave him my bitter smile.
Okay dad, sige payag na ako. But you promised that if it didn’t work wala na ako magagawa we will call off the wedding. Hay Santi! Santi! Santi! kanino mo ba namana yang kabaitan mo.
Sige tatawagan na lang kita kung kelan mo mamemeet si Sophia Cassandra. You’ll surely like her son. From a serious face biglang ang laki ng ngiti ni dad. Hay ngiting tagumpay na naman siya.
Sige po pero i’ll be gone for 3 months nagpaalam na po ako sa’yo that I want to rest, away from work and stress. I badly needed time to rest stress na stress na kasi ako sa kompanya namin. Kahit wala naman ako I know the company will still do well.
Sure son bye! Take a good rest at pagbalik mo usap tayo ulit.
SNAP! SNAP! SNAP! Hoy!!!!
Bigla akong natauhan sa pagdadaydream ko ng biglang bumungad sa akin ang mukha ni Kiko. Hay it’s been almost 2 months since that scenario pero parang hindi pa din nagsisink-in sa akin ang lahat. Dito ako tumuloy sa kanila matapos ng paguusap namin ni dad. May talyer kasi siya and being a fan of cars eh naisipan ko na dito makapag unwind at magisip isip. Tumutulong din ako sa pagmemekaniko dito sa talyer niya. Ang galing nga eh halos lahat tinatanong kung paano kami naging magbestfriends nitong si Kiko eh sobrang layo ng social status namin. Well hindi naman kasi ako kagaya ng ibang mayayaman hindi na marunong makipagkaibigan sa hindi nila kauri. I may be one of the richest and famous bachelors in town pero hindi naman ako matapobre.
Hoy! Santi tama na yang pagdadaydream mo sa itsura ng mapapangasawa mo sigurado ako maganda yun, sexy, maputi, makinis. Si tito pa magaling kaya yun pumili. Naks ikakasal na bestfriend ko best man ako ah!. Si Kiko talaga siya na lang kaya magpakasal mas excited pa sa akin eh.
Sira! Hindi ko iniisip yun noh! May option pa naman ako eh at alam mo yan. Nasabi ko naman kasi sa kanya lahat ng napagusapan namin ni dad.
Pero kung titignan mo Santi advantage din naman yan para sa’yo di ba? At least di ka na mahihirapan maghanap ng mapapangasawa mo. Hindi ko talaga alam paano ko to naging kaibigan, hindi naman kasi basta basta ang pagaasawa noh.
Ayoko muna yan pagusapan sige na balik na tayo sa trabaho. Iniwasan ko na lang siya at tumayo na baka kung saan pa mapunta, napakamausisa kasi nun kala mo ndi lalaki.
Sige sige pare mabuti pa nga. Bigla akong inakbayan.
Alam mo laki talaga ng pasasalamat ko sa’yo kasi mas lumakas tong talyer ko. Magkaroon ka ba naman ng sobrang gwapong bestfriend na laging shirtless at dagdag mo pang may grasa pa sa katawan na nagpaphot pa sa’yo lalo. Alam mo pare kung babae lang ako niligawan na kita. Ayiieee sasagutin mo ba ko tol?!. Minsan talag nagdududa na ako dito kay Kiko eh may pagkabading talaga. Tinanggal ko nga ung pagkaakbay niya at sinuntok siya sa braso.
BINABASA MO ANG
Bakit Ikaw Pa Ang Minahal (on-hold)
FanfictionHindi naman natin hawak ang tadhana. May mga taong nakatakda na nating makilalala at mahalin. Sabi nga nila people come and go. Hindi natin pwedeng piliin ang taong ating mamahalin, kasi kung pwede lang piliin sana naiwasan ko siyang makilala, sana...