at the office
Daisy, paki-check naman ‘to kung tama ang dates tapos paki bigay sa akin after. Thanks! sambit ni Pia sa kanyang sekretarya pagkatapos ng meeting nila.
yes ma’am Pia ako na po bahala. Siya nga po pala may bisita po kayo nasa loob na po siya. sagot ni Daisy kay Pia.
tumango lang si Pia at naglakad na papasok si Pia sa kanyang opisina habang abot tenga pa din ang ngiti.
Hey Princess! pambungad na bati ng ama kay Pia.
Hi dad! mwah! bati naman ni Pia sabay halik sa pisngi sa ama.
you look happy, what’s up? tanong ng ama habang umuupo sa sofa ng opisina ni Pia samantalang si Pia naman ay umupo din sa swivel chair niya.
Naaprubahan na kasi yung campaign ad ko eh, kaya sobrang saya ko noong una akala ko hindi nila magugustuhan, pero sa huli naging okay din. mahabang kwento ni Pia sa ama habang hindi pa din mawala ang ngiti niya, ito kasi ang talagang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang linggo.
Congratulations my Princess, ikaw lang ata walang tiwala sa sarili mo eh, ako I know you’ll made it. sagot ng ama.
alam niyo naman po na nag-aadjust pa ako eh pero medyo nasasanay na din ako. sagot ni Pia.
So maiba ako, bakit sobrang saya mo? I don’t think it’s just about the campaign ad, come on anak share mo na sa dad mo. makahulugang tanong ng ama habang pinagmamasdan mabuti ang anak. kitang kita niya ang kakaibang saya ng anak na ngayon niya lamang ulit nakita.
wala naman dad ganito lang talaga ako kapag may naaaccomplish ako lalo na pinaghirapan ko talaga. sagot ni Pia.
So hindi mo talaga sa akin ikukwento? okay maybe I should just ask HIM. pang-aasar ng ama at tumayo na, napatayo din naman si Pia sa gulat sa sinabi ng ama.
dad what do you mean? sinong “HIM” ang sinasabi mo? kabadong tanong ni Pia sa ama.
yung lalaki sa Fashion show? di ba? he looks decent and I like him. He makes you glowing and more beautiful kasi lagi ka nakangiti, which I haven’t seen from you for a couple of months till now. nakangiting wabi ng ama. nahiya naman bigla si Pia sa sinabi ng ama.
dad naman. palagi naman ako nakangiti ah. nakangusong sagot ni Pia.
hahaha I’m just joking, pero I’m happy that my Princess is back, so can you join your dad for lunch? pagiimbita ng ama kay Pia, napakamot naman ng ulo si Pia.
ah dad kasi I have plans already pwede next time na lang? promise babawi ako. pagsusumamo ni Pia sa ama.
so ngayon ayaw na ng Princess ko ako kasabay maglunch? kapag nakita ko talaga yun makakatikim na sa akin. pagbibiro ng ama. agad naman yumakap si Pia sa braso ng ama.
Dad kasi tinulungan niya ako sa campaign ad eh gusto ko lang mag-thank you sa kanya. paliwanag ni Pia sa ama.
I was just kidding. at hinalikan any anak sa noo. Have fun okay I have to go.
Bye dad! at hinalikan any ama sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Bakit Ikaw Pa Ang Minahal (on-hold)
Fiksi PenggemarHindi naman natin hawak ang tadhana. May mga taong nakatakda na nating makilalala at mahalin. Sabi nga nila people come and go. Hindi natin pwedeng piliin ang taong ating mamahalin, kasi kung pwede lang piliin sana naiwasan ko siyang makilala, sana...