Santi! pare dalian mo naman baka hindi tayo umabot. Sigaw ni Kiko sa labas ng pinto ng kwarto ni Santi.
Naka long sleeves siyang blue with white tie, dark blue maong pants, black coat, and comfy shoes. At handang handa ng dumalo sa ASF, inimbitahan din kasi siya ni Pia at gusto din kasi ni Santi na may kasama kaya wala siyang choice kung hindi samahan ito tutal wala naman din siyang lakad.
Oo ito na tapos na. Sambit ni Santi sabay bukas ng pinto. Bumungad sa kanya ang kaibigang pormal na pormal ang suot, tuck white long sleeves in black bow tie, black tuxedo, black pants, ang shining leather shoes. Typical Santi na kilala ng nakararami.
Pare hindi kaya over dress ka? Magmumukha lang akong bodyguard mo niyan eh. Pagbibiro ni Kiko habang patungo sila sa sasakyan.
Sira okay naman suot mo ah, nga pala ung pinabili ko nasaan na? Tanong ni Santi habang pasakay na sila sa kotse.
Ayan sa back seat oh, fresh bouquet of red roses yan ah binili ko pa yan kay Aling Trining. Pinaandar na niya din kaagad ang sasakyan.
Salamat! At humugot siya ng isang malalim na buntong hininga. Kinakabahan ako ngayon lang ako pupunta sa ganito, alam mo namang mailap ako sa ganitong okasyon, hindi ko lang talaga matanggihan si Pia. Kabado si Santi dahil hindi siya mahilig umattend sa ganitong events kasi ayaw niya ng atensyon, lalo na kung may press/media. He’s a private person ayaw niyang maraming nakakaalam ng bawat kilos niya kaya todo tanggi siya kapag may nagaaya sa kanya.
Huwag kang kabahan sabay tapik sa balikat ni Santi. Ang isipin mo kung paano mo ipapakilala ang sarili mo kay Pia, di ba ngayon mo sasabihin sa kanya kung sino ka talaga?!
Isa pa yun hindi ko naman talaga gustong itago kung sino ako sa kanya, tsaka wala naman pinagkaiba kung sinabi kong ako si Santi Madrigal, pangalan lang yun pero ako pa din naman to.
Tsk naloko na, maabutan pa tayo ng trapik oh. Sambit ni Kiko, si Santi naman ay tumingin sa relos. Alas otso na malapit na magsimula.
Samantala kakatapos lang interviewhin si Pia at Philip ng press at sinalubong naman sila ng mga magulang ni Pia.
Mom! Dad! Isa isang hinalikan at inakap ni Pia ang magulang.
Hi! po tito tita buti nakarating kayo? Nagbeso naman si Philip sa mga magulang ni Pia.
Siyempre naman, hindi kami pwede mawala ng tito Gilbert mo. We know how important this is to the both of you. At ngayon pa lang Congratulations mga anak you did a great job seeing a lot of people who is excited to see your designs as much as we do. Nakangiting sabi ng ina ni Pia.
Thanks mom.... Thanks tita..... sabi ni Pia at Philip.
Kinakabahan nga kami ni Philip eh sana walang aberyang mangyari. Kabadong sabi ni Pia.
I’m sure it will be a success Sophia. Sambit ng ama. And by the way you look very lovely tonight anak. Pahabol na sabi ng ama. Pia is wearing a light blue body fit, 3 inches above the knee dress with a revealing back that is covered by her wavy long hair, with light make up, and her favourite pumps.
At siyempre ang gwapo gwapo naman din talaga ni Philip noh. Sambit ng ina at umakbay pa kay Philip. He is wearing a black tuxedo, very formal hindi mo aakalaing bakla siya. Yes Philip may be gay but he still wore men’s clothes.
BINABASA MO ANG
Bakit Ikaw Pa Ang Minahal (on-hold)
FanfictionHindi naman natin hawak ang tadhana. May mga taong nakatakda na nating makilalala at mahalin. Sabi nga nila people come and go. Hindi natin pwedeng piliin ang taong ating mamahalin, kasi kung pwede lang piliin sana naiwasan ko siyang makilala, sana...