<Four> Confused Santi

95 2 1
                                    

Whaaat??? Biglang sigaw ni Vince sa akin kaya medyo napatingin ang ilang customers niya sa amin. Kaya tinakpan ko kagad yung bibig niya kung makapag react kasi OA talaga nito. Nandito na kami sa bar niya nakaupo at nagiinuman sinabi ko kasi na ikakasal na ako.

Vince will you shut up! At patapusin mo muna ako. Bulong ko sa kanya.

Pare sino ba naman kasi ang hindi magugulat last time I check SINGLE ka at wala ka naman girlfriend. Teka baka naman hindi ko alam meron pala? O baka naman. . .

Anong baka naman? nanlaki yung mata niya.

Pare NAKABUNTIS KA???? Tinakpan ko ulit ung bibig niya grabe talaga.

Vince pwede ba? Una oo single talaga ako, wala din akong girlfriend at HIGIT sa lahat HINDI ako NAKABUNTIS! Iritableng bulong ko sa kanya.

Yun naman pala eh. Eh ano yang sinasabi mong kasal? Alangan namang pakasalan mo sarili mo dib a? Hay kung gaanong kabilis pumick up ni Kiko siya namang kina slow ni Vince tsk!.

It was dad’s idea. Ipapakasal niya daw ako sa anak ni tito Henry.

At pumayag ka naman? pero bakit daw wala bang boyfriend yung anak ni tito Henry?

Dad made a compromise kaya niya ako napapayag. Sabi niya subukan ko lang daw muna and if it didn’t work hindi niya ako pipilitin pakasalan yung babaeng yun. At hindi ko alam kung may boyfriend yun, hindi ko nga alam pangalan o itsura eh. I know tito Henry has a daughter pero kahit kelan hindi ko pa nakita.

Yun naman pala eh pwede ka pa magback out kala ko naman magiging best man na ako. Pero pare sana chicks yung babae para kung hindi kayo magwork ako na lang sasalo sa kanya. Napaka chickboy talaga nito.

Baliw! Tigil tigilan mo na nga yang pag chichicks mo hindi na tayo bumabata. Magseryoso ka na nga wag mo gawing laruan ang mga babae.

Opo father! Eto naman anong magagawa ko eh sila ang lumalapit sa akin hindi ko kaya maging tulad mo na one woman man noh masyado ka kasi loyal kaya sa huli ikaw ang sawi at iniiwan dapat baliktad, tayo dapat ang nangiiwan. Para saan pang naging Hottest Bachelors tayo kung magiging stick to one? Labo mo uminom na nga lang tayo! Cheers to two of the Hottest Bachelors wohohoho!!!!

I just shook my head. Wala naman masama kung maging one woman man di ba? Anong magagawa ko may babaeng bunsong kapatid ako tapos mga pinsan ko halos babae lahat. So I raise my glass to him.

CHEERS!!!! Pare Congrats nga pala lakas ng bar mo ah pero napatawa mo ko sa pangalan hindi mo man lang pinagisipan! V bar tlga ah! Pagpasok ko pa lang at nakita ung pangalan hindi ko na napigilang mapatawa eh kahit kelan korny talaga nitong si Vince.

Hahahaha pare walang pakielamanan kesa Vince’s bar dib a masyadong obvious. Tska marami namang ibig sabihin ang V ah. Gaya ng Videoke tignan mo may live band na tumutugtog. And speaking of that since nandito ka na din lang tagal ko ng hindi naririnig boses mo ah tugtog ka naman diyan. Kabubukas pa lang kase nito eh pero halata ko naman na kumikita kasi medyo madami dami din ang tao tsaka nakakarelax talaga ang ambiance dito.

huwag na may next time pa naman hindi naman ito ang huli kong punta dito eh. Wala kasi ako sa mood gusto ko lang talaga magunwind. Tsaka tagal ko ng hindi tumutugtog mahirap nab aka nangangalawang na boses ko. Mapahiya pa ko.

Sige na pare wala ka na nga nung opening eh. Para naman din makakita ng gwapo yung mga tao dito sawa na ata sila sa kagwapuhan ko eh. Hahahahahaha

Bakit Ikaw Pa Ang Minahal (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon